Chapter 48

2412 Words

Hindi pala traydor ang langit. Lumuluksa rin pala ito sa kalungkutan ko. Umiiyak habang ako ay lumuluha at gaya kong nagdadalamhati sa pag-ibig na tinapos ng tadhana.   Umagang-umaga pa lang ay umuulan na. Halos kagigising ko pa lang ngunit halos hindi na maawat sa pagpatak ang mga luha ko. Para akong pinagkaitan ng kalayaan upang sumaya. Pakiramdam ko, hindi na matatapos ito ang parusang ito.   Dalawang buwan na ang lumipas matapos tanggalin sa trabaho si Kaloy. At sa dalawang buwan ay tila naiwala ako ng sariling kaluluwa. Hindi na ako nakakain nang maayos, maya’t maya ang iyak ko, at sa tuwing maaalala ang lahat, bumabalik ang nananariwang sakit sa’kin. Tila nasa sitwasyon pa rin ako kung saan pilit na inilalayo sa akin si Kaloy. Kaya kung sakali mang may magtanong sa akin kung ayos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD