Bitbit ang dalawang paper cup sa magkabila kong kamay na kapwa may lamang maiinit na kape ay dumiretso ako sa pantry. Alam ko kaagad kung saan mahahagilap o aabangan si Ross nang ganitong oras. Ugali na niya kasi na magtimpla ng kape sa tuwing umaga bago simulang magtrabaho. Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula nang manlamig ang pakikitungo namin sa isa't isa. Well, technically, siya lang naman talaga dahil kahit na anong approach ang gawin ko sa kanya sa kung paano kami noon ay siya na mismo itong lumalayo to the point na nasasaktan na rin ako. Gusto ko naman siyang intindihin, pero bakit kailangang may paglayo pa? P'wede naman niya sabihin sa akin, pero huwag namang iparamdam sa akin na para bang wala lang ako, na hangin lang ako sa tuwing magkasama kami. Kasama ko nga siya, pe

