ARABELLA: MAGKAHARAP kaming nagsalo ng agahan ni Dexter dito sa garden ng mansion. Ipinadala ko na lang sa mga katulong namin ang niluto ko at nagpadagdag ng ibang pagkain dahil baka hindi sasapat ang niluto ko para sa aming dalawa. Para sana kina mommy at mama ang mga ito pero– ayoko namang mabigo ko na naman si Dexter. Mamayang tanghali na lamang ako babawi sa mga ina ko. “Hindi ba magagalit ang hilaw mong nobyo na ako ang kasalo mo ngayon?” tanong nito habang magkaharap kami sa mesa. Pilit akong ngumiti. Hindi ko nga alam kung gising na si Justin o natutulog pa e. Hindi ko pa kasi ito nakikita. Ni hindi ko pa siya nakakausap. “Kumain na lang tayo,” naiilang kong sagot at nagsubo na. Napakibit balikat naman ito. Lihim akong napangiti na inabot niya ang tinidor at kutsara niya at na

