CHAPTER THIRTY-FOUR

1385 Words

"Oh, nasa Heaven na tayo." Napatingin ako sa buong paligid at doon ko lang nakumpirma na narito na nga kami pero hindi ko man lang napansin kaagad. Sumunod ako sa kanya nang lumabas siya ng sasakyan. Sapat lang ang dami ng tao kaya panatag ako nang kaunti. Nakaiilang kasi minsan kapag sobrang dami ng tao. Pakiramdam ko limitado ang dapat na igalaw ko para lang hindi makaagaw ng pansin. Siya na ang humanap ng bakanteng puwesto kaya sumusunod lang ako sa kanya. Mabuti na lang din nasa bandang tagong parte ang napili niya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para obserbahan ang paligid. Ito pa lang ang unang beses na nakapasok ako rito. Kaya ko lang naman ito nalaman dahil naririnig-rinig ko rin sa mga ka-officemate ko. Lagi rin naman namin itong nadadaanan kapag pauwi kaya hindi na bago ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD