Eila knew that this day would come. Not just the way she expected it. Alam niya noon na makaka-graduate siya ng college. But she didn't imagine that it would happen without her parents.
She didn't imagine that she'd do it all by herself.
Eila closed her eyes and took a long deep breathe. Kinakabahan siya pero naroon din naman ang excitement. After three years, ang iniisip niyang mahirap noon ay nagawa niyang mapagtagumpayan.
Nang imulat niya ang mga mata ay tinitigan niya ang sariling repleksyon. Ngumiti siya at gumanti naman ng isang matamis na ngiti ang nasa salamin. Marami ang nagsasabi na napaka-natural ng ganda niya na namana sa inang si Freya Solace Montenegro. Aspiring model ang kaniyang ina noon nang makilala ang kaniyang ama. Gaya ng maraming kwento, nagkagustuhan ang mga ito at nagpakasal. Marahil dahil sa labis na pagmamahal ng ina sa kaniyang ama, iniwan nito ang pangarap at piniling tulungan ang ama. Sa mundo nila, marrying a Montenegro took a lot of effort.
At nang isilang silang magkakapatid, naging isang butihing maybahay na ito para matutukan ang kanilang paglaki.
Ang gandang iyon rin na namana niya sa ina ang kadalasang dahilan kaya mahigpit sa kaniya ang ama at kung minsa’y ganoon rin ang mga kapatid. Subalit sa mga oras na ito, gusto niyang mas palitawin ang gandang iyon.
Alas-otso ng umaga ang simula ng program kaya naman alas-singko pa lang ay naghahanda na siya. Kinulot niya ang laylayan ng lampas-balikat na buhok habang hinayaang bagsak ang curtain bangs na siyang nagpe-frame sa mukha niya. Siya na rin ang nag-make up sa sarili niya. Manipis na kilay, mas pinalantik na pilik, mamula-mulang pisngi at ang labi niyang paminsan-minsan lang lapatan ng mapulang lipstick.
At siyempre, hindi pwedeng hindi niya paghandaan ang isusuot.
Umikot si Eila sa harap ng salamin para tingnang mabuti ang suot na dress. It was a white fitted dress that curved on her body. It had a puff sleeves that made the dress formal but voguish because of its sweetheart neckline. It also had white belt that accentuated her slim figure.
Umabot ang dress hanggang baba ng tuhod niya pero may slit iyon na hanggang hita na sa tuwing lumalakad siya ay naglilitaw ng mapuputi niyang binti at hita. Tinernuhan niya ang damit ng puti ring stiletto high heels na may cute na bow sa likod.
Eleganteng tingnan lahat ng suot niya pero ang totoo ay mura lang niyang nabili ang damit at sapatos sa online shop. Binalak niyang mag-mall at doon mamili pero dahil bumili siya ng bagong electric mixer, hindi na siya tumuloy. Budgeting was a must this past few days.
Hindi naman siya lugi dahil napakagandang tingnan.
Sumulyap siya sa wall clock. Seven-twenty na. Kinuha niya ang kaniyang black toga at isinuot iyon. Isinukat niya ang cap at pinagmasdan ang sarili. Parang sasabog ang dibdib niya sa saya. Akmang tatalikod na siya nang biglang may maalala.
Nilapitan niya ang night table at binuksan ang drawer. Mula sa loob ng drawer ay may kinuha siyang maliit na puting jewelry box. Binuksan niya iyon at lumitaw ang silver na necklace na may pendant na letter M. Ito ang kaisa-isang necklace na dinala niya mula sa mansion. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa daang libo ang halaga ng kwintas pero hindi niya dinala iyon para maipagbenta kundi bilang alaala nang kaniyang ama’t ina. The pendant Letter M stood for Montenegro… It has white small diamonds embellished on the whole letter making its sparkling.
Ngayon niya lang ito isusuot. Kahit papaano, gusto niyang maramdaman na kasama ang mga magulang sa isa sa pinakamasayang araw ng buhay niya. Isinuot niya ang kwintas at pinagmasdan iyon sa salamin.
“Oras na, Eila. Sa’yo ang araw na ito!” masigla niyang wika sa sarili.
*****
Dahil maganda ang bihis ni Eila, hindi muna siya naglakad patungong AllyRose. Sumita talaga siya ng tricycle na kasalukuyan nang naghihintay sa kaniya sa labas ng bahay.
“Magandang umaga, manong,” bati niya sa driver.
“Magandang umaga rin, Eila. Graduation mo na nga pala ngayon. Kaya pala mas lalo kang gumanda ah.”
“Opo. Kaya dapat maihatid ninyo ako ng maganda pa rin sa campus ha,” pagbibiro niya rito habang sumasakay.
“Aba’y oo naman. Akalain mong makakapaghatid na naman ako sa sikat na school na iyon.”
Ngumiti siya. “Tara na po.”
Pinaandar na ng driver ang tricycle. Inaasahan na ni Eila na napakaraming magagarang sasakyan sa loob at labas ng campus.
“Eila, dito na lang kita maiihatid. Iilang metro na naman ang lalakarin mo papasok.” Kakamot-kamot sa ulo na ani ng driver habang sinusuyod ng tingin ang hilera ng magagarang sasakyan. Hindi maiwasan nitong manliit dahil sa dalang sasakyan.
“Wala pong problema.” Bumaba siya at iniabot rito ang bayad. “Salamat po ha.”
“Wala iyon. Congratulations sa iyo. Baka kasi kapag sumingit pa ako ay mapagalitan tayo parehas.”
“Huwag ninyo na pong isipin iyon. Salamat po ulit.”
Nagmaniobra ang driver paalis habang si Eila ay taas-noong nagsimulang maglakad papasok ng campus hindi alintana ang kakaibang tingin ng mga tao sa paligid.
Paanong ang gaya niya ay nakapasok at ngayo’y makaka-graduate mula sa prestihiyosong paaralan gaya ng AllyRose University?
*****
“There is a time for everything. A time to laugh and cry… A time to study and learn… A time to discover and explore… In the past few years, we have the time to gain knowledge and learn, not just from our professors but also from our fellow students, friends and even those we compete to, for us to be equip for the journey…”
Hindi mapigilan ni Eila na mapahikab habang pinapakinggan ang speech ng Summa c*m laude. She didn’t mean to be rude; she just couldn’t help it.
“…now is our time to obtain the fruit of all our hard works… the fruit of those sleepless nights and mind-blowing examinations. Now is the time to obtain the fruit of every tears that were poured while we're struggling to achieve…”
Itinuwid ni Eila ang binti para alisin ang pangangalay. Hindi masikip sa kinauupuan niya. Hindi rin mainit dahil bukas lahat ng aircon sa malaki at malawak na school auditorium ng university. Talaga lang na hindi mapigilan ni Eila ang mainip.
Nagbabanta na naman ang isang hikab nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Kinuha niya mula sa handbag ang cellphone. Hindi pa niya tuluyang nabubuksan ang mensahe ay natigilan na siya nang makita ang pamilyar na numero.
Tila nawala ang lahat ng antok at pagkainip ni Eila. Binuksan niya ang mensahe dahilan para gumapang ang pamilyar na kaba sa dibdib niya.
‘Feeling bored?’
Pasimple niyang iniligid ang tingin sa paligid nang muling tumunog ang cellphone niya.
‘By the way, congratulations, Eila…’
Sinupil ni Eila ang ngiting nagbabantang sumilay sa mga labi niya. Base sa mensahe ni Logan, alam niyang nakikita siya ng binata. Hindi siya maaaring magpahalata na excited o masaya siyang makita ang message nito.
It’s been three weeks since they talked. Aminado si Eila na binalak niyang tapusin ang komunikasyon kay Logan subalit hindi niya akalaing kahit ang binata ay iyon rin ang gagawin. Pagkatapos niyang maibigay ang cake rito, wala na siyang narinig pang kahit ano mula rito. Hindi na rin niya nakita ito sa paaralan.
Kung paanong biglang dumating ito sa buhay niya, ganoon rin ito biglang nawala.
Not that she wanted to see him, but she didn’t expect na ganoon na nga lang lahat. His last words with her that day gave her high hopes...
“We’ll continue to be like this... 'till we see each other again...”
It gave her hopes that there's a continuation between them… perhaps as a friend… or…
Napabuntonghininga na lang siya.
O baka talagang sobra lang siyang nag-expect. Nilagyan niya ng meaning ang kabaitan at pagiging gentleman nito sa kaniya. Mga bagay na hindi niya nakikitang ginagawa nito sa iba.
Luminga-linga muli si Eila pero hindi niya makita ang binata. Minabuti na lang niyang mag-reply, ‘Thank you.’
Her cellphone beeped. ‘Why it seemed cold?’
Napakunot-noo siya sabay reply, ‘What?’
‘That’s not the reply I’m expecting.’
Lalong nagsalubong ang kilay niya. Bigla-bigla ay nanggagalaiti siya. Ilang linggong walang chat o kahit ano sa pagitan nila ni Logan, and he was expecting her to greet him with full enthusiasm.
