Kabanata 18

1370 Words
We all make mistakes, have struggles, and even regret things in our past. But we are not our mistakes, we are not our struggles, and we are here now with the power to shape our day and our future. It was a roller coaster ride. Hindi madali ang naging pagpapalaki ko sa kambal. Kung hindi dahil sa tulong nila Ninang, Amalia at Joseph ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin. Matapos ang first birthday ng kambal ay agad akong naghanap ng trabaho. Si Ninang at Ninong ang nag presentang mag-alaga sa kambal habang nagtatrabaho ako. Laking pasasalamat ko rin dahil kahit sobrang hirap ng dinanas ko sa paghahanap ng trabaho ay natanggap naman ako bilang showgirl ng mga sasakyan sa isang malaking kompanya. Akala ko iyon lang ang swerte ko, ngunit para akong nanalo sa lotto nang inalok ako ng kompanya ng isang full scholarship program. Sinunggaban ko iyon kaagad kahit parang mahahati ang katawan ko sa sobrang pagod. Limang oras ako bilang isang showgirl. Pagkatapos no'n ay diretso na ako sa klase ko hanggang alas-5 ng hapon. Pagkauwi ko naman ay kinukuha ko kay Ninang ang kambal. Paminsan-minsan ding dumadalaw sa amin si Joseph dahil hindi ko tinanggap ang alok niya noon. Ayokong maka agrabyado pa ng ibang tao. Sa magkaibang paaralan kami nag-aaral ni Amalia hanggang nag kolehiyo kami. Pinagsikapan kong makakuha palagi ng mataas na marka upang hindi mawala sa akin ang scholarship. I took up Bachelor of Science in Agriculture. Lumaki kasi ako sa pagsasaka kasama si Tatay kaya iyon ang kinuha ko. Pangarap kong makabili ng sariling lupa at gawin itong palayan. Malapit sa puso ko ang palayan dahil ito na ang kinalakihan ko. Lahat nang iyon ay nagawa ko sa tulong ng mga taong nasa paligid ko... lalo na ang mga anak ko. Naranasan kong magkasakit dahil sa sobrang pagtatrabaho at ni wala halos akong pahinga. Pero lahat ng iyon ay nagbunga. "Congratulations, Mama!" Elle shout at me happily. Patakbo siyang papalapit sa akin samantalang si Olle naman ay nakangisi lang sa likuran. "Thank you, Elle. Are you proud of me, hmm?" tanong ko sa kanya habang nakayakap siya sa leeg ko. "Yes! Proud na proud, Mama!" magiliw niyang sagot at pinugpog ako ng halik sa pisngi. "Oh, Olle? Anong drama meron tayo ngayon ha?" pang-iinis ni Amalia kay Olle. Hindi siya pinansin ni Olle at nagtaka ako nang kumalas si Elle sa pagkakayakap sa akin. Laking gulat ko nang biglang tumakbo ng sobrang bilis si Olle papunta sa akin. Sa sobrang bilis ng takbo niya ay natumba kaming dalawa na nagtatawanan. "Congratulations, Mama! Elle and I are super duper proud of you!" masayang bati sa akin ni Olle kung kaya't napayakap naman ako sa kanya. "Oh siya, halika na kayo at lalamig na ang pagkain." aya ni Ninang sa amin. "Paano ako? Walang babati sa akin? Baka nakakalimutan niyong naging yaya niyo ako noon?" hindi makapaniwalang sabi ni Amalia sa kambal habang natatawa lang kami ni Ninang. Nagkatinginan naman ang kambal at parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Sinugod agad ng kambal si Amalia at siya naman ngayon ang napatumba sa sahig dahil pinugpog na siya ng halik ng kambal. "Si Joseph, hindi ba siya makakapunta ngayon?" tanong ni Ninang sa akin. "Bukas pa po siya Ninang, ngayon din kasi ang graduation nila." giit ko "Bukas pa si Dada darating Mama?" malungkot na tanong ni Elle. Binigyan ko siya ng bahagyang ngiti. Sa pabalik-balik ni Joseph na pagbisita sa amin ay napalapit na sa kanya ang kambal. Napagkakamalan na nga siyang ama nito. Minsan na ring nagtatanong sa akin ang kambal kong sino ba talaga ang ama nila. Huli kong balita tungkol sa ama nila ay noong nabasa ko ang tungkol sa engagement niya kay Suzie. Simula noon ay hindi na ako nag-abalang makibalita pa sa kanya. "Anong plano mo ngayon, GG? Pupunta ka bang Maynila? Alam mo namang mas malaki ang opportunity doon kaysa rito sa probinsya." saad ni Amalia at napaisip ako. Hindi ako makakahanap ng matinong trabaho rito sa probinsya. Lumalaki na ang kambal at mas lalong lumalaki na rin ang gastusin nila. Kailangan ko ng mag desisyon agad. "Gano'n nga siguro Amalia. Pero... natatakot akong baka..." "Magkita kayo ni Elton? Iyon ba GG?" putol na tanong sa akin ni Amalia at tumango naman ako. Napatingin ako sa bintana habang tanaw ang liwanag ng buwan. Naalala ko si Tatay. Nasaan na kaya siya ngayon? Sila Tiya at Chloe kamusta na kaya sila? Naaalala pa kaya nila ako? "Ano naman kung magkita kayo? Wala ka namang balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa kambal hindi ba?" dugtong na tanong ni Amalia. Tama nga siya. Para saan pa para sabihin sa kanyang may anak kami? Ni hindi niya ako binalikan matapos ang nangyari noon. Hinanap ba man lang niya ako? Napailing ako at pumikit. Paano niya nga pala ako hahanapin samantalang ikakasal na siya noon. Siguro, may sariling anak na rin siya ngayon. "Wala naman talaga. Hindi na kailangang makilala pa ni Elle at Olle si Elton. Nakayanan ko ng wala siya habang pinapalaki sila. Kaya makakaya ko pa rin ngayon kahit wala siya." mataman kong sagot at napahinga ng malalim. Malaki ang Maynila. Sobrang liit lang ng tiyansa namin upang magkita kaya hindi na rin ako masyadong nag-aalala. "Wala ba talaga siyang sinabi sayo noon, GG? Na... mahal ka niya?" pabiting sinabi ni Amalia ang huli at malungkot akong napatingin sa kanya. Binalikan ko ang alaala na matagal ko ng pilit kinakalimutan. Pero sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo ko lang siyang naaalala dahil sa kambal. Lalong lalo na kay Olle. Umiling ako at yumuko saka pa nagtaas ng tingin sa kaibigan. "Wala. Wala siyang sinabi...isa pa...mga bata pa tayo noon Amalia. Wala lang iyon. Pareho lang kaming natukso at ako naman itong si tanga...nagpadala naman." mapait kong sinagot sa kaibigan at binigyan niya ako ng isang malungkot na titig. "Akala ko kasi noon... may something na sa inyo. Iyon naman kasi ang nakikita ko pero, minsan talaga nagkakamali tayo sa ating nakikita. Iba pa rin iyong sinasabi ang nararamdaman." giit ni Amalia Hindi ko alam kung ano iyong ipinapakita niya sa akin noon. Masyado pa akong bata ng mga panahong iyon para maintindihan ang ginagawa niya. Pero kahit ngayong nasa tamang edad na ako ay hindi ko pa rin alam kung anong ibig sabihin ng mga iyon. Kahit pa man sabihin kong napapansin ko rin kung paano niya ako titigan. Kung paano niya ako inalaagaan noon ay hindi pa rin ako sigurado, at kahit kailan ay hindi na ako magiging sigurado. May kanya-kanya na kaming buhay. Hindi ko na siya dapat isipin at alalahanin... kahit mahirap. Marami pa akong dapat pagtuonan ng pansin kaysa sa kanya. Gusto kong hanapin si Tatay at matupad ang mga pangarap ko para sa kambal. Sana, magawa ko iyong lahat kahit pa man... mayroong kulang. "Dada!" patakbong binati ng kambal si Joseph at agad niyang binuhat ang dalawa. Hinahalik-halikan siya ng mga bata sa pisngi dahil na miss na nila ito. Napalapit na talaga ang loob ng kambal sa kanya...at nag-aalala ako roon. "Pupunta na raw kaming Maynila, Dada. Sasama ka ba sa amin?" tanong ni Elle kay Joseph kaya napatingin sa akin si Joseph na nakakunot ang noo. Hindi ko pa sinsabi sa kanya ng tungkol sa plano naming paglipat sa maynila. "Kahit saan ang Mama niyo ay sasama si Dada. Okay ba iyon?" masaya niyang sagot sa dalawa at sobrang laki ng ngiti ng kambal. "Yey! Sasama si Dada!" masayang sigaw ni Olle. Pumasok kami sa loob ng bahay at hindi na umalis sa tabi ni Joseph ang dalawa. Nasasaktan akong makitang parang nauulit sa mga anak ko ang nangyari sa akin noon. Wala silang kinikilalang ama. Mayroon nga akong kinikilalang ama noon pero... parang wala rin. Pwede kayang ipakilala ko sila kay Elton at kahit man lang akuin niya ang pagiging ama ng kambal? Kahit huwag na lang ang sustento. Kahit pagmamahal na lang. Mas doble ang sakit na dulot sa aking makitang pati ang mga anak ko'y walang buong pamilya. Pero paano? Kasal na siya ngayon, malamang. Baka ano pa ang sabihin ni Suzie. Pero... paano na rin ang mga anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD