"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Ninong sa amin. Ngayon na kami lilipat sa Maynila at mukhang doon na kami mamamalagi. Mahirap makahanap ng magandang trabaho dito sa probinsya at hindi rin naman gano'n kalaki ang pa sahod dito.
"Okay na ang lahat, Pa." sagot ni Amalia kay Ninong at napatangin siya sa akin.
Nasa loob nang jeep ang mga bata, ang mga gamit namin ay nasa isang sasakyan naman.
"Handa ka na?" aniya sa akin at tumango ako sabay taas ng kilay ko.
"Bakit naman ako hindi magiging handa?" natatawa kong tanong sa kanya.
Inakbayan niya ako at naglakad papalapit sa sasakyan. Huminto siya at hinarap ako sabay hinawakan niya ang kamay ko.
"Sa paglipat natin sa Maynila, maraming pwedeng mangyari. Maaring gumanda ang buhay natin roon at ninyo ng kambal. At maari rin silang magkita ng ama nila. Alam mong hindi imposible iyon hindi ba?" kaswal niyang tanong sa akin at ngumiti lang ako ng bahagya.
Alam ko iyon. Pero hindi ko ipipilit na ako mismo ang maghahanap ng paraan para magkita kami. Bahala na ang tadhana ang siyang magtagpo sa amin kung saka-sakali.
"Mama, anong itsura ng Maynila? Nakapunta ka na ba roon?" kuryosong tanong ni Elle sa akin habang nasa byahe kami.
Kinarga ko siya at inayos ang gulo-gulo niyang buhok na ka-kulay ng buhok ni Elton.
"Hindi pa pero matatayog ang mga building at maraming-maraming tao." magiliw kung sinabi sa kanya at kumislap ang mata niya sa sinabi ko.
"Excited na ako Mama!" magiliw niyang sinabi.
"I'm not excited." sabi naman ni Olle at nagtataka ako sa sinabi niya.
"Bakit naman, Olle?" tanong ni Amalia na nakuha rin ang atensyon sa sinabi ni Olle.
"Nabasa ko sa libro na grabe ang polusyon sa siyudad." mataman niyang sagot at namangha kaming pareho ni Amalia.
Hindi na ako nagtaka sa sagot ni Olle. Nakahiligan na niya ang magbasa ng libro. Minsan pa nga, pinapakealaman niya ang mga libro namin ni Amalia.
9 years old na ang kambal at hindi sila pumalya na makakuha medalya at lubos ko iyong ikinatuwa. Sa edad kong ito, sinong mag-aakalang may dalawa na akong anak? Kung magkasama kaming tatlo, animo'y magkapatid lang kami kong titingnan.
"Kahit dito sa probinsya may polusyon, Olle." sabi ni Amalia.
"Manila has the highest rate of pollution, Ninang." agad namang sagot ni Olle habang nagbabasa ito ng libro.
"Ayoko na! Ayokong makipagtalo sa isang scientist!" pairap na sabi ni Amalia at bumalik sa kakapindot sa cellphone niya.
Bago pa man ako babaling kay Elle ay napako na ang paningin ko kay Amalia na may malaking ngiti habang nakatutok sa cellphone niya.
Napatingin siya sa bintana na para bang may tinitingnan. Palipat-lipat ang titig niya sa cellphone at sa kalsada. Ano bang tinitingnan niya?
"Ayos ka lang, Amalia?" nagtataka kong tanong sa kanya at halatang nagulat siya sa tanong ko. Alanganin siyang ngumiti at parang may sasabihin siya na hindi niya maisatinig. Parang nag-aalangan siya.
"Kasi... ano, GG. May nakasunod sa atin na...kakilala natin." pautal-utal niyang sagot at alinlangan pa rin ang kanyang ngiti.
Kakilala namin? Sino naman kaya?
"Sino?"
"Si Mozes." kaswal niyang sagot at nagpakurap-kurap lang ako sa sagot niya. Pamilyar na pamilyar sa akin ang pangalan na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"M-Mozes?" ulit ko. Tumango siya at tinuro ang bintana. Napatingin ako sa bintana at nakita ang isang magarang sasakyan. Bumaba ang bintana at nakita ko roon ang isang pamilyar na mukha.
"P-Paanong nakasunod siya sa atin?" gulong-gulo kong tanong.
