AUTHOR POV Pagkatapos ihatid ni Deighland ang mommy at daddy niya sa airport, agad niyang naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kaniya. Pagbalik niya sa bahay, tahimik ang paligid. Too quiet. Sa isip niya, si Shantal marahil ay nasa kuwarto; si Nathalie naman baka lumabas. Ilang minuto pa, tumawag si Jake tungkol sa final program para sa event next week. Mabilis lang niyang sinagot, pero bago mag-lunch, plano na niyang bumalik sa opisina. Isasama na rin niya si Nathalie para makapamilyar ito sa programa. Pagpasok niya sa kusina, nandoon pala si Nathalie, nakaupo at umiinom ng kape. “Kuya, nakaalis na ba ang airplane?” tanong nito. “Yes, Nathalie,” sagot ni Deighland. Agad itong lumapit, naglalambing. “Kuya, gusto kong mamasyal. I want to buy some food and go shopping.

