Habang kumakain ako ay mga may iilang kawal na bumabati sakin, sinulian ko lamang ito ng matamis na ngiti gayon din si Yna.
"Ang taray... Madaming nagpapapansin sa'yo ah." panunukso ni Yna sa akin ngunit nagpatuloy parin ako sa pagkain.
"Zubii, kahit kailan ay wala akong narining na naging nobyo mo. Ano bang tipo mo sa mga lalaki?" nakangisi paring tanong niya sa akin kung kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigil-tigilan mo'ko ha! Baka ipagkalat ko pa dito na may lihim na pagtingin ka sa Commander!" singhal ko sa kaniya at kaagad namang namula ang kaniyang pisnge.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sayo, l-lagot ka talaga sakin!" utal na utal niyang bulong sa akin sabay palinga-linga sa lugar.
Muli akong bumaling sa aking pagkain at dali-dali ng inubos. Tahimik naman si Yna na nakaupo sa harap ko habang nakangiti lang na inililibot ang paningin sa mga kawal.
"Nandito pala sila," biglang sabi ni Commander sa liykuran ni Yna at nakita kong kaagad na umayos sa pagkakaupo si Yna.
Malagkit ko lamang siyang sinulyapan habang sinisenyasan naman akong tumigil.
Nang maibaling ko ang tingin ko kay Yoohan ay bigla din akong napaayos. Malamig lamang ang kaniyang ekspresyon nang magtama ang aming paningin.
Nahihiya parin ako sa nangyari kanina. Napasama din siya kay Yna at hindi pa ako humingi ng dispensa.
"Magandang gabi mga Binibini..." nakangiting bati sa amin ng tatlo pang mga kawal kung kaya't napatingala kami ni Yna.
"Ako ng pala si Otto!" masayang pakilala ng nong nasa gitna, "Ako naman si Uno," pakilala nung nasa likuran ni Otto. "Dos nalang," pakilala naman nong nasa gilid.
Tumango ako sa kanila at inabot ang sariling kamay para magpakilala.
"Ako naman si Zubii," masayang pakilala ko at siniko si Yna, "Ako naman si Yna," at nakangiting inabot niya ang kaniyang kamay.
"Tapos na ba?" matabang na sabi ni Yoohan na ngayo'y nasa mga kawal na ang atensyon.
Nang mapansin nila si Yoohan ay isa-isang nagsibilugan ang kanilang mga mata, dali-dali silang tumuwid sa pagkakatayo at sabay na nagsiyukuan.
Napaawang nalang ang bibig namin ni Yna sa reaksyong ipinakita ng mga kawal sa kay Yoohan.
"Paumanhin po sa aming inasal. Magandang gabi po sa inyo Pinunong Yoohan!" sabay-sabay nilang bati habang nakayuko parin.
"Makaka-alis na kayo," maawtoridad na tugon ni Yoohan.
"Masusunod po Pinuno!" deretsong sagot nila at naglakad na papalayo.
Nagtataka ako kung bakit ganoon nalang ang takot nila kay Yoohan. Marahan akong napatitig sa kaniya na seryosong-seryoso parin na nakatitig sa akin.
Pero, hindi niya dapat ginawa 'yon. Wala ba siyang modo?
"Ah, bakit nga pala kayo nandito?" seryosong tanong ko.
"May itatanong lang kami..." marahang saad niya at iginiya siya ni Commander na umupo dito sa lamesa.
"May nakalagay ba sa Doc's Journal kung anong imahe ng X-plant? Kulay?" tanong niya sa akin at nakinig lamang si Yna at Commander.
"Hindi ko pa kasi nababasa lahat. Pasensya na at kung may mga impormasyon man akong mabasa ay kaagad ko kayong ipatatawag ni Commander." kinakabahang sagot ko sa kaniya at nakita ko ang pagtango niya sa akin.
"Sige." malamig niya pang sabi at tumayo na. Sabay-sabay naming tinanaw siya habang papalayo sa amin.
"Commander, bakit ang sungit ng kawal na iyon? Parati nalang galit, hindi ba siya marunong makisama?" pagalit kong sabi at napansin kong ngumisi lamang si Commander.
"Mabait naman yon, hindi lang masyadong nakikisalamuha," natatawang sabi ni Commander.
"Daig pa niya ang babae kung magsungit!" naasar na bulong ko ngunit patuloy parin sa pagngisi si Commander.
"S-sige... magpapahinga na a-ako Zubii," utal na utal namang paalam ni Yna sa akin at niyakap na ako.
"S-sige po Commander," nakita kong umiwas siya ng tingin sa kay Commander at nagsisimula na ding humakbang papalayo.
Masyadong obyus halata kana Yna.
"Ihahatid na kita," si Commander at deretso kaming nagkatinginan ni Yna.
-
Unti-unting lumalim ang gabi, nagpahinga narin ang mga kawal at tanging kuliglig lamang ang naririnig ko sa buong lugar.
Nandito parin ako sa lamesa na tahimik na nakaupo habang dinadama ang malamig na hangin.
Bahagya kong natignan ang mga bituing nagkikislapan sa kalangitan.
"Ang ganda naman," bulong ko at marahang napapikit na dinadama ang sandaling 'yon.
Muli kong naimulat ang aking mga mata at mapait na sinulyapan ang kalawakan.
"Kung panaginip man ang nangyayari ngayon... Sana magising na ako sa bangungot na ito." bulong ko sa sarili habang inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko pa si Dok Porro na tumayong tatay sa akin.
Umaasa ako na balang araw babalik sa dati ang lahat, upang wala ng magutom, matakot at maghirap. Hindi biro ang suliraning hinaharap ng kaharian ngayon at sana malabanan pa namin ang paparating pa.
Bigla akong nahinto sa pagmumuni-muni at pinakiramdamam ang buong lugar.
Nakarinig ako ng mahihinang yapak sa aking likuran kung kaya't dali-dali akong lumingon doon.
Nang mahagilap ko si Yoohan na nakatayo doon ay bigla kong nahaplos ang aking dibdib.
"Bakit ba bigla-bigla ka nalang sumusulpot! Halos aatakihin na ako sa kabang naramdaman ko kanina." mahinang bulyaw ko at hindi lamang siya umimik.
"Maghanda ka dahil aalis tayo bukas," mahinahong sabi niya at kaagad na kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
"Saan naman tayo pupunta?Sino din ang may sabing sasama ako?" pagtataray ko sa kaniya at malamig niya lamang akong sinulyapan.
Ang ganda na sana ng eksena ko kanina dito tapos bigla siyang dadating para bwesitin ako.
"Kung ayaw mo akong kasama parehas lang tayo ng nararamdaman." kaswal niyang tugon sa akin at kaagad akong napasinghal.
Anak ng--- Ibang klase din ang isang 'to ah!
"Maaga tayo bukas kaya magpahinga kana." seryosong aniya at tinalikuran na ako.
Hindi ako makapaniwala sa pag-uugaling mayroon siya, sa lahat ng bagay ay kailangan ba talagang malamig ang pakikitungo niya?
Wala sa sariling tumayo na din ako at nagsimulang ng maglakad pabalik sa aking silid.
"Nakakainis talaga ang isang 'yon!" pasimple bulong ko pa.
Kinabukasan maaga akong gumising para sa pag-alis namin ni Yoohan ngayon.
Hindi na ako masyadong nag-ayos pa dahil wala naman akong pakealam sa makakasama ko ngayon. Mabebwesit lang naman ako doon panigurado.
Inayos ko muna ang aking damit dahil napakalamit ngayon sa labas. Umaga pa kasi kaya malamig pa ang simoy ng hangin.
"Ang aga natin ah?" bungad sakin ni Yna habang si Commander naman ay sumimsim sa mainit niyang kape.
"Aalis daw kami ni Ser,"
Sinadya ko talagang banggitin ng ganon ang 'Sir' dahil hanggang ngayon naiinis padin ako sa lalaking 'yon.
"Si Yoohan ba ang tinutukoy mo? Umalis siya kaninang madaling araw kasama ang ibang kawal." mahinahong sabi ni Commander at muling bumaling sa kaniyang pagkain.
"Ganon ba? Saan naman pupunta ang isang 'yon?"
"Hindi niya kasi sinasabi sa akin, pero may aasikasuhin daw siya." dagdag parin ni Commander at tinanguan ko na lamang siya.
Itinoon ko nalang ang aking oras sa pagbabasa, paglilibot sa buong bundok at paglalakad-lakad sa kahit saan sulok dito habang naghihintay kay Yoohan.
Nagpasya akong bumalik sa lamesa na katapat ng aming kweba, doon ko nalang ipinagpatuloy ang paghihintay sa kay Yoohan.
Naabutan ko si Yna doon na naghihiwa ng mga kung ano-anong rekados kaya tumabi ako sa kaniya.
Dumating nalang ang tanghalian ay wala paring dumating na Yoohan. Iniinis ba ako ng isang 'yon? Sana hindi ko nalang inagahan ang paggising.
"Wala pa ba si Yoohan?" matamlay kong tanong ni Yna at kaagad niya naman akong sinulyapan.
"Wala paba?" tanong niya pabalik sakin.
"Kaya nga tinatanong ko sayo diba?" sarkastikong sagot ko at umirap lang siya sakin.
Sinuri ko ang kaniyang mukha at mga reaksyon, ngiti-ngiti itong naghihiwa na para bang may nangyaring maganda sa araw na 'to.
Anong kaganapan sa buhay nito?
"Anong ningisi-ngisi mo diyan?" angal ko naman at marahan niya lamang na kinagat ang kaniyang labi at tila ba parang kinikilig.
"Tungkol yan kay Commander no?" bulyaw ko sa kaniya.
"Ano ka ba! Sige lakasan mo pa! Gusto mo hampas ko sayo tong sibuyas?" naiinis niyang tugon sa akin ngunit tinawanan ko lamang siya.
Tumayo siya papunta sa isang kubo, sumunod naman ako dahil naiinip na akong maghintay pa. At nang napagtanto kong isa pala yong kusina ay namangha ako.
Maganda naman ang pagkakagawa sa kusina, may mga malalaking lamesa ang naroon at ang halos na materyales ay gawa sa dahon ng saging at kawayan.
Inihanda niya ang kalan at nilagyan ito ng mga panggatong. Ilang minuto ang lumipas ay bumabaga na ang mga panggatong.
"Naguguluhan ako kung talagang Nurse ang pinag-aralan mo o ang pagluluto?" singit ko at narinig ang kaniyang pagtawa.
"Noong nasa Aristokradel pa ako ay tinuruan ako ni Manang Poring na magluto. Naiinip din kasi ako sa bahay kaya ginagawa ko din ang mga gawain bahay doon." nakangiting aniya.
Lumaki siya sa mayamang pamilya ngunit hindi ko batid ang rason kung bakit tinalikuran niya ang buhay niya at pumasok bilang isang nurse dito sa Zitadel.
"Tulungan na kita."
"Sige, balatan mo nalang itong patatas." sabi ni Yna habang naghahalo ng mga rekados.
"Gusto mo ba si Commander?" deretsong tanong ko at kaagad na napalingon sa akin si Yna.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako."
"A-ano bang p-pinagsasabi mo?" pagalit niyang tugon sa akin at napangiti na lamang ako sa kaniyang reaksyon.
"Siya ba yung kinikwento mo palagi sa akin na gustong-gusto mo? Commander din 'yon ah, iiisa lang naman ang Commander sa Zitadel at siya 'yon diba?" nang-aasar kong sagot ngunit napaawang na lamang ang kaniyang bibig.
"Z-zubii, pwede ba!"
"Parang hindi kaibigan ah, sabihin mo na, aarte ka pa eh."
Napamaang siya sa sinabi ko habang ako ay nakalabi lang.
Muli siyang bumaling sa kaniyang niluluto at hindi na ako pinansin.
"Sige na, gusto ko lang naman malaman kung anong pakiramdam." pangungulit ko ngunit hindi parin niya ako nilingon.
"Bakit mo ba tinatanong ang bagay na 'yan? Bakit gusto mo din na malaman ang pakiramdam? May lalaki ka bang napupusuan?" deretsong sabi ni Yna at hindi ako makasagot sa kaniya.
"Tsk.." singhal ko at lumingon na siya sa akin ngayon.
"Kapag gusto mo na ang tao, maiinis ka nalang bigla-bigla pag hindi ka niya pinapansin."
"Gustong-gusto mong makita siya palagi."
"Natataranta ka kapag nandiyan siya."
"Basta kakaiba! Kakaiba ang magiging mararamdaman mo kapag may nagugustuhan ka." iritadong singhal niya at muling napabaling sa kaniyang pagluluto.
"At ganyan din ang nararamdam mo kay Commander?"
"Noong una dahil gusto ko siya, gustong-gusto. ngunit kalaunan ay inamin kona din sa aking sarili na mahal ko na siya," halos pabulong niyang sabi sa akin.
"Paano mo nasabi, eh? Ngayon mo lang naman siya nakasama!" pagsisipat ko ngunit tinawanan niya lang ako.
"Matagal ko na siyang kakilala, hindi nga lang kami gaanong nagpapansinan." mahinahong sabi niya ngunit hin
"Oh? Bakit hindi mo 'yan nasabi sakin? Kaibigan mo ba talaga ako?" naiinis kong aniya.
"Matagal na 'yon, nakalimutan ko na nga e," marahan siyang napabuntong hininga at malimit na ngumiti sa akin.
"Binalak ko din na kalimutan siya dahil may iba daw itong napupusuan. Parating 'yong usap-usapan iyon sa kabilang bayan." malungkot niyang sabi, "Ngunit sa tuwing sumusulyap siya sa akin ay umaasa ako, umaasa ako na sana mapansin niya ako at hindi totoo ang usap-usapan na 'yon."
"Masaya ako ngunit may mga higad talagang bigla nalang sumusulpot at sumisira sa araw ko. Kaya 'yon buong araw din akong wala sa hulog." biglang napalitan ng pagkainis ang kaniyang boses at tinawanan ko na lamang siya.
Bigla kong naisip si Yoohan at marahan na lamang akong napapikit sa inis.
Naasar ako sa mukha niya dahil naasar talaga ako. Nagagalit ako sa kaniya dahil nagagalit talaga ako. Kinokompara ko lang ang sinasabi ni Yna kaya napanatag akong hindi pala tugma ang nararamdaman ko.
"Alam mo Zubiii? Kahit paulit-ulit mong lang itatangging wala kang nararamdaman, gigising ka nalang sa isang araw na ayaw mong malayo sa kaniya, ayaw mong nakikita siyang may ibang kasama at higit sa lahat nasasaktan ka nalang bigla-bigla kahit hindi naman kayo..."
"Anong pinagsasabi mo? Nagtatanong lang naman kung anong pakiramdam." singhal ko.
"Wala nga ba?" pang-iinis pa niya.
"Wala no!"
-
Maghahapunan na ngunit walang nagpakitang Yoohan sa akin buong araw.
Ang lalaking 'yon ay paasa!
Nasa malaking hapag kami ngayon kasama si Yna at Commander pati narin ang ibang mga kawal.
May piging na inihanda si Commander para sa mga kawal. Dahilan na siguro ng pagiging masipag nila kaya naisip ito ni Commander.