"Long story, but to make it short. Wala siyang naaalala. May amnesia siya." sagot ni Amalia sa akin kung kaya't napatingin ulit ako kay Mozes na nakasabay lang sa takbo namin.
"Huh? Bakit? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod kong tanong.
"Sa susunod ko na iki-kwento sayo, GG. Ang importante, safe kayo, tayo. Sinigurado kong wala siyang pagsasabihan tungkol sa atin lalo na sa mga kaibigan niya." panigurado niya sa akin.
Ang totoo, kinakabahan na ako. Kahit si Mozes pa lang 'yan. Malapit silang magkaibigan ni Elton. Pero kung gano'ng may amnesia nga siya, masasabi kong safe ang sekreto ko...sa ngayon.
Pero paano kung bigla siyang makaalala? At isa pa,walang sinabi sa akin si Amalia tungkol dito. Matagal na ba silang nagkikita? At papaanong nagkita sila, e, ang layo ng Leyte sa Maynila?
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Tinago mo to sa akin? Kailan pa kayo nagkikita?" tonog pagalit iyon, pero hindi naman talaga ako galit sa kanya. Medyo nagtatampo lang dahil inilihim niya ito sa akin.
"Magpapaliwang ako, GG. Sigurado naman akong valid ang rason ko kaya saka na tayo mag-usap pagkarating natin..." aniya at napatingin siya sa kambal na abala sa mga ginagawa.
Naglalaro si Elle sa tablet niya habang nagbabasa pa rin si Olle.
Nakuha ko ang ibig sabihin ni Amalia. Ayaw niyang marinig ng kambal ang pag-uusapan namin kaya gusto niyang pagkarating na sa Maynila kami mag-usap.
Walang alam ang kambal kung sino ang ama nila at hindi naman nila ako kinukulit tungkol doon. Siguro dahil nandiyan naman si Joseph na tumatayong ama nila. Isa iyon sa malaking utang na loob ko kay Joseph. Simula nang mabuntis ako hanggang sa makapanganak ay andiyan siya sa tabi namin...hanggang ngayon.
Malapit nang gumabi kami nakarating sa bago naming titirhan. Pinag-iponan naming pareho nila Ninang at Amalia upang mabili itong bahay at lupa sa isang magandang subdvision. Nagtatrabaho habang nag-aaral din naman noon si Amalia kahit pa sinusuportahan naman siya nila Ninang, kaya nakapag-ipon kami para sa bahay na ito.
"Wow! Ang ganda Mama! Dito na tayo titira?" masayang tanong ni Elle habang binababa na namin ang mga gamit.
"Yes Elle, dito na tayo titira. Maganda 'di ba?" si Amalia ang sumagot.
"Tig-isa ba kami ng kwarto ni Elle, Mama?" si Olle habang nagmamasid sa bahay.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya, nakatingin rin ako sa kabuoan ng bahay.
"Sa ngayon, share muna kayo ni Elle. Apat lang ang kwarto dito Olle." yumuko ako at hinarap siya. "Kapag nagkapera na si Mama, lilipat tayo at sisiguraduhin kong tig-isa na kayo ng kwarto ni Elle. Okay ba iyon?" sabi ko sa kanya at tumango siya.
Iyon talaga ang plano ko. Ayoko namang habang buhay na lang akong nakikitira kila Ninang. Kahit pa sabihing nagbibigay ako ng parte sa gastusin ay nakikitira pa rin ang matatawag sa amin.
"GG." tawag sa akin ni Amalia kung kaya't napabaling ako sa kanya. Kasama niya ngayon si Mozes na seryoso ang tingin sa akin. Hindi ko alam kong anong klasing bati ba ang ibibigay ko sa kanya.
Kung gayong wala naman siyang maalala mas mabuti pa sigurong umaktong hindi pa kami nagkakilala dati?
"Mozes, si Georgina iyong sinasabi ko sa iyong matalik kong kaibigan. Pwede mo siya tawaging Gina." pagpapakila niya sa akin kay Mozes.
Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Gina? Kailan niya pa ako binigyan ng bagong palayaw? At bakit niya naman kaya ako pinapatawag na Gina kay Mozes imbis na GG?
Nakita ni Amalia ang pagtataka sa mukha ngunit kinindatan niya lang ako. Ang dami niya talagang kailangan ipaliwanag sa akin!
