San Gabriel Medical Hospital — Operating Room 4
7:03 AM
“Scalpel.”
Isang salita lang mula sa kanya, pero lahat sa loob ng OR ay kumilos agad.
Si Dr. Sabrina Infantes, naka-sterile blue gown at gloves, nakayuko sa pasyente sa operating table. Sa ilalim ng mga surgical lights, bakas sa mukha niya ang matinding concentration — bawat galaw sigurado, bawat utos, eksakto.
“Clamp.”
“Retractor.”
“Monitor vitals every two minutes. I don’t want even a single drop in blood pressure on my table.”
Tahimik ang buong room maliban sa tunog ng monitor at mechanical hum ng machines. Parang chess pieces ang mga residente’t nurses — mabilis, disiplinado, walang sablay sa utos ni Dr. Infantes.
Hindi siya kailangang sumigaw. Pero kapag tumahimik siya? Mas nakakatakot pa.
“Thoracotomy done. We’re going in.”
“Ma’am, may calcification sa—” bulong ng isang resident.
“I see it. That’s why I’m here, not you,” malamig pero hindi bastos ang sagot ni Sabrina. Mabilis niyang inayos ang komplikasyon na sana’y ikinataranta ng iba.
Para siyang ballerina na may hawak na scalpel — graceful pero deadly.
Sa taas ng viewing window, naroon si Veronica Lee. Tahimik na nakamasid, naka-coat at dark shades, parang isang reyna sa royal box.
Pagkatapos ng operasyon, agad niya itong sinalubong sa hallway ng OR. Bawal ang outsiders doon, pero dahil maimpluwensya si Veronica, nakapasok siya kahit hindi medical staff.
“Sabrina, nandito ako para sunduin ka.”
“Don’t waste my time.”
“Sabrina, please. Yung kapatid mo… hinahanap ka. May sakit si Lemon. Please, kahit para na lang sa kanya.”
“Veronica, pwede ba? Tigilan mo ako sa mga kaartehan mo. Hindi ako ang daddy. Kaya please… get out of my sight.”
Narration – POV ni Sabrina:
Oo, si Veronica Lee. Stepmom ko.
Kadiri, ‘di ba?
Yung tipong babae na laging kabit sa mga teleserye pero may sariling PR team in real life. Mas matatanggap ko pa kung ipinakilala siya ni Daddy as a step-sister, kaso hindi eh. buset talaga
At ang nakakainis pa? Ginagaya niya ang fashion style ng mommy ko. From scarf to lipstick shade hanggang sa pearl earrings. Akala niya walang internet? Walang archives?
Sorry, not sorry. Ayoko talaga sa mga artista. Never ko silang gustuhan at never ko silang magugustuhan. Lalo na ang mga pa-sweet pero may ibang agenda.
Cut to: Euan’s POV — Hallway Outside Nursing Station
Naglalakad ako papunta sa nurse's station nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na tao sa dulo ng hallway.
Sabrina. At si… Veronica?
Napahinto ako. Napahawak ako sa mukha ko, parang gusto kong iwasan ang susunod na mangyayari, pero hindi ko rin kaya tumalikod.
“Dr. Sabrina Infantes!” sigaw ni Veronica. Pero hindi na ‘yon ang boses ng babaeng kilala ko. Malamig. Iba ang bagsik.
“Alam ko na. Ipapakita mo rin ang tunay mong kulay,” sagot ni Dr. Sabrina. Diretso. Matapang.
Dapat ba akong lumapit? O magpanggap na hindi ko sila nakita?
Back to Sabrina’s POV
Habang papunta ako sa nurse’s station, hindi ko namalayang sinundan pala ako nung buruhang ‘yon. Hinatak niya ako sa isang sulok ng hallway na walang masyadong tao.
“Dr. Sabrina Infantes,” ani Veronica, sabay titig na parang may sariling agenda. Nag-iba ang tono. Pero ako? Deadma. Hindi ako madaling ma-intimidate. Lalo na sa mga tulad nyang linta.