‘Joke ba ito?’ naiiritang bulong niya sa sarili.
Akmang re-replayan niya muli ito nang magsalita nang malakas ang MC. “And now, the moment we are all waiting for. Let us all welcome, Mr. Ezekiel Kyde. Let us give him a round of applause.”
Nagtayuan ang lahat na sinundan nang malakas na palakpakan. Lito man ay pinili niyang gumaya na lang sa mga kapwa estudyante. Tumayo siya habang pumapalakpak at sumisilip sa stage. The MC mentioned Mr. Ezekiel Kyde, but the man on the stage wasn’t Logan. It’s a man in his 50’s yet still looked handsome.
“Thank you. Please be seated,” Mr. Kyde stated.
Nang makaupo lahat ay mas lalo niyang napagmasdan ang lalaki. Matangkad ito at sa kabila ng suit na suot ay makikitang napakamatipuno pa ng pangangatawan. Kapansin-pansin rin na napakagilas pa nito habang nagsasalita sa unahan. At isang bagay na higit na nakaagaw ng pansin niya ang ilang features nito na nahahawig kay Logan. Even the way he spoke, there’s a version of Logan in him.
‘Hindi kaya siya ang papa ni Logan?’
Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang pinapakinggan ang speech ni Mr. Kyde at ang nakahanda nitong malaking donation sa university. Kung pagkukumparahin sila ngayon ni Logan, langit ito at lupa siya.
Truly, they do not belong to each other’s world.
Rinig ni Eila ang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone pero hindi niya pinansin iyon. Nakatulala lang siya sa lalaking nagsasalita sa stage.
*****
Napuno nang malakas na hiyawan ang buong auditorium matapos kantahin ang graduation song. Makikita kung paanong napuno ng saya, tawanan, yakapan at napakaraming congratulations ang paligid. Nang magsimulang maglabasan ang mga estudyante, maraming mga magulang at mga kapatid ang nakaabang para mag-abot ng bulaklak at mga regalo nila.
Masayang pinagmasdan ni Eila ang kapwa mag-aaral na nagsipagtapos habang isa-isa silang naglalakad palabas kasama ang kani-kanilang pamilya. Nanatili siyang nakatayo sa gilid habang unti-unting nauubos ang mga tao. Aminado siyang may kirot sa dibdib niyang hindi nakasama ang pamilya sa araw ng graduation niya pero package iyon sa pinili niyang landas.
“Mabuti at naabutan pa kita, Eila.”
Napakislot si Eila mula sa kinatatayuan niya nang may kumulbit sa balikat niya. Nilingon niya ito. “Mang Jun!”
“Congratulations sa’yo. Pasensiya ka na at ito lang ang nakayanan ko.” Kakamot-kamot sa ulong iniabot sa kaniya ni Mang Jun ang pumpon ng mga sariwang bulaklak. May rose, daisy at zinnia na itinali lang gamit ang isang lumang ribbon. Literal na fresh from the garden ni Mang Jun.
Malamlam ang mga matang tinanggap niya iyon. “Salamat, Mang Jun.” Hindi niya akalaing makakatanggap pa rin siya ng bulaklak ngayong graduation niya.
“Kahit tapos ka na sa pag-aaral, sana bumalik ka pa rin dito minsan.”
“Opo naman. Maraming salamat po talaga.”
“Wala iyon. Hmmm… Wala kang kasama ngayon?”
Ngumiti siya sabay kibit-balikat. “Wala po pero kasama ko sa taas si Mrs. Oliviera nang tumanggap akong diploma. Utang na loob ko sa kaniya na nakapagtapos po ako nang pag-aaral.”
“Masaya ako para sa’yo.”
Isang ngiti ang iginanti niya rito. Hindi rin ito nagtagal dahil marami pa itong gagawin. Nagsimula na rin siyang lumabas para hanapin si Lyza. May usapan silang magkikita after ng graduation. Balak nilang mag-celebrate kasama ang pamilya nito at sa hapon naman ay pupunta siya sa bahay ng kaniyang Tita Gen.
Subalit hindi pa siya nakakailang hakbang ay muli siyang natigilan.
Ilang metro mula sa kaniya ay isang matangkad na bulto ang naglalakad palapit habang may bitbit na malaking bouquet. Malawak ang pagkakangiti nito habang nakatitig sa kaniya at tila tinutunaw siya ng mga titig nito. Habang palapit nang palapit ang lalaki ay mas lalong kumakabog ang dibdib niya.
“Congratulations, Eila. It’s good to see you again,” he muttered as he handed to her the bouquet of white roses.
*****
ShimmersErisJane