ARABELLA: NAPAAWANG ako ng labi sa kanyang tinuran. Kaagad akong umiling na nagpahid ng luha. "Dex, ang ibig kong--" "Babe?" Natigil ang akmang sasabihin ko nang marinig ang boses ni Justin. Napalingon ako sa likuran ko at nakita itong palapit. Mukhang kanina pa siya gising at kagagaling sa pag-jogging. Naliligo pa siya ng pawis at nakasampay sa balikat ang sando nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapatakaw sulyap sa mga namumutok niyang pandesal sa tyan at parang nang-aakit ang mga iyon. "Ahem! Hi, kumain ka na ba?" tanong ko na pilit pina-normal ang boses. Napasulyap ito sa kamay ko at kita ang pagdaan ng kirot sa kanyang mga mata. Saka ko lang napansin. . . na magkahawak pa rin ang kamay namin ni Dexter! Akmang babawiin ko na muna ang kamay ko pero tila nananadya namaj si Dexter

