Kabanata 14

1598 Words
"B-Bakit mo 'ko sinundan?" alinlangan kong tanong sa kanya nang makapasok na siya sa loob. "Narinig ko lahat. Hindi ako naniniwalang ginawa mo 'yon, kaya sinundan kita." mataman niyang sagot sa akin. Bakit naman kaya siya naniniwalang hindi ko nga iyon ginawa? Hindi pa naman niya ako gano'n kakilala. Umiling ako. "Hindi ako magnanakaw." tanging nasabi ko at ngumiti siya ng bahagya. "I know, and... kaninong bahay 'to?" tanong niya habang pinalibot ang mga mata sa kabuoan ng bahay. "Ewan, sila Amalia at Ninang ang nakadiskubre sa bahay na 'to at nilinisan namin ni Amalia." sagot ko at mukhang namangha siya sa sinabi ko. "Really? This is still part of our property. " sagot niya at tumango ako. "Hindi rin alam ng parents ni Amalia kung kanino itong bahay?" kuryoso niyang tanong. Umiling ako agad. "Hindi rin. Baka si Tatay alam niya." giit ko, mas nauna pa kasi sila Tatay sa lupang ito bago pa man napadpad ang mga magulang ni Amalia rito. "And you planned to stay here, tonight? Alone?" nakataas kilay niyang tanong at tumango naman ako. "Sasamahan kita." dugtong niya. "Okay lang, Kuya. Kaya ko naman mag-isa." pagsisinungaling ko kahit sa narinig kong kaluskos kanina ay nanayo lahat ng balahibo ko. Kumunot ang noo niya at nanliliit ang mga mata. "I will stay, GG. You're a woman, delikadong mag-isa ka lang dito." aniya sa isang matigas na boses. And you're a man, Kuya. Delikadong magkasama tayong dalawa! Sagot ko sa kanya sa isipan ko at napayuko sabay mariin kong pagpikit dahil naalala ko ang pustahang gustong mangyari ni Amalia. "P-Pero... iisa lang ang...kama." sabi ko habang nasa gasera ang tingin at nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin. "Sleep on the bed, ako na sa sahig." sagot niya agad kaya napabaling ako sa kanya. Sa sahig siya matutulog? Ako yata ang dapat sa sahig matulog dahil hindi naman siya sanay mahiga sa matitigas na higaan, at sa sahig pa! "Ako na ang sa sahig, sanay na ako sa matigas, Kuya." giit ko at tumikhim siya agad sa sinabi ko sabay nag-iwas ng tingin. Anong nangyari sa kanya? "Tatabihan kita sa sahig kong ayaw mong matulog sa kama." aniya at napabaling ulit sa akin na nakataas na naman ang kilay. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Tatabihan niya ako?! Umiling ako agad. "S-Sa kama na ako." sagot ko at pumasok na sa kwarto. Sumunod naman siya sa akin, dala-dala niya ang gasera. Kinuha ko naman ang extrang kumot na nalabhan namin ni Amalia pati unan at inilatag ko iyon sa sahig. Makakatulog kaya siya? "Uh... gusto mo bang... uh... buksan ko na lang ang bintana? Baka mainitan ka...walang aircon." sabi ko habang nakatingin siya sa paligid ng kwarto. "No, it's fine." sagot niya at tumango ako sabay unti-unting nahiga sa kama. Tumalikod ako agad at nagtago sa ilalim ng kumot. Kagat-kagat ko ang labi ko dahil hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali at parang...kinikilig ako. Umayos ka, GG! Kastigo ko sa sarili. "Why are you hiding under your blanket? Papawisan ka." narinig kong sinabi niya at mabilis akong napahinga ng malalim. Naririnig ko na sa teynga ko ang tili ni Amalia oras na malaman niyang magkasama kami ngayon ni Elton. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa akin at nag-abot agad ang paningin namin. Nakatitig lang siya sa akin at kinabahan akong bigla sa paraan ng pagtitig niya. "N-Nagdadasal lang ako." dahilan ko sa kanya. "Oh." aniya Naupo siya sa sahig kung saan nakalatag ang kumot. Sobrang liit tingnan ng kumot, mukhang lalampas ang paa niya. Naaawa ako sa kanya, pero hindi naman pwedeng magtabi kami sa iisang kama. "Sigurado ka bang diyan ka lang?" tanong ko sa kanya at mukhang namangha siya sa tanong ko. "Kung sabihin kong hindi, anong gagawin mo?" manghang tanong niya at nagpakurap-kurap ako. "W-Wala. Tinatanong lang naman kita. Sige...matutulog na 'ko." kinakabahan kong sagot at tinalikuran siya ulit. "Goodnight babi." sabi ni Elton at kumunot ang noo ko. Pangalawang beses na niya akong tinawag ng gano'n. Hindi ko na siya sinagot pa dahil hinihila na ako ng antok ko. Nagising ako kinaumagahan na wala na si Elton sa higaan niya. Maaga pa naman, ah. Nasaan kaya 'yon? Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nabungaran ko si Elton na naghahanda ng pagkain sa mesa. Dahil sa nakita kong mga pagkain saka ko pa naramdaman ang matinding gutom. Hindi nga pala ako naghapunan kagabi. "Breakfast?" aniya nang makita niya ako. Naglakad naman ako papalapit sa kanya...sa mesa. "Saan galing ang mga pagkain?" nagtataka kong tanong sa kanya at may pilyong ngiti sa mukha niya. "Gumising akong maaga, to buy us food." sagot niya at iminuwestra niya ang upuan sa akin. Naupo naman ako roon agad at nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Namamangha ako sa ginagawa niya at mas lalo pa akong namangha nang makitang nagtitimpla siya...ng gatas. "Here's your milk." sabay lapag niya sa baso sa harap ko. Gano'n ba ako kabata sa paningin niya para ipagtimpla ng gatas sa umaga? Nakatitig lang ako sa gatas at pabalik sa kanya. "What's the problem?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Hindi naman na ako umiinom ng gatas. Kape na ang iniinom ko." tonog pagrereklamo iyon. Narinig ko ang bahagyang paghalakhak niya at sinamaan ko siya ng tingin. "How old are you again, Missy?" pilyong tanong niya sa akin. "Malapit na akong mag second year highschool!" iritado kong sinabi sa kanya at naupo na siya kaharap ako. "Kahit matatanda umiinom nga ng gatas, ikaw pa kaya?" natatawa niyang sinabi. "Umiinom sila ng gatas dahil para sa buto at kalusugan nila 'yon. Bata pa ako." pairap kong sagot sa kanya. "See? sabi mo nga, bata ka pa. So, drink your milk Missy. Saka ka na mag kape kong kasing tanda mo na ako." sabi niya sa akin at hindi ko na siya sinagot dahil gutom na gutom na ako. Matiwasay ang naging agahan namin at uuwi na ako sa amin ngayon. "S-Salamat pala, Kuya." sabi ko sa kanya nang makalapit na kami sa amin. "No problem at 'wag ka ng aalis sa bahay ng mag-isa. Lalo na kung gabi." paalala niya sa akin at tumango ako. "GG." tawag niya sa akin at napalingon ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko. Nakikita kong mukhang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi agad. Para siyang nahihirapan sabihin kong ano man iyon. "Check your pillow, kung babalik ka roon." aniya at nagugulahan ako sa sinabi niya. "Sa unan ko?" tanong ko sa kanya at dahan-dahan siyang tumango. "Anong meron do'n?" dugtong kong tanong sa kanya. "Basta, tingnan mo na lang. Mauna na ako." sagot niya at nauna nang naglakad sa akin sabay sakay niya sa sasakyan niya at agad naman iyong pinaandar. Anong nangyari do'n? At ano naman kayang nasa unan ko? Hindi na tuloy ako mapakaling malaman kung ano iyong tinutukoy niya. Babalik ako mamayang hapon doon sa kubo. Papasok ako ng bahay at naabutan ko roon si Tiya... malaki ang ngiti sa akin. Kumunot ng bahagya ang noo ko dahil nagtataka ako sa ngiti niya. Iba ang inaasahan ko. Akala ko pagagalitan na naman niya ako, o di kaya, pagbibintangan na naman ulit. Pero kakaiba ang nakikita ko ngayon. "GG, pasensya na kagabi. Si Chloe ang kumuha ng pera ko. Pasensya na." malungkot niya sinabi at lumapit sa akin, hawak ang mga kamay ko. Si Chloe pala ang kumuha at umamin siya? Bakit naman kaya siya umamin, e, kagabi nga,halos ipagduldulan na nga niya sa akin na ako ang kumukuha ng pera ni Tiya. "Okay lang po." sagot ko at ngumisi si Tiya. "Chloe!Nandito na ang kapatid mo." sigaw ni Tiya kay Chloe. Napansin ko ang huling sinabi niya. Kapatid? Ngayon ko lang narinig si Tiya na sabihin iyon. Lumabas naman si Chloe sa kwarto niya at gano'n pa rin ang galit na mukha. "Wala ka bang sasabihin?" ani Tiya kay Chloe. Ano bang nangyayari? "Sorry." tanging sinabi ni Chloe at bumalik siya sa kwarto niya. Totoo ba talaga 'yong narinig ko? Nag sorry si Chloe sa akin?Hindi naman yata kapani-paniwala. At naninibago ako sa kinikilos ni Tiya. Nagbago ang pakikisama niya sa akin simula ng umalis ako ng gabing iyon. "Ano yan?" tanong ni Amalia sa akin. Isa iyong kulay blue na box na nakatago sa ilalim ng unan ko. Nagkatinginan kami ni Amalia at tumili siya. "Baka engagement ring na 'yan, GG! Buksan mo na!" tili niyang sinabi. Binuksan ko nga ang box at namilog ang mata ko sa nakita. Isa iyong gintong kwentas na may pendant na...feeding bottle? "Bakit ganyan?" natatawang tanong ni Amalia. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako binigyan ng kwentas at kung bakit ganito ang pendant? "Ibabalik ko 'to sa kanya." sabi ko kay Amalia. Hindi ko matatangap ito. Alam kong mahal ito. Hindi ko kayang tanggapin at hindi ko naman kaarawan para bigyan ng regalo. "Uy 'wag, GG. Ang sama mo talaga. Maiinsulto 'yong tao kung ibabalik mo iyan sa kanya." giit niya. Umiling ako at ibinalik sa box ang kwentas."Hindi ko matatanggap 'yan, Amalia." sagot ko. "Kung ayaw mo sa kwentas, itago mo na lang, kaysa sa ibalik mo sa kanya. Okay kang sayo mainsulto 'yong tao?" tanong niya sa akin na may mapanuring mga mata. "Mag-eexplain naman ako sa kanya." sagot ko. "Basta GG. Huwag mong isuli iyan. Sige ka, baka magalit sayo iyon at hindi ka na pansinin." hamon niyang sinabi sa akin. Magagalit nga kaya siya kung ibabalik ko ito sa kanya? Pero una sa lahat, para saan iting ibinigay niya sa akin? At higit sa lahat, bakit ganito ang pendant?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD