CHAPTER NINETEEN “Ambivalence”

1504 Words
“I changed my mind. Can we go out now, Eila?” Napatigil sa ginagawang pag-aayos ng toga si Eila at napatingala kay Logan. Naglaho ang kaninang mabirong Logan at napalitan ng seryosong binata. At nang magtama ang mga mata nila, hindi niya inaasahan ang nakita roon. There's desire... Longing... Admiration. There's so much emotion inside his eyes, emotions that she couldn't explain. ‘What was that?’ sigaw ng isip niya. Hindi niya maalis-alis ang tingin rito. At sa bawat sandaling nakatitig siya rito ay tila nahihipnotismo siyang lapitan ito, hawakan... “Logan...” Eila saw how Logan's Adam's apple moved. “I'm just kidding,” Logan chuckled dryly and looked away. She blinked as she tried to gauge what she just perceived. She knew what she saw. Hindi siya pwedeng magkamali sa nakita pero hindi niya rin maintindihan kung para saan iyon. “Wala pa ba ang kaibigan mo?” untag ni Logan na nagpabalik sa kaniyang huwisyo. “Ahhh. I don't know. I'll try to call her again.” Sinamantala niyang hawak ni Logan ang mga dala niya at muling tinawagan si Lyza. Ring lang iyon ng ring pero hindi nito sinasagot. Muli siyang nag-text. Sunod-sunod. Subalit ilang minuto pa ang dumaan ay wala siyang reply na nakuha mula rito. Lumingon siya muli sa auditorium sa pagbabakasakaling makikita roon ang kaibigan pero bigo siyang makita ito. “Mga janitor na lang ang nasa loob,” sabat ni Slick nang mapansin na nakatingin siya sa loob ng auditorium. “Hindi kaya nakaalis na siya?" saad naman ni Logan. “Hindi naman siguro ako iiwan basta ni Lyza,” pangangatwiran niya kahit na sa loob ng dibdib niya alam na hindi malabong mangyari iyon. Baka nagka-emergency sina Lyza at ang pamilya nito kaya nagmamadaling umalis. O baka naman nagkaproblema during the ceremony kaya maaga silang umalis. Iyon lang ang nakikita niyang rason at wala na ito. Kilala niya si Lyza. Hindi siya iiwan nito sa ere ng gano'n-gano'n lang. Nangako ito sa kaniya na magkasama silang magce-celebrate. Pero sana man lang ay sinasagot nito ang tawag at messages niya. “Paano kung nakaalis na siya?” tanong pa ni Logan. “I don't know… Perhaps she was.” Pinilit niyang ngumiti kahit na sa loob ng dibdib niya ay may lungkot na naghari. Umasa siya na kasama ang kaibigan na mag-celebrate. Pinaghandaan rin niya ang pagkakataong ito. Sa tinagal-tagal na nilang magkaibigan ni Lyza, hindi pa niya name-meet ang parents nito. At sinabi nitong ipapakilala siya. “Come on. Hindi pa huli ang lahat. Kung hindi kayo makakaalis ngayon, perhaps some other time. Bakit hindi muna tayo ngayon ang magkasamang mag-celebrate?” Eila glanced at Logan. Something inside her lift up. “Wala ka bang gagawin ngayon? I mean... nasa loob ang papa mo, hindi ba? Oppss…” Natutop niya ang bibig bago nag-aalangang tiningnan ang binata. “Is he your father?” “Yeah, he is. Si Slick na ang bahala sa kaniya. Isa pa, limelight niya ngayon. I don't want to mess with it." Nilingon niya si Slick pero laking gulat niya nang makita itong naglalakad na palayo. “Hmmm... Where is he going?” baling niya kay Logan. “He knows his duty." “Duty?" “Yeah. Duty. Hindi niya kailangang sabihan. Alam niya ang gagawin niya." “Ano bang dapat gawin?” “Just wait.” Magkasalubong ang kilay na sinundan niya muli ng tingin si Slick hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. “Where is he going?” “Let’s just wait.” May ilang minuto silang tahimik na naghihintay hanggang may itim na kotseng nagmaneho patungo sa tapat nila. “Ready?” Logan asked her. “Pero paano si Lyza?" “You still want to wait for her?” “Yeah.” Sandaling nag-isip si Logan bago nagsalita. “Fine. We'll wait for her.” “Look, hindi mo naman kailangang maghintay kasama ko. I'll wait for her. We can still go out tomorrow.” Giit niya. Nahihiya siyang paghintayin ito nang matagal. Logan shook his head. “No, Eila. First thing and foremost, I'm not gonna let you wait alone here. Second thing, I won't let this moment slip, dumating man ang kaibigan mo o hindi.” “Logan...” He smiled. “I'm good, Eila," anito bago tumingin sa likuran niya. Sinundan niya ito ng tingin. Palapit sa kanila si Slick habang hawak ang susi. “Keys, Sir.” Iniabot nito ang susi kay Logan. “Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. If he finds me, tell me I'm nowhere to be found." “Copy, Sir." Pagkaabot ni Slick ng susi ay naglakad na ito palayo sa kanila habang siya ay nagtatakang hinarap si Logan. “Who's he? Your father?" Logan scoffed. “Yeah, my goody-good father.” “Why?” “What's why?” “Bakit ganiyan ka magsalita sa kaniya? You know the “goody-good father?” Eila even quoted the last three words. “Napanood mo naman siya kanina, hindi ba? You're watching him intently,” Logan reminded her. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi na siya nag-reply kay Logan dahil naging abala na siyang makinig sa speech ng ama nito. “Hmmm... Yeah. His words were inspiring. He started from the scratch kaya naman agaw-pansin ang speech niya." Napangiti siya nang maalala ang speech ni Ezekiel Kyde. Anak-mahirap pala ito na nagsumikap makapag-aral at makapagtayo ng maliit na negosyo. Mula sa maliit na negosyo ay pinalago nito iyon hanggang sa nakilala ang lalaki bilang isa sa pinakamayaman at pinakamatagumpay na negosyante. Ito ang kasalukuyang CEO ng Kyde Group of Companies. Labis pang ikinatuwa ng mga nakikinig ay ang plano nitong pagdo-donate sa AllyRose ng malaking halaga para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang walang kakayanan na makapag-aral sa paaralang gaya ng AllyRose. “Hearing it from you, lalo kong nakikita kung gaano kapani-paniwala si daddy." “You sounded you hated him." Logan stared at her for a few seconds before he looked away. As if in embarrassment he spoke in a low tone. “I don't hate him. May mga bagay lang minsan na hindi natin matanggap mula sa kanila. But just like the old saying goes, ‘You can't choose your father nor what kind of son you'll have... So, don't worry, I'll stick to him no matter what.” Eila watched Logan's face got solemn just as a familiar feeling washed over her. 'I'll stick to him no matter what...’ A fang of guilt began took over her. And Logan's words reminded of her father. She didn't hate her father... Or perhaps she was, she just couldn't admit it. She hated him that she decided to leave her own family. She didn't have the guts to stick with him no matter what. Wala sa loob na kinapa niya ang pendant ng kwintas na suot at hinawakan iyon ng mariin. She suddenly missed her family. She missed her mom's sweet words; her father loud and cheerful voice whenever he'd come from work; and of course, the boys—her handsome brothers who always joke around her. Madalas man siyang inaasar ng mga ito, dama niya pa rin ang matinding pagmamahal ng mga ito sa kaniya. Oh, how she missed them... Isang malakas at masayang halakhakan ang gumising kay Eila mula sa malalim na pag-iisip. Dala ng kuryosidad ay napalingon siya sa pinagmulan ng tawanan. Isang nasa 40’s na sopistikadang babae ang nakita niyang nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Sa tabi nito ay isang lalaki na kung susumahin ay baka asawa nito. Masayang nag-uusap ang mga ito habang tila may hinihintay. Sa tabi ng mag-asawa ay may dalawang binatilyo at isang babae. Namilog ang mga mata niya nang makilala ang babae. “Lyza?" bulong niya. “Siya nga! Nandoon si Lyza!" malakas niyang baling kay Logan. “Is that her?" “Yes! I'll call her." “Let's go," pag-aaya ni Logan. Hinawakan ni Logan ang kamay niya at sabay silang naglakad nang mabilis. Hindi pa sila tuluyang nakakalapit sa kaibigan ay may tumigil ng kotse sa tapat ng pamilya. Isa-isang nagsakayan ang mga ito. “No..." mahinang aniya. Bumitaw siya kay Logan at tumakbo habang tinatawag ang kaibigan. “Lyza! Lyza!" Hindi niya alintana kung naka-high heels man siya o nakatawag-atensiyon na ang ginagawa niya. Nagpatuloy ang sasakyan sa pag-andar hanggang dumaan ito sa may tapat niya. “Lyza!” malakas niyang wika. Hindi tumigil ang sasakyan pero bumukas ang bintana. Sa tabi ng bintana nakaupo ang sopistikadang babae kanina habang sa tabi nito ay malungkot na nakayuko ang ulo ni Lyza. Nakaarko ang kilay ng babaeng katabi ni Lyza. Nanlilibak ang tingin nito habang unti-unting nagsasara ang salaming bintana. And that's the cue! Eila stopped from calling Lyza’s name. Hindi niya kailangan ng explanation para malaman kung anong ibig sabihin ng lahat. Ang kakaibang tingin ng babaing kasama nito, ang hindi pagsagot sa tawag at text niya kay Lyza at ang pagbali ng kaibigan sa pinangakong magkasamang magse-celebrate. She already knew. But it's still painful. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD