“Congratulations, Eila. It’s good to see you again,” he muttered as he handed to her the bouquet of white roses.
Eila heard him spoke. She was staring at him right now. However, her heart and mind couldn’t comprehend what was happening. Why was this man in front of her? Why was he giving him flowers?
“Ayaw kong isipin na masama ang loob mo sa akin kaya ganiyan ang tingin mo,” saad ni Logan. Nakalahad pa rin ang kamay nitong may hawak na malaking bouquet ng puting rosas. “Pero kung hindi mo pa rin tatanggapin ito ay iisipin kong galit ka talaga sa akin.”
Eila gulped. “Logan?”
Ngumiti ang binata. “Hi, Eila.”
“What are you doing here?”
He shrugged his shoulder. “To congratulate and give you flowers.”
Bumaba ang tingin niya sa bulaklak. “P-para sa akin iyan?” halos pabulong na tanong niya. Pinagpapawisan siya sa kinatatayuan kahit na malamig pa naman sa loob ng auditorium.
“May iba pa ba akong dapat pagbigyan nito?” Luminga-linga pa ito sa paligid pero malayo na silang dalawa sa iba pang mag-aaral na abala sa pagkuha ng larawan kasama ang kanilang mga pamilya. “Congratulations, young lady. You deserve these flowers.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Bumaba ang tingin niya sa bulaklak na bigay ni Mang Jun. Hindi nito kailangang bigyan siya ng bulaklak pero heto at kahit sa simpleng paraan ay binigyan siya nito. At heto naman si Logan… Geez, but her heart gonna burst with so much joy.
Wala man ang pamilya niya pero may ibang tao naman na pumalit para iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. It's not about the flowers, it's about the thought that they remembered her.
With this realization, her eyes warmth and throat began to itch.
“I’m really planning to give you flowers. Naunahan lang ako sa’yong magbigay,” segunda pa Logan.
She blinked to stop the tears from coming down. “I… I don’t know what to say,” she breathed out.
“There’s nothing to say, Eila. I’m not asking anything in return.”
Kahit naluluha-luha na si Eila ay pinilit niyang tumawa. “Hmmm… Ang totoo ay galing ito kay Mang Jun.” Wala na talaga siyang maisip na sasabihin pa.
“The janitor?”
Tumango-tango siya. “Mabait siya at palagi niya akong binibigyan ng mga pananim na gulay at bulaklak.”
“Good to hear that… So?” Ikiniling ni Logan ang ulo at pasimpleng inginuso ang bulaklak na hindi niya kinukuha.
“S-sorry.” Natatawang inilipat niya ang bulaklak na galing kay Mang Jun sa kaliwang kamay at inabot ang ibinibigay ni Logan. “T-thank you, Logan.”
“No problem.” Luminga-linga ito. “Wala kang kasama? Anyone from the family?”
Umiling-iling siya. “Kasama ko kanina sa taas si Tita Gen noong kumuha akong diploma pero busy na siya ngayon dahil ng mga guests. Mamaya pa akong hapon pupunta sa kanila para mag-celebrate.”
“How about now?”
“Hmmm…” Hinanap ng mga mata niya si Lyza. Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay wala pa ang kaibigan. “Ang totoo ay kasama sana ako ni Lyza at ng pamilya niya. Inimbitahan niya ako na kumain kasama nila.”
“I see. Then I have to find time for myself.”
“What do you mean?” She wondered.
“Are you free tomorrow?”
“Sa pagkakaalam ko’y magiging abala ako sa paghahanap ng trabaho. But I think I can find time,” tugon niya kahit hindi pa rin maunawaan ang sinasabi ng binata.
“Then squeeze me in.”
Bahagyang umarko ang kilay niya. “And what does it mean?”
“Let’s go out and celebrate. My treat.”
Natigilan siya dahil sa sinabi nito. “Y-you’re asking me out?” she asked in a low tone.
“Apparently that’s what I said. And, I won't take no for an answer.”
“Ohhh… Sure.” Iyon na lang ang naging tugon niya sa kawalan ng sasabihin.
“Susunduin kita bukas sa inyo. Around 8 o’clock in the morning?”
Eila nodded excitedly. “I think nasa bahay na ako ng ganoong oras.”
“Maghihintay ako roon.”
