CHAPTER TWENTY-NINE

2784 Words

Maya't maya ang pagsulyap ko sa aking relong pambisig na nasa kaliwang palapulsuhan ko. Pasado alas otso na kasi at hindi ko pa nakikitang pumasok si Ross. Wala rin naman akong natanggap na text man lang o tawag sa kanya dahil kinukumusta ko ang lagay nilang dalawa ni Cheska kagabi, o kung nakauwi na ba siya. Sa paglabas ko mula sa pasilyo ay saka ko nakasalubong si Dylan. Galing kasi ako ng banyo. "Oh, Rosie." Huminto naman ako sa paglalakad saka siya hinarap para tanungin. "Dylan, pumasok na ba si Ross?" "Wala pa nga, eh. Hindi ba nagsabi sa iyo kung a-absent siya?" tanong niya pa sa akin na ikinailing ko. "Seryoso? Napaka-unusual naman," dugtong pa niya. Nagpaalam na rin ako matapos niyon na babalik sa opisina. Saktong pagliko ko sa kabilang pasilyo ay saka ko naman nakasalubong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD