CHAPTER 2: The Arrogant Innocent Girl

1238 Words
San Gabriel Medical Hospital Third Floor, OR Hallway Ang daming ilaw. Ilang production staff, crew, at makeup artist ang nagmamadaling tumakbo sa bawat sulok ng ospital. Pero tahimik lang ako habang nakatayo sa isang tabi, suot ang white coat na may pangalan ko sa ID: Dr. Reyes, General Surgeon. Irony, diba? Dati akong doktor dito. Ngayon, artista na lang na nagpapanggap na doktor para sa commercial. Ilang ulit ko nang ginampanan ‘to sa harap ng kamera, pero ibang bigat ang nararamdaman ko ngayon. Parang may multo pa rin ako rito at hindi 'yung multong sinasapian, kundi ‘yung sarili kong alaala na ayokong balikan. “Ready in five!” sigaw ng director. Tumango ako. Pero habang inaayos ng stylist ang kwelyo ng coat ko, may boses na biglang sumabog sa hallway. “Excuse me. Bakit po ginagamit ang OR nang walang clearance sa admin?” Napalingon ako. Then... she appeared. Nakasuot siya ng tunay na white coat hindi costume. Bitbit ang clipboard, may hawak na tablet, at may galit sa boses. Mahaba ang buhok, nakatali. Sharp ang mata. Elegant. Confident. Dr. Sabrina Infantes. Hindi ko pa siya kilala noon. Pero kita ko agad hindi siya ordinaryong babae. At lalong hindi ko siya fan. “Cut! Dr. Infantes, shoot po ito. May clearance na kami from hospital management,” sabi ng isang crew, halatang kinakabahan. Pero hindi siya nagpatinag. Tumingin siya diretso sa akin. Sa mga mata ko. “At siya?” sabay turo sa akin. “May medical background ba ‘yan o puro pa-cute lang sa camera?” Napatingin ako sa kanya nang diretso. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o magpapakilala. “Actually,” sabi ko, habang binababa ang kamay ko sa bulsa ng coat, “Board-certified surgeon ako dati. Ngayon, commercial model na lang.” Ngumiti ako. Plastic smile. Actor mode activate. Napasinghap ang ilang nurse. Pero si doktora? Ni hindi man lang natinag. Nakasimangot pa rin. Parang wala siyang pake sa sagot ko. “Tsk. Sayang,” sabi niya, sabay talikod. “Akala ko totoong doktor. Hindi pala. Pa-picture na lang siguro mamaya, ‘di ba?” At tuluyan siyang naglakad palayo. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napangisi ako, pilit man. Pero sa loob ko? Putcha. Sino ‘tong babae na ‘to? 12:36 AM — Condo Unit, BGC Kakatapos ko lang maligo. Suot ko na lang hoodie at boxers habang nakatapat sa desktop screen, hawak ang basong may natuyong yelo at kape kanina. Dapat tulog na ako. Dapat nagpapahinga na ako para sa interview ko bukas. Pero hindi. Nakatitig lang ako sa browser. Search: “Dr. Sabrina Infantes of San Gabriel Medical Hospital” Ang tanga ko. Pero hindi ko rin mapigilan. “She’s annoying,” bulong ko habang ina-adjust ang monitor brightness. “Mayabang. Mapanghusga. At parang… masyadong alam lahat.” Scroll….. Click. Another scroll. [Dr. Sabrina Infantes, M.D.] Cardiothoracic Surgeon. San Gabriel Medical Hospital. Graduate ng UP Med. Residency sa US. Nagbalik sa Pilipinas para tumulong sa local healthcare system. Single. No scandals. No social media. Walang pakialam sa fame. Walang pakialam... sa gaya kong binuhay ng fame. Napahilig ako sa upuan. Why am I doing this? “Hindi ka naman interesado, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko. “Nagkataon lang. Gusto mo lang malaman kung bakit parang ang taas ng tingin niya sa sarili niya.” Pero sa totoo lang... Parang first time ko ulit makaramdam ng totoong curiosity sa isang babae. Not attraction. Curiosity. Masyado siyang tahimik pero buo. Simple pero intense. The Next Day – 9:17 AM – San Gabriel Medical Lobby Nakasalubong ko ulit si Dr. Infantes. Naka-uniform pa