“Alam mo ba ang relasyon ni William kay Lorna?” tanong ni Tito Matthew sa akin. “Ano ang kinalaman ko sa kung anong meron sila?” direkta na tanong ko rin sa matanda. Ngumisi ito sa akin, sabay hakbang at hinawakan, hinila pataas ang kwelyo ng aking suot na long sleeves. Masama ang titig nito at halos naglabasan ang mga litid sa leeg, habang matalim ang tingin sa akin. “Kinakalaban mo ba ako, bata?” tanong nito sa akin na ngisi lang ang sinagot ko. Sabay nagbago ang expression ng aking mukha sa maamong tupa at naluluha na tinitigan ang mga mata nito na matalim. “T—Tito Matthew, natatakot po ako,” sabi ko dito habang nabubulol pa ako kunwari. Kita ko ang gulat sa mata nito na binitawan ako. “Hahahahaha! Ganito bang mukha ang napapasunod mo?!” sigaw na tanong ko dito, sabay pagpag n

