Nagpatuloy kami sa ganoong sitwasyon ni Kidd, maituturing ko pa rin naman itong babymaker dahil nagpupunta pa rin siya sa unit. Katulad ng dating ginagawa ay uuwi ito bandang alas singko ng umaga. Hindi ko na kailangang isa-isahin iyong pinaggagagawa namin ni Kidd dahil paulit-ulit lang din naman. Kapag nandito kami sa loob ng hospital ay parang hindi kami magkakilala, kagaya na lang ngayon. Tanging pagsulyap na lang ang nagagawa nito sa akin, hindi niya ako nilalapitan o maski ang kausapin. Kung gawin man niya ay patungkol naman iyon sa trabaho, o magtatanong ito sa mga dapat niyang malaman bilang nurse. "So, siya ba iyong Kidd na sinasabi mo, huh?" Dinig kong tanong ni Doc. Sidney nang malapitan niya ako sa waiting area. Sandali akong napahinto roon nang malingunan ko si Kidd, abala

