CHAPTER THIRTY-TWO

1775 Words

"Sumabay ka sa akin sa pag-uwi." Napalingon ang lahat na narito sa lamesa sa gawi ni Ross nang magsalita ito. Hindi si Ross ang tiningnan ko matapos niyon kung hindi si Cheska na nasa kabilang gilid lang din nito. "Hindi sasabay sa iyo si Rosie?" kaagad na tanong ni Ma'am Tiffany kay Ross. "Kasabay ko pa—" "Ah, hindi. M-May lakad rin kasi ako ngayon pagkatapos ko sa trabaho, eh," kaagad na putol ko sa sasabihin pa dapat ni Ross nang hindi lumilingon sa kanyang gawi. Kita ko mula sa aking gilid ng mga mata ang ginawang pagkunot ng kanyang noo. Natahimik ang mga kasama namin na para bang naguguluhan sa aming dalawa. Bahagya pa nga akong tinaasan ng kilay ni Ma'am Tiffany at mukhang humihingi ng sagot o linaw sa akin pero sa huli ay nginitian ko lang siya nang tipid. Sa mga nakalipas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD