CHAPTER 1: The Famous Secret Agent
Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pinakamasakit ay yung totoo... lalo na kung ikaw mismo ang nagsabi nun.
Ang pangalan ko ay Euan Jin Reyes.
Asian Prince. Actor. Model.
Pero bago ako nakilala bilang bida sa mga pelikulang pang-action at romcom, isa akong doctor. Oo, yung totoong doktor hindi lang sa script.
Hindi alam ng karamihan pero may babae akong minahal nang sobra. Siya ang tahanan ko, si Veronica Lee.Isang children's book writer. Sweet, soft-spoken, may mata na parang batang nangangarap pa rin sa kabila ng mundong marahas. Sabay kaming lumaki at nag aral sa university. Nasabi kong sya ang tahanan ko dahil sya at ang may kapansanang kapatid na lang nya ang kasama ko sa buhay di tulad nya na may kuya at kapatid pa kaya nga lang ang kuya nya ay hindi maaasahang tao. Ito ay sugarol manginginom at laging makakambal na gulo.
Paano kami naghiwalay?
Ang totoo hindi pa kami naghihiwalay umalis lang sya malamang natatakot sya kung saan kaya naman ayaw nyang magpakita hanggang sa isang araw nakita ko sya sa tv.
Ang kilalang childrens book Author na si Ms Veronica Lee ay ikakasal na sa chairman ng Infantes Group. Nagpasya sila na ianunsyo ang kanilang wedding matapos tanggapin ni ms. Veronica Lee ang engagement ring na inihandog ng kanyang boyfriend.
Agad kong pinatay ang tv matapos kong makita ang kapatid nya na pumasok sa kwarto ko.
“Kuya di ba po si ate yun?”
“Hindi baby hindi yun si ate mo kamuka lang sya ni ate pero mas maganda si ate mo doon”
Matapos mawala ni Veronica ako na ang nag alaga at nag aruga sa nakababata nyang kapatid na may malubhang sakit. Sa totoo lang kaya ako nag doctor dahil sa kanya.
Ring…. Ring…. Ring….
Calling Chris
Si Christian ang best friend ko naging kaibigan namin sya ni Veronica nung college hanggang sa dito na rin sya nakatira kasama namin ni Strawberry ang nakababatang kapatid ni Veronica.
Buti na langata agad syang tumawag nang sa ganon ay agad akong makaiwas kay Strawberry.
“Baby sasagutin ko lang muna itong tumatawag sakin ah doon ka na muna sa room mo at magbasa ka muna ng libro doon ok.”
Pagkaalis ng bata ay agad kong sinagot ang telepono.
“Pare bakit napaka tagal mo naman sagutin yung phone btw nakita mo ba yung balita?” malamang ay napanood nya ang news at tulad ko sya ay nabigla din. Dahil maging ako’y hindi rin makapaniwala.
“Yan lang ba ang dahilan kung bakit ka tumawag?”
“Hindi ka ba nabigla? Ok lang ba pre?” mejo nakakainis ang mga tanong ng mokong na ito pero shempre malamang!
“Hindi ka ba busy? Di ba dapat inaayos mo ngayon ang schedule ko? Ano bang klaseng manager ka ah?”
Ayong pag usapan ang tungkol kay Veronica ang totoo kasi hindi pa ako handang tanggapin ang nangyayari. Oo nga at matagal na syang hindi nagpapakita pero alam ko naman naghahanap lang sya ng pera sa kung saan para sa kapatid nya.
Oo na nagdadahilan lang ako higit five (5) years na syang hindi nagpapakita alam kong imposible yun pero tiwala parin ako sa kung ano man ang dahilan ni Veronica. Kahit ano pa yun iintindihin ko sya at uunawain ko sya.
“Hindi pare ikaw naman napaka init agad ng ulo mo tumawag ako dahil may commercial shoot ka ngayon”
“Anong oras at saan naman?”
“Sa… San Gabriel Medical Hospital”
“Ok anong oras?”
“8pm maghanda ka na agad hindi rin kasi kita masasahan mamaya.”
“Oh bakit? Di ba ikaw ang manager ko? Teka? May kadate ka na naman ba?”
“Oo kaya tawagan mo na lang ako pagnatapos ka na jan”
“Ang kupal na toh…. Anong klaseng manager ang nagpapabaya sa artista nila!”
“Ngayon lang toh sige na bye…” aba’t talagang sinusubukan ako ng kumag na toh haist.
After namin mag usap ni kupal este ni Christian sa phone agad kong tinignan ang oras 5:30 pm may oras pa ako para maligo at mag ayos.
7pm ng makarating ako sa nasabing hospital mejo natigilan ako dahil ito rin yung hospital kung saan nasira ang buhay ko.
Tatlong taon akong nagtrabaho sa ospital bilang resident doctor. Akala ko kaya ko lahat—oras, pressure, responsibilidad.
Pero may isang bagay na hinding-hindi ko kakayanan ang mawalan ng pasyente sa paraang hindi patas.
“Doctor Reyes, trauma case. Male, 29 years old. Stab wounds. Palabas na sa ER!”
Tumakbo ako agad, kasama ang team.
Pagdating sa ER, nanigas ang buong katawan ko.
Si Miguel.
Kuya ni Veronica.
Duguan. Walang malay. Maraming saksak sa dibdib at tiyan.
Hindi ko alam kung matatakot ako o maaawa ako.
Oo, kupal ‘yung taong ‘to.
Pero kadugo siya ng babaeng mahal ko. At sa kabila ng lahat, pamilya pa rin siya.
“Pulse is faint, BP dropping!”
“Lacerations sa liver! We need to open him up, NOW!”
Wala na akong inisip. kundi
Iniligtas ko siya sa abot ng makakaya ko.
Pero habang binubuksan ko siya, napansin ko ang isang piraso ng papel na nakaipit sa bulsa niya—isang listahan ng pangalan at halaga.
Extortion.
Blackmail.
Kasama ang pangalan ng ilang kilalang politiko.
“Mamamatay ‘to kung ‘di tayo magmamadali,” sabi ng head surgeon.
Pero bago pa ako makagalaw, narinig ko ang isang mahinang ungol.
“T—tulong…”
Nagmulat ng bahagya si Miguel.
Binulong ang pangalan ko.
“E-Euan… huwag mo akong pabayaan...”
I tried. God, I really tried.
Pero... hindi ko siya nailigtas.
Tumigil ang puso niya habang ako ang humahawak ng scalpel.
Pagkatapos ng insidente, lumabas ang CCTV footage.
At sa halip na papurihan ako, ako ang naging target.
“Bakit hindi mo tinawag agad ang pulis?”
“Bakit mo inoperahan agad?”
“Bakit hawak mo ‘yung ebidensya?”
Pinatawag ako ng board.
Sinuspinde. Inimbestigahan.
Hanggang sa isa-isang tumalikod ang mga kasamahan ko.
At ang pinakamabigat sa lahat… si Veronica mismo, hindi na nagpakita.
“Hindi ikaw ang pumatay… pero ikaw ang huling humawak sa kanya.”
‘Yun ang sinabi ng abogado ko.
Oo, wala akong nagawa at hindi ko yun sinadya.
Pero sa mata ng sistema… ako ang may kasalanan.
At doon nagsimula ang lahat.
I was expelled. My license revoked.
Walang trial, walang laban.
Naging mas madali kasing ibagsak ako kaysa harapin kung sino talaga ang may kagagawan.
Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sarili ko:
“Kung iba ba ang ginawa ko… buhay pa ba siya?”
O baka… kung hindi ko na lang siya sinubukang iligtas, hindi sana ako nawalan ng lahat.