Habang naglalakad sa hallway ay para akong nakalutang sa ere, hindi ko maramdaman iyong paa ko sa sahig na para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Saka ko natanto na baka ito iyong kalayaan na hinihintay ko. Animo'y bagong laya ako sa kulungan, malaki pa ang ngiting ipinupukol ko sa mga taong nadadaanan ko. Ang iba ay halos magsalubong ang kilay, marahil ay iniisip nilang isa akong baliw. Kung ganito lang din siguro ang tunay na kahulugan ng baliw— ang sarap mabaliw. Iyong tipong wala ka nang iniisip na problema, hindi mo na kailangang mangamba, o isipin pa iyong ibang bagay. Mas lalo akong napangiti nang maaninagan ko ang bulto ng katawan ni Kidd, naroon siya sa tapat ng opisina ko na para bang hinihintay niya ako. Nang malingat ito sa akin ay doon umaliwalas ang mukha nito. "Saan k