rin. Naka-ayos. May hawak na chart at may kausap sa phone habang dumadaan sa harap ko. And…. She didn’t even look at me. Ako ‘to ha. Si Euan Jin Reyes. Pero parang hangin lang ako sa kanya. “Uy, doctora,” sabi ko, pasigaw, habang kunwaring nakatayo sa tabi ng bulletin board. “Wala ka man lang selfie kahapon, sayang ‘yung moment mo sa artista.” Lumingon siya. at binaba ang phone. Deadpan stare. Walang halong ngiti. “Sabi ko na nga ba, lalabas ka rin sa pagkapa-cute mo,” sagot niya. “By the way, hindi ako impressed. At hindi ako fan.” Sabay lakad uli. Ouch. Napailing ako. But damn... I think I just found my new problem. Ring.... Ring... Ring... Kakatapos lang ng awkward run-in with the most annoying doctor on Earth, tapos may pa-mission pa si Boss? Calling Boss sino si boss? sya lang naman ang nag iisang taong tumulong sakin para mabuhay. after kong mawalang ng license at makulong sya ang tumulong sakin upang magkatrabaho mataas ang clearance nya sa gobyerno kaya kahit na may criminal record ako ay nagagawa nya yun ihide sa lahat kaya naman malaya ako nakikilala ng lahat bilang artista na sikat na sikat sa buong asia. "kamusta ang shooting mo jan sa hospital?" malamig pero kalmadong boses sa kabilang linya. "ok lang naman po boss may mission na naman po ba?" “Meron. Pumunta ka mamaya sa hideout pagkatapos ng shoot. I’ve sent the coordinates.” "ok boss copy" pagdating ko sa set agad akong sinalubong ng isang crew. "sir hindi po tayo tuloy ngayong araw nagkaproblema po kasi ei" "huh bakit ano bang nangyari?" "nabura po lahat na shoot mula nung isang araw kailangan po ulitin mula sa umpisa" "ganun ba so pano naman ako nakaready na ako di ba kita mo naman nadito na ako." "tatawagan ko na lang po kayo mejo matagal po kasi gawin yung ilang scene bago kayo sumalang" "ok sige ganun na lang hihintayin ko na lang ang tawag mo" after nun dumiretcho na agad ako sa hide out namin ni boss kung saan kami lagi nag memeeting. pagdating ko sa hideout agad kong binati si boss at sabay kaming naupo sa sofa set at iniabot sakin ni boss ang bagong project. pagbukas ko San Gabriel Medical Hospital. "Sikapin mong magtagal sa loob ng Hospital na yun sa ngayon gumawa na ako ng paraan para mas lalo ka pang tumagal sa loob nun" ibig sabihin si boss pala ang dahilan kung bakit nabura lahat ng scene kanina dun sa set. paglipat ko sa next page nakita ko agad ang picture ni dr. infantes. "Ano pong klaseng mission ang gagawin ko ngayon?" siguro naman hindi nya sakin paliligawan ang napakataray na doctor na ito. "ang babaeng yan ang nag iisang tagapag mana ng Infantes Group of Company" Bigla kong na isara ang folder na hawak ko at biglang nagflashback sakin ang news na napanood ko tungkol kay Veronica. ibig sabihin ang babaeng ito ang step daugther ni Veronica? "walang sino man ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ng Doktor na yan. Alamin mo kung anong dahilan bakit ang tulad nya ay nagtatrabaho sa hospital na hindi related sa kanilang business" dagdag nya. "yun lang po?" "actually ang San Gabriel Medical Center ay hinihinalang may illegal na naumalya sa loob mismo ng hospital." "yung napakalaki at napakagandang hospital na yun may kalokohang ginagawa sa loob mismo ng hospital? tulad ng ano boss?" “Human trafficking. Illegal organ harvesting. Mga ganung klaseng krimen. Hindi pa natin alam kung anong exact department sa ospital ang sangkot... pero may malakas tayong hinala na nakatago ‘yan sa ilalim ng foundation o charity program ng hospital.” "mejo komplikado pala ito but anyway sige boss titignan ko ang makakaya ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD