Malamig na ang simoy ng hangin at madilim na ang langit nang ako'y lumabas mula sa gusali ng kumpanya. Pinagmasdan ko ang pinaghalong asul at abo na kalangitan, na may mumunting bahid ng kahel at rosas, hudyat sa paglubog ng araw. Isang masalimuot na araw na naman ang natapos. Kailan ba matatapos ang madilim na kaulapan sa aking buhay. Kailan ko ba masisilayang muli ang sikat ng liwanag sa aking puso. Napabuntong hininga na lamang ako. Pakiramdam ko'y ngayon lamang ako nakahinga mula sa maghapong pananatili sa opisina. Kahit hindi ko alam kung saan pupunta ay nagpasya na akong maglakad palayo. Nakiusap ako sa aking dating bodyguard na si Charles na imaneho ang aking sasakyan pauwi sa gusali ng aking condo unit. Ang tanging nais ko lamang sa ngayon ay mapag isa. Wala ako sa loob at hin