“Sabi ko na nga ba, ipapakita mo rin ang tunay mong pagkatao,” sagot ko.
“Oh? Eh ano naman ngayon? Malapit na akong pakasalan ng daddy mo. At kahit hindi pa, may anak kami. So guess what, hindi ka na nag-iisang tagapagmana ngayon kaya Subukan mo lang harangan ako, at mamumulubi ka sa kalsada.”
Grabe talaga ang kapal ng mukha ng babaeng ‘to. Sampalin ko kaya para matauhan?
"ok I dare you." as if kaya mo ako impakta ka
“Anak, naghanda ako ng masarap na hapunan sa bahay. Hihintayin ka namin ng daddy mo.”
At just like that, sabay halik pa sa pisngi ko. sabay alis.
Tangina. Talaga bang sinusubukan niya ‘ko? o nabaliw na sya dahil sa pera?
Ring... ring... ring...
Agad kong chineck ang phone ko. Pero hindi ako ang tinatawagan.
Paglingon ko, may narinig akong ringtone na nanggaling sa likod ng poste. Maya-maya, isang lalaki ang lumabas.
Si Euan.
“Anong ginagawa mo diyan? Chismoso ka ba?” bungad ko agad.
“Chismoso? Grabe ka naman. Nagtatago lang ako sa mga fans ko kanina. Alam mo naman kung gaano ako kasikat, ‘di ba?”
Haist. Eto na naman siya. Ang yabang.
“Whatever,” sagot ko, sabay layas.
Habang naglalakad ako, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko si Daddy pala ang tumatawag.
“Hello, Dad?”
“Anak, pwede bang mag-lunch tayo diyan sa bagong bukas na steakhouse malapit sa hospital?”
“Okay lang naman po, Daddy… kaya lang—”
“Sige. Magre-ready lang ako.”
Ano ba ‘to?
Una si Veronica. Tapos ngayon si Daddy.
Okay, fine. Mukhang lunch date nga ‘to. Wala na rin naman akong surgery, kaya nag-decide na akong bumalik sa condo para maligo, mag-ayos, at maghanda para sa susunod na round ng drama sa buhay ko.
Narator POV
Sa kabilang Scene nag-uusap ang dalawang napakayamang tao sa buong pilipinas. si Don Pedro Infantes ang daddy ni Doctor Sabrina at si Don Piping San Gabriel na may ari ng San Gabriel Medical Center. meron syang nag iisang anak na lalaki si Christian San Gabriel ang kaibigan at tumatayong manager ni Euan. hindi alam ni Euan ang tunay na pagkatao ni Christian dahil simple lang ito at mahilig lang sa mga magagandang babae bukod doon hindi nya gusto ang negosyo ng pamilya nya. at ang dalawang don ay nag arrange ng lunch date para sa kanila at para sa magiging future ng negosyo nila.
Euan POV
tinawagan ako ni boss at agad akong binigyan ng tip tungkol sa na laman nila ang tunay na kaugnayan ni doctor infantes sa san Gabriel medical center.
"arrange marriage lang pala boss paano kung wala pala talagang kinalaman yung mga infantes sa mga taga san gabriel na yan?" sagot ko kay boss hindi kasi ako naniniwala na may ganun dark side si Doctor Sabrina kahit na napakataray nya.
"kaya nga aalamin mo eh yung naiisang anak maaaring magpakita jan sa restaurant kaya pumwesto ka na" ang totoo mejo curious din ako dun sa nag iisang successor ng San Gabriel Group bakit kaya sya lumayas sa pamilya nya? alam nya kaya ng tungkol sa nangyayari sa company nila?
"ok boss copy" maikling tugon ko kay boss.
sa tapat ng building ako nakapuwesto at pinagmamasdan ko sila gamit ang telescope agad kong nakita si doctor sabrina papunta sa pwesto kung saan nakaupo si don infantes at don san gabriel. at masayang nagkamayan.
maya maya pa'y dumating na din ang isang di pamilyar ngunit pamilayar na lalaki.
teka si chris ba yun?
OMG! si Chris ang successor ng San Gabriel Group of Companies???