"Ngayon ko lang ulit maranasan ang kumain ng marami," nakangiting sabi ni Yna "Sobrang saya ko!" dagdag niya pa.
"Talagang magiging masaya ka, dahil kasama mo sa hapag si Commander e." sabat ko at nakita kong namilog ang mga mata ni Yna na ngayo'y nahihiya na.
"Uy!"
"Naku Commander, may binibini ka palang nabihag."
"Ayan na!"
"Bagay naman sila."
Saway ng iilang kawal na kasama namin sa hapag, napangisi nalang akong nakikinig sa mga panunukso nila.
Sumulyap ako kay Yna habang madilim niya akong tinititigan, habang ang kaniyang mga pisnge ay parang kamatis ngayon dahil sa kahihiyan.
"H-hindi ah!" pagdedepensa ni Yna at napailag na lamang ako ng ibinato ni Yna ang isang tinapay sakin.
Sadista...
Tumawa lang si Commander pati narin ang ibang kawal. Umayos ako sa pagkakaupo at nagsimula na kaming kumain.
Hiyang-hiya parin si Yna hanggang ngayon. Ni isang salita ay wala kang maririnig sa kaniya.
Hanggang sa pagkain namin ay patuloy parin nilang tinutukso si Commander at Yna.
"Nagagandahan kaba kay Nurse Yna, Commander?" tanong ni Otto kaya wala sa sariling napaangat ng tingin si Yna habang kami naman ay nagpipigil lang dito sa gilid.
Sumulyap si Commander kay Yna at nakita ko kung paanong napalunok ito dahil sa kabang nararamdaman.
Nakatitig ngayon ang dalawa sa isa't-isa habang kami naman dito ay nagpipigil at naghihintay sa isasagot ni Commander.
"Bukod sa sobrang ganda niya ay hinahangaan ko din ang taglay niyang kabaitan at maalahanin." pasimpleng sabi ni Commander at muling humiyaw ang mga kawal sa hapag-kainan.
"Kinikilig na 'yan!" panunukso ko sa kay Yna ngunit tahimik lang siya at hindi kami pinapansin.
"Tumahimik na kayo, baka mailang na tuloy siya sa akin." si Commander.
"Uy!"
"Commander namin 'yan!"
Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkikwentuhan habang hindi parin ako mapakali dahil hanggang ngayon hindi parin nagpapakita si Yoohan.
Natapos ang gabing iyon na puno ng halakhakan, tuksohan at sawayan.
-
Kinaumagahan maaga akong nagising sa ingay ng mga martilyo. Naging abala na ang lahat sa pag-gawa ng mga kubo para sa mga taga sentro na patitirahin dito.
Nang makalabas ay nadatnan ko si Yna na nagsasampay ng aming mga damit.
"Bakit mo naman nilabhan ang akin? Marunong naman akong maglaba ikaw talaga!" reklamo ko.
"Sus, magpasalamat ka nalang." nakangiting aniya at nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa.
"Wala pa ba si Yoohan?" nahihiyang tanong ko sa kaniya at nakangising umangat ng tingin ngayon ang bruha sa akin.
"Bakit mo ba kasi hinahanap-hanap si Sir Yoohan? Nako... Zubii huwag mong sabihin sa akin na---"
"Gusto mo hampas ko sayo yang mga sinampay mo?" pagalit kong sabi at narinig ang malakas niyang pagtawa.
"Napakamalisyosa mo talaga!" asik ko at inirapan siya.
"Ang sabihin mo gusto mo lang makita si Sir Yoohan!"
Aba hindi talaga mahinto ang bunganga ng isang 'to ah!
"Uy! Si Sir Yoohan, gustong makita ni Zubii..." tukso niya.
"Talaga ba?" nanindig bigla ang balahibo kong marinig ang boses na iyon.
Binigyan ko ng masamang tingin si Yna bago ako lumingon sa likuran ko.
