Tahimik ako sa buong biyahe habang pauwi na ng bahay. Bagaman maayos namang naitawid ang sitwasyon kanina habang kasabay sina Carrie, Jaguar, at Kaloy, pinupunan pa rin ng bagabag ang damdamin ko lalo’t batid kong pauwi na talaga sila Mommy. Natulala ako sa nagbabadyang paglubog ng araw habang nagmamasid sa bintana ng sasakyan. The towering coconut trees along the road are standing tall and fine. Sumasayaw sa samyo ng hangin ang mga mumunti at luntiang damo sa gilid. Nahaharangan man ng mga niyog ang larawan ng dagat, hindi ko mapigilang mamangha lalo’t nagkukulay ginto na ang araw. Pa-andap-andap ang silahis ng araw na tumatama sa aking balat. Inalis ko ang suot na face mask saka dinama nang nakapikit ang araw. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang naiisip ni Kaloy sa akin ha