“Salamat, Logan.” Binigyan niya ng tipid na ngiti ang lalaki. Medyo nabibilisan siya sa mga nangyayari pero hindi niya pinansin iyon. The joy inside her was far way more important than anything else.
“It’s nothing, Eila. Gusto ko ring bumawi sa iyo?"
“Bumawi? Sa akin?” nagtatakang tanong niya.
“Yeah. I’m sorry. I’ve been busy lately. Hindi na kita natawagan o nakumusta noong nagdaan. Nasa States ako this past few weeks.”
Tumango-tango siya. Sa isang iglap, nawala na ang tila tampong nararamdaman niya kanina. “Wala iyon..." Nauubusan na siya ng sasabihin nang biglang may pumasok sa isip. “Nasaan si Slick pala?”
Si Logan naman ang nagsalubong ang kilay dahil sa biglang pagbabago niya ng usapan. “Why?”
“Let’s ask him to take us a picture. Kokonti pa lang ang pictures ko kasama ang mga kaibigan ko.”
“Great. I’ll just call him n—”
“Kailangan ninyo po ako, Sir? Miss Eila?”
Napahagikhik si Eila nang lumitaw sa tagiliran nila si Slick. Kung saan man ito nagmula ay hindi niya alam. “Hi!” bati niya rito. Wala pa ring pagbabago ang binata. Still in black suit with his shiny black leather shoes and sleek black hair.
“Hello, Miss. Congratulations to you.”
“Thank you. Pwede mo ba kaming kunan ng larawan?”
“My pleasure, young miss.”
Iniabot niya ang cellphone niya rito. Hindi nakalingat kay Eila ang kakaibang tingin ni Slick sa cellphone niya. Hindi pa rin niya napapalitan ang cellphone. Iyon pa rin ang cellphone na ibinalik sa kaniya ni Logan noong minsang muntik na siyang mapahamak. Andoon pa rin ang basag pero nagagamit pa naman niya.
“Don’t stare. Ganiyan lang iyan pero maganda pa ang back camera niyan,” pagbibiro niya kay Slick. “Halika na,” pag-aaya niya kay Logan.
Hawak ang dalawang bulaklak ay tumabi sa kaniya si Logan. Parehas malawak ang ngiti nila ng sunod-sunod na kuhanan sila ni Slick ng larawan.
“Use my camera too,” ani Logan at inabot rin ang sariling cellphone.
Natatawa na lang si Eila sa kanila habang kumukuha ng larawan si Slick. May kuha silang nakatayo lang ng magkatabi. Meron ding nakaakbay ito sa kaniya at meron ding para siyang bata na hawak nito sa ulo.
In just a short time, Logan made her happy.
Matapos ang ilang minutong picture-taking ay naglakad na sila palabas ng auditorium. Habang naglalakad ay hindi nakalingat kay Eila ang kakaibang sulyap ng ibang graduates at ng pamilya niya. She knew it’s not her, it’s Logan presence.
“Sigurado ka bang dito ka na lang maghihintay?" tanong ni Logan nang makalabas sila ng auditorium.
“Oo,” tugon niya habang lumilinga-linga. Wala pa rin si Lyza. Hindi rin ito sumasagot sa text niya.
“Nasaan na ba ang kaibigan mo?"
“The truth is, I’m not sure. Kanina ko pa siya mini-message ay hindi naman siya nagre-reply sa akin.” Wala sa loob na tugon niya. Bukod sa hirap na hirap siyang mag-text dahil ng mga dala ay naiirita na siya sa suot na toga. “Hmmm. Do me a favor, please,” lingon niya kay Logan.
“What is it?"
“Pakihawak naman nito." Iniabot niya rito ang mga bulaklak, handbag, cap at diploma na dala.
Nang makuha iyon ni Logan ay dali-dali niyang inalis ang toga. “Better," bulong niya sa sarili habang tinutupi iyon at isinasabit sa may braso. “Ang init na kasi sa pakiramdam.”
Dahil abala siya sa pag-aayos ng toga ay hindi niya pansin ang pagbabago ng tingin ni Logan sa kaniya. From calm and tender look, his eyes got fiery and full of longing as he said, “I changed my mind. Can we go out now, Eila?"
*****
ShimmersErisJane