Author’s POV Malapit na ang grand event ng kumpanya—ang 30th Anniversary, isang gabi ng selebrasyon at pasasalamat para sa tatlong dekada ng tagumpay ng kumpanya. Nasa opisina si Deighland nang dumating si Jake, bitbit ang isang makapal na folder na halatang pinaglaanan ng oras. Tahimik lang si Jake habang inilapag iyon sa mesa ng kanyang pinsan. “Pinsan, eto na ‘yung final program. Ako na ang nagpa-layout at nagpa-print ng sequence,” maingat nitong sabi, halatang kinakabahan kung magugustuhan ba ito. Binuksan ni Deighland ang folder. Maayos ang pagkaka-type—detalyado, bawat bahagi ng programa ay nakalatag ng malinaw. Ramdam agad ang bigat ng responsibilidad habang binabasa niya ang laman. Naalala ni Deighland na wala ang kanilang mommy at daddy sa araw ng event na ito, dahil important

