"Kung mayroon man, salamat sa kalibugan at sperm cell mo." Huminga ako nang malalim, gusto ko pa sanang idugtong iyon ngunit hindi ko na ginawa. Galit ako, pero sobrang laki pa rin ng respeto ko sa kaniya bilang ama, kahit ilang ulit na ako nitong itinakwil. Lahat ng mga ayaw niya ay hinahayaan ko, hindi na ako nagpupumilit. Lahat ng mga ginugusto nito ay wala akong naging salungat. Iyon ba ang makasarili? Sa tanang buhay ko, isang beses lang akong naging makasarili. Isang beses ko lang masasabing naging selfish ako, iyon ay ang ipinagdamot ko si Kidd sa iba at dahil iyon sa isang beses lang din akong nagmahal. Iyon lang ang kauna-unahang bagay, o tao na ipinagdamot ko. Nakakatawa lang, sa dinami-rami ng kabutihang nagawa ko, iyong mali at mali ko pa rin ang nakikita. Out of ten, isa i

