It's almost December kaya naman mas lalong lumamig ang simoy ng hangin na sinasabayan pa ng pag-ulan. Monday ngayon, 1 week before Nico's birthday... iniisip ko tuloy kung ano bang dapat kong bilhin na regalo... "I bet, si Via pa gumagastos para doon sa lalaking 'yon..." I was walking on the hallway at pupuntahan sana si Dine sa classroom ng last class niya this morning nang marinig ko ito sa paligid. Hinanap ko kung saan galing sa dami ng estudyante dito. Nakita ko ang ilan sa mga ka-blockmate ko na magkakausap habang naka-sandal sa railings. Nakumpirma kong sila nga ang naririnig kong nag-u-usap tungkol sa amin nang tumingin ako sa isang bitchesang nakatingin pa sa kuko niyang may bagong nail polish. "Syempre no. The guy is gwapo naman talaga, pero okay lang 'yon kung gastusan mo isa