"Hi." bati ni Mozes sa akin at inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.
"Hi." tinanggap ko naman agad ang kamay niya.
"Sino siya, Mama?" hindi ko alam na bumaba pala galing sa kwarto nila si Elle at Olle. Tiningnan kasi nila ang magiging kwarto nila.
"Kaibigan ko... si Mozes. Mag Hi kayo..." si Amalia ang sumagot. Nakita kong kumunot ang noo ni Mozes sa sinabi ni Amalia.
"Hi! I'm Elle." ani Elle nang makababa na at inilahad ang kamay kay Mozes.
Napangiti si Mozes kay Elle at tinanggap niya ang kamay ng anak ko.
"I'm Mozes, young lady." ngiting pagpapakilala niya kay Elle.
Nadako naman ang paningin naming lahat kay Olle na nakamasid lang at nakatitig kay Mozes.
"Olle?" tawag ko sa bata dahil parang walang planong makigpagkilala ito kay Mozes.
"I'm Olle." walang buhay niyang sinabi at agad bumalik sa taas. Nagulat ako sa inasal niya.
"Olle!" tawag ko ulit sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa batang iyon.
"Don't worry, Gina. It's fine. Parang ayaw niya sa akin..." sabay halakhak ni Mozes. "But, he's kinda familiar to me." dugtong niyang sinabi nang matapos ang halakhak niya.
Nagkatinginan kami ni Amalia at parang nakuha rin ni Amalia ang ibig sabihin ni Mozes. Hindi maipagkakailang kamukha ni Olle ang ama niya. Baka naaalala niya ang mukha ng kaibigan kay Olle!
"Familiar? Ngayon lang kayo nagkita, Moz..." natatawang sabi ni Amalia.
Mukha namang napaisip si Mozes at tumango rin kalaunan.
"I know but, he looks like--"
"Halina kayo. Nakahain na ang hapunan. Kain na muna tayo upang makapagpahinga." putol ni Ninang sa sasabihin pa sana ni Mozes.
Parang may bumara sa lalamunan ko na agad ko namang nilunok agad. Sobra kaba ang naramdam ko sa mga sinasabi niya na alam ko ang patutunguhan.
Nagtataka rin ako kung bakit parang hindi man lang nagtaka si Ninang kung sino si Mozes. Ibig bang sabihin ay magkakilala na sila ni Ninang?
Sobrang daming tanong sa isip ko pero isasantabi ko na muna iyon dahil marami pa kaming gagawing pag-aayos sa bahay. Isa na rin doon ang paghahanap ko ng paaralang malilipatan ng kambal.
"Thanks for that lovely dinner." ani Mozes sa mag-asawa. Para talaga silang matagal nang magkakilala. Ako lang yata ang hindi. Isang beses ko lang naman siyang nakita noon sa personal. Noong naligo sila sa sapa.
"Walang anuman, hijo." ani Ninang.
"Uuwi na po ako. Babalik po ako bukas. I can help you...with anything..." aniya at palipat-lipat ang tingin niya kay Amalia, kila Ninang at sa akin.
"Sige! Balik ka bukas." masayang sagot ni Amalia at ayan na naman ang mata niyang naghuhugis puso. Hindi ko talaga maisip kung saan kaya at paano silang nagkitang muli ni Mozes.
"Well, my friends would be glad to help too, if you wa--"
"Huwag!" sabay naming sagot ni Amalia at nagkatinginan kami agad.
Halatang nagulat si Mozes sa sabay naming pagsagot ni Amalia at parang nagtataka siya roon.
"Kasi...ano... Huwag na dahil hindi namin sila kilala...kaya ikaw na lang muna Moz, okay?" nahimigan ko ang kaba sa pagsagot ni Amalia.
Kahit ako man din ay sobrang kinakabahan na! Ang isiping baka dalhin niya rito ang lahat ng kaibigan niya ay umuurong na pati kaluluwa ko!Hindi pa ako handang makita siya ulit...lalo na ngayon.
Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa, pero huwag na muna ngayon. Balak ko munang sabihin sa kambal kung sino ba talaga ang ama nila at saka pa ako mapapanatag na magkita sila.
Pero hindi pa rin...parang ayoko...na parang oo. Hindi ko alam!