ARABELLA: NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang basa at malambot na face towel na magaang dumadampi sa mukha at leeg ko. Ramdam ko ring sobrang nanghihina pa rin ang katawan ko at kumikirot ang ulo ko. "Uhmm," iritadong reklamong ungol ko na ibinaling sa ibang direction ang mukha. "Saglit lang, anak ko. Punasan ka lang ni mommy," dinig kong saad ng malambing na boses. "Mommy," mahinang sambit ko na napangiti at nanatiling nakapikit. "Yes, sweetheart, si mommy ito. Inaapoy ka ng lagnat kaya let me take care of you, hmm?" malambing niyang sagot na naramdaman kong dumampi ang mga labi sa noo ko. "Thank you, Mommy. Masakit nga po ang ulo ko," nanghihina kong sagot na muling nagpatangay sa antok. Naramdaman ko naman itong humiga sa tabi ko at niyakap akong ikinangiti ko na mas nagsumiks

