Masakit na masakit ang balakang ko. Halos buong araw lang akong nakahiga, o 'di naman kaya, nakaupo.
"May gusto ka bang kainin?" sabay lapit sa akin ni Joseph at hagod sa likod ko. Binigyan ko naman siya ng isang malungkot na ngiti.
Umiling ako at napayakap sa kanya.
Hindi niya ako iniwan at mas inalagaan ngayong maselan ang pagbubuntis ko sa kambal.
"Salamat at hindi mo ako pinabayaan, kayo nila Ninang at Amalia. Malaki ang utang na lob ko sa inyo." mataman kong sinabi.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin hinarap ako. Hinimas niya ang tiyan kong kabuwanan na at ngumiti.
"Wala 'yon, GG. Malakas ka kaya sa akin." aniya
Sobrang daming nangyari simula ng umalis ako sa amin. Plano ko sanang ipagpatuloy ang pag-aaral dito sa Leyte kaso... nabuntis ako.
"GG paano na 'yan? Paano ka mag-aaral kong buntis ka? Kahit pa itago natin iyan, e, lalaki naman 'yang tiyan mo." malungkot na saad ni Amalia.
Gulong-gulo ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin. Dalawang buwan na ang tiyan ko ng malaman naming buntis ako. Si Ninang ang nakapansin na mukhang buntis ako.
"Wala tayong magagawa kundi ang antaying makapanganak ka. Pero, gano'n pa rin. Mahihirapan kang mag-aral dahil magkaka anak ka na." sabat naman ni Ninang.
Nakayuko lang ako habang tumutulo ang mga luha sa lungkot na nararamdaman. Nalulungkot akong isiping kailangan kong matigil sa pag-aaral dahil sa pagbubuntis ko. Sana, hindi ko iyon ginawa. Sana, hindi ako nagpadala sa tukso.
Nag-angat ako ng tingin at napatingin kay Amalia na may mukha ng pag-aalala para sa akin.
"Anong sabi ni Ninong? Hindi ba siya napadalaw sa atin?" punong puno ng pag-asa kong tanong ngunit umiling si Amalia.
"Simula nang umalis tayo roon ay hindi na siya bumalik. Malamang, alam niyo naman ang mga lalaki. Kapag nakuha na nila ang gusto nila ay iiwan ka na! Kaya sinasabi ko sayo, Amalia, maging aral sayo ang nangyari kay GG. At ikaw naman GG, huwag ka ng umasa sa lalaking iyon. Hindi na iyon babalik." giit ni Ninang.
"GG." tawag sa akin ni Joseph kaya naputol ako sa pag-alala ng pinag-usapan namin noon ni Ninang at Amalia.
"Uh... Bakit?" tanong ko sa nagtatakang si Joseph.
"Iniisip mo naman ba siya?" nakakunot noo niyang tanong sa akin.
Umiling ako at ngumiti ng bahagya.
"Hindi naman." malungkot kong sagot at napatingin sa tiyan ko. Parang hindi ko pa lubos maisip na magkaka-anak na ako sa edad 'kong 'to. Sobrang bata ko pa para magka-anak. Pero kahit ano pa man hindi ko sisisihin ang mga anak ko sa lahat.
"Walang kwenta ang lalaking 'yon, GG. Matapos ang lahat ay hindi ka niya binalikan, kaya hindi mo na siya dapat isipin. At wala siyang karapatang makilala ang mga anak mo." pagalit na sinabi ni Joseph.
Matapos ang nangyari sa amin ay hindi na raw siya bumalik sa aming baryo. Palagi akong nakikibalita kay Ninong na tumira na muna sa kalapit baryo namin dahil umaasa rin si Ninong na babalik si Elton at baka sakaling matulungan kami sa problema namin. Pero wala, ni anino niya.
Sabagay, sino ba naman ako para balikan niya?Hindi niya ako girlfriend. Binigay nang pamilya nila ang lupa para sa amin pero nawala naman ang titulo sa di malamang kadahilanan, at ako pa ang pinaghinalaang kumuha.
Wala rin akong balita sa kanila ni Tiya at Chloe kung nasaan na sila ngayon. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman sila sa pagkakawala ng titulo.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Ninang at Amalia galing sa pamamalengke. Tinulungan naman ni Joseph sila Ninang sa mga pinamili nila. Laking gulat ko nang hatakin ako ni Amalia papunta sa kwarto.
"GG! Tingnan mo 'to." aniya sa isang mahina pero may diing boses. Inilahad niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko ang isang article.
Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang mabasa at makita ko ang nilalaman no'n.
'Elton Roux is now happily engaged to Suzie Wrobletz.'
"Paano na ang kambal?" malungkot niyang saad.
Nangilid ang mga luha ko sa aking nakita. Hindi na nga ako makakapag-aral. Mawawalan pa ng ama ang mga anak ko. Higit sa lahat, isa akong batang ina!
