Tinignan ko lang ang jacket na pinahiram niya sa akin buong gabi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hiya? Kasi sinusungitan ko siya, tapos siya pala ang magliligtas sa akin mula sa bastos na iyon? Kinagat ko ang labi ko saka ako sumubsob sa unan habang nakahilata sa kama.
“Nico Garcia…” I say his name. Sobrang simple ng pangalan. Parang hindi man lang pinagisipan. Hindi katulad ng pangalan ko… Via Colleen, ‘di ba? Isang rinig pa lang, halatang maganda na.
Mayroon kaya siyang social media accounts? Of course! Sino ba sa panahon ngayon ang taong walang social media? Agad akong bumangon upang kunin ang cellphone ko at i-search ang pangalan niya sa f*******:.
I want to make myself clear.
I'm just curious, 'kay? I don’t like him and I’m not interested in him. Kailangan ko lang ng contact niya para maibalik ang jacket niya. Malay ko ba kung kailan ulit kami magkikita sa bus station?
Binasa ko ang mga resulta ng Nico Garcia, pero kahit isa sa mga iyon ay wala akong nakitang mukha niya. Kung hindi mga jejemon e, mga matatanda na na may kargang mga bata at may asawa na. Binuksan ko ang isang f*******: account na medyo kahawig niya. Nakumpirma kong siya nga noong tinitigan kong mabuti. Bata pa kasi siya doon sa picture at luma na rin ang account. Ginawa noong 2012 pa, tapos halatang hindi na active.
Natawa pa ako dahil hanggang doon ba naman sa profile picture niya n'ong bata siya e, kunot ang noo niya. Masyado niyang dinidisplay ang maganda niyang kilay huh? Tss. Ni-next ko pa ulit yung picture at gusto ko na talaga siyang pagtawanan kapag nagkita kami ulit. 'Yong mga picture niya e, inedit pa talaga sa Pizap hahahaha, with gLoWing tExt na: MhistEr_MasuNgit amp HAHAHAHAHAHA! What the hell? Dinownload ko pa ang mga iyon for future references, kung sakaling kailangan ko ng pang-black mail sa kanya.
Mwahahaha!
Kinabukasan ay dinala ko na rin ang jacket niya dahil hindi ko naman sure kung kailan kami magkikita. Inispray-han ko na lang ng mamahaling pabango, dahil hindi ako naglalaba. Ayoko namang ipalaba sa kasambahay namin o kay Mama dahil baka isipin pa n'on meron na akong boyfriend kahit wala.
Dalawa ngang uwian ang nakalipas at hindi pa ulit kami nagkikita. Ubos na tuloy ang pabango ko dahil kada araw na lumilipas, ini-spray-han ko dahil parang nawawala yung pabango, hays! Katatapos lang ng isang subject namin nang i-approach ako ni Marcus, 'yong bali-balita na nanliligaw raw sa akin, e wala naman akong nalalaman, at wala akong pakialam.
"Via," aniya. Napatingin tuloy sa akin si Geraldine. Agad niyang inimpit ang labi niya na para bang kinikilig saka ako kinalabit sa braso.
"Una na ako Via ha? Hehehehe."
WHAT? Traydor ka, Dine! I wanna shouted 'wait' kaso desidido talaga ang bruha na ipagkanulo ako sa babaerong 'to.
"Yes?" I said instead.
"I just wanna ask kung can I bring you home today? Kasi, if you didn't know--"
Agad na akong sumingit bago niya pa matapos ang sasabihin niya. "If you didn't know also, someone did something terrible to me because of you."
Kumunot ang noo niya. I crossed my arms.
"What do you mean? Anong ginawa nila sa ‘yo?"
I smirked, "Binuhusan lang naman nila ng ketchup ang spare clothes ko. At dahil doon, umuwi at sumakay ako ng public bus suot ang pang-defense outfit ko last time."
"That's..." aniya, "That's horrible, Via. I mean, tell me who they are, and I'll make them pay in no time."
Oops, it's payback time na pala agad. Tss, hindi man lang ako pinawisan?
"Sino pa ba? Edi sina Lindsey."
Huh. That's my game. Wala akong pakialam kung umasa man 'tong babaerong ito. Ang mahalaga e, makaganti ako sa ginawa nina Lindsey sa akin.
"I'm sorry about those girls,”
"Your girls, you mean?" I smirked pagkasabi ko n'on.
Huli ka! Akala mo siguro hindi ko kilala ang lahi mo ano?
"No! They're not my girls...Alam mo naman si Lindsey, matagal na ‘yong sunod ng sunod sa akin. I… didn’t like them," may pa-hand gestures pa siyang nalalaman. Sinandal niya ang siko niya sa railings na malapit sa amin. "I don't have girls, Via. Hindi ko alam kung alam mo na ba... I like you..."
Now, that was too straightforward.
Gusto ko siyang ngisian ulit pero pinigilan ko na dahil baka ma-offend ko na ang lokong ito at gawan pa ako ng masama.
"I know..." I said.
"Really?"
"Yes, but I don't like you, Marcus."
"Woah..." tumawa siya ng peke at pakunwaring humawak sa dibdib. "That was too straight, huh?"