Narinig ko ang hagikhik niya samantalang ako ay nagsisimula ng mataranta.
Hindi ko inaasahan ang pagdating niya ngayon kaya ganoon nalang ang aking pagkagulat.
"Naniwala ka naman?" turo ko kay Yna, "Nang-aasar lang naman yan e!" singhal ko ngunit hindi niya ako pinansin sa halip ay nginisihan niya lang ako.
"Ikaw!" turo ko kay Yoohan, "Huwag mo akong idaan diyan sa pangisingisi mo ha. Pinaasa mo 'ko kahapon baka nakalimutan mo?!" pagalit kong singhal at natahimik na lamang ako ng may mapansing kakaiba sa kaniya ngayon.
Napatitig ako sa kaniyang mukha habang sinusuri siya, nang maituon ko ang aking mga mata sa mga kamay niyang nasa bandang tiyan ay mas lalo akong nagtaka.
Inangat ko ang aking paningin sa kaniya at napansing para siyang nalalantang gulay.
"B-bakit ka maputla!?" nagtatakang tanong ko at unti-unting lumapit sa akin.
"May nangyari ba sa'yo? Bakit parang iba ka ata ngayon." narinig ko namang singit ni Yna.
"Ayos lang," deretsong sabi niya.
Ngunit hindi ako naniniwala.
Tinignan ko ang kamay niyang nakapermi sa kaliwang tiyan niya at namilog ang aking mga matang makitang duguan na ito ngayon.
Bigla ako nagulantang ng makita iyon at kaagad na dinaluhan si Yoohan.
Biglang dumating si Commander at bigla na lamang akong napatili ng bumulugta na siya sa sahig.
"Hala!" gulat na gulat na sigaw ni Yna.
Nangingig akong tinanaw siya habang pinapakiramdaman ang kaniyang pulso.
Bigla akong kinabahan at nanibagong makita siyang ganito...
Pinipisil-pisil ko ang kaniyang braso habang nasa bisig ko siya.
"Yoohan. Yoohan! Gumising ka." marahang saad ko habang tinatapik-tapik ang kaniyang mukha.
Nanlamig ako bigla at kinabahan. Para akong wala sa sarili ngayon habang sinusuri ang walang malay na si Yoohan.
"Ano na ang nangyayari! Pakiusap sabihin niyo sa amin!" si Commander ngunit hindi ako makasagot.
Ang mapuputla niyang mga labi at ang malalim niyang sugat ay pinapakaba ako.
"Dalhin niyo siya sa aking silid!" utos ko at dali-dali akong sinunod ng mga kawal.
Kinausap ko si Commander at binigay sa kaniya ang listahan ng mga halaman gamot na makakatulong kay Yoohan.
"Yna.. mag-init ka ng tubig at dalhin mo sa aking silid." utos ko sa kaniya.
"Sige po Alpha," nagulat ako sa muling pagtawag niya sa akin.
Inilapag nila si Yoohan sa aking higaan at deretsong hinubad ang kaniyang pang-itaas na damit.
"Diyos ko...." nasapo ko ang aking noo ng makita ang malalim niyang sugat sa kaniyang tagiliran.
Nang pumasok si Yna ay kaagad kong binasa ang malinis na puting tela at idinampi iyon sa kaniyang sugat.
Ilang minuto din ang nakalipas ay dumating si Commander dala-dala ang dahon ng bayabas at iba pang gamot para sa sugat ni Yoohan.
"Maiwan niyo na muna kami ni Yna dito," seryoso kong sambit at tumango naman ang ibang kawal maging si Commander.
Matapos naming ginamot ang kaniyang sugat ay ibenda ko ito para hindi maimpeksyon.
Iniwan ako ni Yna para linisin ang mga hiramentang ginamit namin.
Natapos narin kami at ngayo'y nakatitig na ako sa mahimbing na natutulog na si Yoohan.
Follow me GorgeousCally
Thankyou for voting -,-
Wattpad: GorgeousCally