Sinuklay ko ang buhok ko matapos bumaba ng sasakyan at humarap sa salamin nito. Basang basa pa ang medyo magulo kong buhok na hindi naasikaso kanina dahil sa pagmamadali. Late na kasi akong nagising. Napuyat ba naman ako hanggang ala una para matapos ang assignments. Sobrang hectic ng buwang ito. Ibinaba ni Kaloy ang door glass ng sasakyan upang makita ako nang malinaw sa aking ginagawa dito sa labas. Panay ang pamamadali ko sa pagsusuklay dahil ako na lang ang hinihintay sa pagkikita namin ng mga groupmates ko. Fina-finalize na kasi ‘yong final paper para sa research namin. Bukas na ang pasahan kaya kailangan talagang magmadali. Nanliit ang mga mata ni Kaloy habang pinagmamasdan ako. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya. “Oh bakit ganyan ka makatingin?” Inangat niya ang isang kamay at