Tumaas lang ang kilay ko. Hindi na muna siya nagsalita habang amazed na nakatingin sa akin. Pagkalipas ng ilang segundo ay ngumiti ulit siya. Palangiti ang isang 'to ha?
"Nevertheless, you'll let me bring you home tomorrow," aniya na punong-puno ng kumpyansa sa sarili. "'Cause I'll make Lindsey say sorry to you. Okay? You can't say no.” saka siya bumira ng alis. Laglag na lang ang panga ko habang tinitignan ko siyang naglalakad paalis. Wow, galing ng strategy n'on ah? Literal na leave you with no choice?
Hinanap ko na lang ulit si Geraldine pero talagang iniwan na ako n'ong bruha. Sumakay na ako ng jeep patungo doon sa bus station. Wala pang bus na dumarating kaya naman nagtungo na ako sa pinakadulong pila habang inililibot ng tingin ang buong lugar. Halos kumalabog ang dibdib ko sa gulat noong makita ko siya sa tapat ng isang maliit na sari-sari store at umiinom ng softdrinks kasama ang ilan niya pang kasamahan. Nagtama ang mga mata namin kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
WHAT THE HELL? Bakit ako kinakabahan? Fudge! Mabuti na lang may dumating agad na bus. Nakasakay na ako lahat-lahat pero hindi ako nilapitan ni Nicondoktor para kunin 'yong jacket niya. Siya kaya 'yong kundoktor nitong bus na sinakyan ko? Sana nga siya, dahil ayokong ako pa ang lalapit para lang maisoli 'to.
Nakumpirma kong siya nga ang kundoktor noong matanaw ko na ang pag-akyat niya. Sinuyod niya ng tingin ang buong bus, kaya naman noong mapadpad sa direksyon ko ang tingin niya ay agad akong umiwas ng tingin. Ayan na naman 'yong kalabog ng dibdib kong mas mabilis pa, lalo na noong umandar na 'yong bus at n'ong nagsimula na si Nicondoktor na maningil ng pamasahe.
"Saan kayo, Ma'am?" tanong niya sa babaeng katabi ko na nasa tabi ng bintana.
"Sa Gahak, koya." sagot n'ong babae.
Noong tumingin na siya sa akin ay umubo ako ng kaonti saka nagsalita.
"Buenavista, estudyante." sabi ko at ginawa ko ang lahat para hindi siya tignan, pero napaangat rin agad ako ng tingin sa kanya nang magsalita siya.
"Weh? Estudyante ka?" aniya na parang nang-aasar. Kinunot ko ang noo ko.
"Yes. Hindi ba halata? Running fro Cumlaude.” Ngumisi siya at muntik na yata akong mabulag dahil first time ko lang siyang makitang hindi nakakunot ang noo. First time ko lang rin siyang nakitang nakangisi. Maaliwas naman pala ang mukha niya, madali ring mabasa ang mata niya-- madilim ito tuwing naiinis siya o galit, at naniningkit naman kapag ngumingisi.
"Tingin ng school ID, Ma'am." aniya. What? Are you freaking serious?! Nakangiti ang mata niya, at mukhang nangtitrip lang, kahit hindi literal na nakangiti ang labi niya. Laglag ang panga ko dahil sigurado ba siyang hindi siya naniniwalang estudyante ako? Sinunod ko na lang ang gusto niya. I bring out my school ID and showed it to him, kung pwede lang ibalandra sa mukha niya para ipahiya siya. Nakangisi pa rin siya na parang aso.
"Hmm, okay. Estudyante nga.” aniya, sabay abot pabalik sa akin ng ID ko. Padabog ko itong binawi. “Va-ya Colleen..." pahabol niyang bulong.
"What? That's Vi-ya!" angal ko agad. Ang ganda-ganda ng pangalan ko, tapos ang pangit ng pronunciation niya?
"Bakit Vi-ya, e, diba Va-ya ang basa sa V.I.A? Via bluetooth, via satellite?" nang-aasar na namang tanong niya. I looked up on him. Ang dami kong gustong sabihin pero umirap na lang ako.
"Who cares?" bulong ko. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa habang sinisingil niya na ang pamasahe ng iba. Nakalimutan ko na tuloy yung tungkol sa jacket niya buong byahe dahil ang nasa isip ko lang e 'yong nakakainis na tawag niya sa pangalan ko.
Eh bakit siya nga e, Nico Garcia… sobrang simple, hmp! Niconduktor! Dapat pala inasar ko rin...
Nagkaroon lang ako ng time na iabot sa kanya 'yong jacket noong bumaba ulit ako sa kanto ng Buenavista. Hinintay ko ulit siyang bumaba mula sa kumpulan ng mga tao.
"O jacket mo." ani ko. Imbis na abutin ay sumakay lang siya ulit sa bus na papaandar na.
"Next time na lang ulit, kapag nagkita tayo." aniya. "Ingat... Va-ya..." saka muling umandar paalis 'yong bus.
“T-that’s…” bago pa ako makapagreklamo sa sinabi niya ay tatawa-tawang isinara na nila ang pintuan ng bus. Aish!