Maaga akong gumising, ang sinag ng araw ay sumisilip na sa mga kurtina na kulay puti ng aking silid. Isang buwan na ang nakalipas simula nang matapos ang pag-renovate sa bahay na ito – malawak ang property na nabili ko. May magandang mga bulaklak na dati ng nakatanim sa hardin, meron ding swimming pool, at malaking covered parking lot. Puti ang kulay na napili kong ilagay sa kabuohan ng bahay, na nagbibigay ng pakiramdam ng kalayaan at kaayusan. Maliwanag at maaliwalas sa pakiramdam. Ang katahimikan ng umaga ay binabasag lamang ng mga tunog ng mga ibon at ang malamig na paghampas ng hangin sa mga dahon. Walang ingay ng mga tao, walang kaguluhan. Ito ang gusto ko. Ang mga kasambahay ko ay on-call lamang; mas gusto kong mag-isa. Ganito naman talaga ako noon pa, iwas sa mga tao. Ang p