Pinalis ko ang luha ko at ibinigay kay Amalia ang cellphone.Binigyan ko siya ng kunting ngiti para hindi siya mag-alala sa akin.
"Okay lang, Amalia. Kaya ko 'to... kakayanin ko." matapang kong sinabi sa kanya.
Dahil sa isang beses na nagpalamon ako sa tukso, iyon ang magiging dahilan ng pagbabago sa takbo ng aking buhay.
Tama nga rin pala ang hinala ni Amalia noon na may gusto nga si Suzie kay Elton. Ayan naman na ang proweba, o. Ikakasal na nga.
"Hello? Joseph? Asan ka na?! Manganganak na si GG!" narinig kong sigaw ni Amalia sa cellphone niya habang paimpit akong nasasaktan sa sakit ng tiyan ko. Manganganak na yata ako.
"Hindi ko na kaya, Amalia!"sigaw ko sa kaibigan at natataranta na sila ni Ninang sa pag-aabang ng tricycle papuntang ospital.
"Hingang malalim, GG. Kaya mo 'yan!" sabi naman ni Ninang sa akin habang hawak niya ang kamay ko.
Parang mahahati na ang katawan ko sa sobrang sakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klasing sakit sa tiyan.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa ospital at parang mawawalan na ako ng malay sa sobrang sakit ng tiyan ko.
Hindi ko na namalayang nasa loob na ako ng kwarto. Nakapalibot sa akin ang nga nurse at isang doctor.
"Ma'am when I say push, umere ka, okay?" utos ng doctor sa akin at tumango ako agad habang nakakapit sa bawat gilid ng higaan. Tagaktak na rin ang pawis sa buong katawan ko.
"Push!" sabi ng doctor at ginawa ko ang utos niya.
Pumikit ako, at sa pagpikit ko ay mukha niya ang huli kong nakita.
Nagising akong pagod na pagod ang katawan na parang binugbog ako ng ilang tao. Masakit rin ang gitnang bahagi ko. Huling naaalala ko lang ay nailabas ko ng maayos ang kambal.
Nadatnan ko si Ninang at Joseph na may hawak na dalawang bata. Ang kambal ko. Napangiti ako at eksaktong bumaling sa akin si Ninang.
"Gising na ang Mama niyo." magiliw na saad ni Ninang at lumapit siya sa akin, pati na rin si Joseph.
"Anong ipapangalan mo sa kanila, GG?" nangingiting tanong ni Amalia sa akin. Hindi ko pa pala naisip kung anong ipapangalan ko sa kanila. Pero may biglang pumasok sa isipan ko.
"Elle at Olle." masaya kong sinabi sa kanila.
"Si Elle ba ang babae?" tanong ni Ninang at tumango naman ako.
"Aw. Bagay na bagay." ani Amalia at napatingin ako sa kambal na nasa harapan ko.
Napasinghap ako nang makitang kuhang-kuha nila ang mga mata at ilong ni Elton. Pero mas kamukha ko si Elle at kay Elton naman si Olle.
"Lilipat na ako ng pag-aaral dito sa Leyte, para matulungan kita sa kambal, GG." saad ni Joseph at umiling ako agad.
"Hindi na kailangan. Tama na ang tulong mo sa akin, Joseph. Ayoko nang makaabala pa sa 'yo." mataman kong sagot.
"GG, bakit ka pa aayaw sa tulong ni Joseph? Sa bagay, andito naman kami ni Amalia para sayo. Pero kung makakatanggap pa tayo ng tulong ay mas mabuti iyon. Alalahanin mong hindi madaling magpalaki ng bata, lalo na at kambal pa." giit ni Ninang at tumango naman si Amalia.
"Tama si Mama, GG. Pumayag ka na sa gusto ni Joseph. Hindi naman na iba sayo si Joseph 'di ba?" tanong sa akin ni Amalia at napatingin sa akin si Joseph.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Noon pa man nararamdaman kong parang may gusto sa akin si Joseph pero hindi kobito masyadong binibigyan ng pansin.
Ngunit mas lalo ko itong napatunayan nang sumunod siya sa akin sa Leyte, nang malaman niyang nandito ako. Simula no'n ay palagi niya akong binibisita rito tuwing wala siyang pasok. Nahihiya na nga ako minsan dahil sa laki nang gastos niya sa byahe, pabalik-balik rito.
Noong malaman kong buntis ako, minsan nang sumagi sa isip ko ang ipalaglag ito. Natakot ako, dahil wala pa ako sa tamang edad para magka-anak. Pero naisip ko rin, sinong niloloko ko? Wala rin naman ako sa tamang edad at sinubukan kong gawin ang bagay na iyon.
Nagsisi rin naman ako agad sa naisip ko. Walang kasalanan ang mga anak ko, at kahit pa ikakasal na sa ibang babae ang ama nila ay palalakihin ko sila ng tama.
Ibibigay ko sa kanila ang pagmamahal ng isang magulang na kulang na kulang ako.