Uwian 4: Sorry

1653 Words
"AARRRRGH!" inis na sabi ko sabay padabog na umupo sa Bench. Ipinadyak ko pa ang paa ko sa sobrang inis. "Bwisit! Anong susuotin ko niyan pauwi? Hindi naman ako naka-kotse! I'm taking public buses!" "Hala, paano 'yan?" sabi ni Geraldine. "Wala rin akong dalang extrang damit! Bili na lang tayo sa mall ng tshirt!" Tumingin ako kay Dine saka bumuntong hinginga. "Okay lang, malayo pa ang mall." sabi ko. "Ngayon lang naman ako uuwi ng naka-ganito. Tara na sa room. Baka makalimutan ko pa ang mga lines ko, mas lalo ko silang hindi napapatawad. Saka ko na lang kakalbuhin ang mga iyon." Sumapit ang defense and everything went well naman. Nakaani pa kami ng good feedbacks from the pannels. Ang problema ko na lang talaga ngayon ay hindi ko pa nakakalbo sina Lindsey at masyadong revealing ang damit ko para sumakay ng bus mamaya. But I have no choice. "Ay ang ganda oh, pre..." rinig kong sabi ng lalaking hindi kalayuan sa akin sa loob ng jeep. Tumingin ako sa kanila para irapan sila. "Ay kaso masungit." I know right? Tss. Akala siguro nila matutuwa akong marinig na pinaguusapan nila akong maganda. Wrong move palang magjeep. Pwede kasing lakarin ang bus station mula sa school pero nag-jeep ako dahil ayokong maglakad ng naka-pencil cut at off-shoulder na top. It's almost 5 PM nang maglakad na ako patungong istasyon ng bus. Medyo marami ang atensyong nakukuha ko, dahil na rin siguro dito sa suot ko. "Artista ba 'yan?" "Bakit naglalakad mag-isa?" "Pa-picture tayo!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi na ako ablahin pa ng mga tao. Sakto namang pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mata namin ni Nicondoktor. Hindi ko alam kung bakit dahil doon ay medyo bumagal ang lakad ko, at kumabog ng isang beses ang dibdib ko. As usual, salubong na naman ang kilay niya sa akin. Para mas lalo siyang inisin ay mas confident akong rumampa patungo sa pinakadulong pila saka ko siya inirapan. Sure ako hinuhusgahan na naman ako ng taong 'yan. Akala mo ikaw lang ang may kakayahang mang-irap? Hustler yata ako sa bagay na iyan. Inabot ng ilang minuto bago may dumating na bus pa-Buenavista, at doon ko narealize na mukhang tatayo ako nito dahil sa dami ng mga tao! Bakit ba naman kasi walang UVs pauwi sa amin? Gawd, naka-heels pa naman ako! Nang naga-akyatan na ang mga tao sa bus ay nakatayo lang malapit sa entrance sina Nico at iba niya pang kasamahan. Medyo mapupuno na rin ang bus. Nang ako na 'yung aakyat ay bigla siyang umiwas ng tingin nang tinignan ko siya... Tss. "Miss, alalayan na kita umakyat." sabi ng kasamahan niya yata habang nakalahad ang kamay. Hindi ko sila pinansin at umakyat na lang ng bus mag-isa. Doon ako sa bandang b****a ng bus, kaya naman noong umakyat ang kondoktor na si Nico ay nagtama pang muli ang mga mata namin. He's wearing his typical white polo pero ngayon ay may suot siyang blue-white na jacket. Noong akmang titignan niya ulit ako ay umiwas na ako ng tingin. Baka isipin pa ng isang 'to ay sobrang gwapo niya. Tss! Pero mali yata ang naging pag-iwas ko ng tingin, dahil sa ibang lalaking ang creepy kung makangiti sa akin napadpad ang tingin ko. Nasa bandang kanan ko siya, at isang tao lang ang nasa pagitan namin na nakatayo. Yuck! I let him see my disgusted face bago muli ako tumingin sa kaliwa ko which is si Nico-masungit naman. Busy siya sa pagaayos ng bus tickets, tss. Ilang sandali ang lumipas at naramdaman kong medyo gumalaw ang katabi ko habang nakatayo. Paglingon ko ay halos malaglag ang puso ko sa gulat dahil katabi ko na ngayon 'yung lalaking creepy kung makangiti sa akin. Mukhang nakipagpalit pa siya ng pwesto sa katabi ko kanina. "Hi Miss..." anito, may pagka-tonong manyak. The hell!  Kinalama ko ang sarili ko at medyo lumayo sa kanya. Kaya lang ay limitado ang space na meron ako para lumayo ng tuluyan. "Miss, kinakausap ko oh." aniya ulit. Napalunok ako. "I'm not talking to strangers." "Ang arte." pabulong na sabi nito na parang naiinis. "Estudyante ka ba? Gusto mo ng pang-allowance? Sumama ka lang sa akin." Tumindig ang balahibo ko dahil sa pagkakadiri sa sinabi niya. Pero nang tumingin ako sa kanya ay mas lalong naging manyak ang awra niya. "Hindi mo na kailangang sumakay ng bus. Kahit isang gabi lang, kayang-kaya kong sagutin ang limang taon mong tuition fee…” "Bastos ka ah!" hindi ko na napigilang sumigaw kaya naman napatingin sa amin ang lahat ng pasahero. Naramdaman ko ang braso ng kung sino na humila sa akin para palayuin ako mula doon sa lalaki. Sisiksikan kaya naman pahirapan ang paggalaw. Pag-angat ko ng tingin ay kita ko ang pagkuyom ng panga ni Nico at ang pagsasalubong ng makakapal niyang kilay habang nakatingin doon sa manyak na lalaki. "Kuya Edwin pakitigil po ng bus," aniya habang hindi nawawala ang titig sa lalaki, habang ang sinabihan niya yata ay 'yong driver. Agad namang tumigil saglit ang bus. Halos mas lumakas pa ang bulungan dahil sa nangyari. Abot langit na rin ang kabog ng dibdib ko at hindi ko na alam ang mga nagyayari. “Ano bang problema mong kundoktor ka ha?” pang-mamataas na sabi n’ong manyak. ”Kuya bumababa na ho kayo bago ko pa i-report sa police itong kabastusan mo. Mayroong malapit na police station dito kung di niyo alam." "Ano bang kabastusan? Maarte lang ang isang 'yan! Kinakausap ko lang naman siya ah!" sasagot sana ako kaso mas naunang sumagot si Nico. "Kinakausap na kung gusto niya ng allowance ay sumama lang siya sa ‘yo kahit isang gabi? 'Yon ba kuya? Tanga ba kami para hindi ‘yon maintindihan?” napapahiyang tumingin sa mga tao 'yong lalaki dahil nagbulung-bulungan na ang mga ito. "Oho naririnig ng lahat 'yong pinagsasabi niyo kanina. Gusto mo kami pang lahat ang magreklamo sa 'yo sa pulis?" Umangat ang labi n'ong lalaki upang ngumisi. "Ang yabang mo ah! Akala mo kung sino ‘tong kundoktor na ‘to." anito. "Makaalis na nga. Tabe!" Gumalaw ang braso ni Nico para itago ako noong dadaan sa harapan ko 'yong lalaki na tinignan pa ako ng masama. Nang makababa ng bus 'yong lalaki ay doon lamang kumalma ang dibdib ko. Nagstart na ulit tumakbo ang bus at ang iba sa mga pasahero ay nagbulung-bulungan na. "Ayan, bakit kasi ang ikli kung manamit. Nababastos tuloy." narinig kong sambit ng isang matandang babae na umiiling-iling pa habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan. Matigas ang puso ko at may pagkamaldita ako pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Kasalanan ko pa ba ang nangyari kanina? Dahil ganito ang suot ko kaya ako nabastos?  Napigilan na lang ang pag-iyak ko ng tuluyan nang magsalita si Nico sa harap ko. Malambot ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Hindi katulad ng palagi kong nakikitang ekspresyon niya noong nakaraan na parang inis siya sa akin o ano. "Halika," aniya. Hindi ako agad sumunod, kaya naman hinawakan niya ng marahan ang pulso ko. Medyo nabigla lang rin siguro siya noong gawin niya iyon, kaya nagaalangan siyang hilahin ako upang tumawid sa mga tao para makapunta doon sa unahan ng bus. Nakakapit ako sa isang handle doon, at pinagmasdan ko kung paano niya inopen ang isang maliit na upuan sa unahan na mukhang upuan yata para sa mga kundoktor (sa bandang unahan ng bus). Tumingin ako sa kanya at intinuro niya lang 'yung upuan na para bang sinasabing umupo na ako doon, kahit hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "Dapat kanina pa kita papaupuin dito. Kaya lang ang sungit mo." aniya sabay tingin sa daan sa unahan. Napatingin ako sa kanya at muling kumalabog ang dibdib ko, lalo na noong hinubad niya ang jacket niya para ipahiram sa akin. "Malamig." maikli lang na sinabi niya, halos bulong nga at ako lang yata ang nakarinig. Hindi naman gan’on kasama ang ugali ko para hindi maappreciate ang ganitong bagay. Afterall, I grew up with a very sweet family. “Thank you and s-sorry." sabi ko. Binilisan ko lang ang pagkakasambit ng salitang sorry na para bang nakakapaso itong sabihin. Marahan kong sinuot ang jacket niya. Nabasa ko ang salitang Garcia sa likod nito. Naisip kong siguro ay apelyido niya iyon… Nico Garcia? "Hindi mo naman kasalanan." napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Talagang bastos lang ang taong 'yon." “Oo nga, ineng. Parang kilala ko nga ang lalaking ‘yon e. Hindi ko lang napansing nakasakay pala dito sa atin. Pasensya kan na, hija.” singit naman ni Manong driver, na mas lalong nagpakalma sa akin. Napangit ako ng kaonti dahil hindi ko talaga kasalanan. Hindi kasalanan ng maikli kong suot kung bakit ako nabastos kanina. Kasalanan ng nambastos mismo. Mabuti na lang at may mga tao pa ring ganito mag-isip. “Salamat, kuya Edwin.” sabi ni Nico. Nang tinignan ko siya ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mata niya kahit hindi siya literal na ngumingiti talaga. Umiwas siya ng tingin sa akin. Parang may nag-rumble naman sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Tahimik lang ako habang nakaupo doon sa pwesto niya, habang siya naman ay nagpatuloy na sa paniningil ng mga pamasahe. "Buenavista na. Buenavista!" sigaw n'ong driver kaya naman naghanda na akong bumaba. Noong makababa na ako ay hinintay kong bumaba si Nico na mukhang naipit yata sa gitna ng mga tao sa loob ng bus. Nang makababa siya ay akmang ibabalik ko sana ang jacket niya nang agad niya akong pinigilan. "Sa 'yo na muna." aniya sabay akyat ulit sa bus. Hindi agad ako nakapagsalita. 
 "Balik mo na lang kapag..." kumamot siya ng marahan sa kanyang batok. "...magkikita pa naman tayo ulit, e." Kasabay n'on ay ang huli niyang pagtingin sa mata ko at ang pagsara ng pinto't pag-andar ng bus paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD