"Hindi pa tayo sigurado, baka nagkataon lang ang lahat ng ito---"
"Paano mo masasabi sa amin na nagkataon lang kung kayo mismo ay huli niyong nalaman?
Nasisiguro kong may alam ang estrangherong iyon sa mga nangyayari." iritabling singit ni Yoohan.
Napatitig ako bigla sa kaniya habang nakakunot lang ang noo nito. Isang ordinaryong kawal lang siya ngunit napaka-talas ng pag-iisip niya.
"May isang halaman na kung tawagin ay isang Z-plant. Hindi ko pa nakikita ang halaman na iyon ngunit ayon sa libro ni Dok. Porro ay lubhang mapanganib 'yon." wala sa sariling sabi ko at napansin kong natahimik sila.
Ang lahat ng nakasaad sa libro ay tugma sa senyalis ng halamang iyon. Papaanong nalaman ng estrangherong iyon ang tungkol sa katas ng halamang Z.
"Anong halaman ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Commander Xian sa akin.
"Nabasa ko ang bagay na iyon sa Doctor's Journal ni Dok. Porro, hindi ko pa nakikita ang Z-plant at kung 'yon talaga ang dahilan sa sakit na kumakalat ngayon ay kailangan nating mapigilan ang pagtubo ng halamang 'yon.
Hindi iyon basta-bastang halaman lang dahil duda ako na sa katas nanggagaling ang sakit." dagdag ko pa.
"Ang katas ng Z-plant ay nakakatakot dahil maari nitong sirain ang utak ng tao o ano mang hayop. Tulad ng kambing na hinain ni Yna sa mga pasyente ay unang biktima ng Z-plant. Maaring nakain ng kambing ang halamang iyon o sinadya ipinakain 'yon." pagtatapos ko na ngayo'y gulat na gulat na nakatitig sa akin si Yna.
"Ngunit bakit naman ganon? Bakit sila nangangain ng tao?" tanong ni Yna at napansin kong sumulyap sa akin si Yoohan.
"Dahil ang mga taong iyon ay nauuhaw, nauuhaw sa dugo kaya kailangan nilang pumaslang ng tao upang mabigyan ang sariling pangangailangan. Dahil sa ebolusyong nangyari ay X-plant na kung tawagin ang halamang iyon." tugon ko na mas lalong ikinagulat ni Yna.
"Paano na 'yan... Anong maari nating gawin?" nangangambang saad niya.
"Kung tama man ang mga duda mo ay kailangan nating ilikas ang mga tao at panatilihin sila sa iisang lugar." makahulogang sabi ni Yoohan at tumango ako bilang sang-ayon.
"Kailangan natin silang ilagay sa iisang lugar, dahil kapag nagpatuloy ang pagkalat nito maaring hindi na natin ito kayang pigilan." wala sa sariling saad ko habang nakatingin lang sa aking paanan.
Bakit naging ganito ang sitwasyon namin... Hindi ko inaasahan ang pagdating ng epedemyang ito.
"Commander Xian, maglakbay ka patungong Zitadel at magdala dito ng maraming kawal." maawtoridad na utos ni Yoohan kaya napaangat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Bakit parang sa tono ng kaniyang pananalita ay mas mataas pa siya kay Commander?
"Ano?!" angal ni Yna na ngayo'y tinignan ng masama si Yoohan.
"Sobrang delikado ang ating sitwasyon at papupuntahin mo si Commander sa Zitadel ng mag-isa?" deretsong angal ni Yna kung kaya't tumayo narin ako upang awatin siya.
Masyado kang halata...
"Walang mangyayaring masama sa kaniya. Sinisiguro ko iyon sa'yo." marahang sagot ni Yoohan sa kay Yna ngunit ng babanat pa ito ay kaagad ko ng tinakpan ang kaniyang bibig.
"Umayos ka Yna! Masyado kang nag-aalala para kay Commander baka iba ang iisipin nila." bulong ko sa kaniya ngunit napansin kong kumalma siya at inirapan na lang ako.
Tuluyang umalis si Commander Xian at naiwan kaming tatlo dito sa bundok.
Hindi namin gaanong kinakausap si Yoohan dahil bukod sa hindi siya tumutugon ay mabibwesit ka lamang sa kaniya.
Duda talaga ako sa katauhan niya. Parang hindi ko nakikita ang lalaking iyon na isang kawal lang. Bawat plano niya ay hindi kinukwestiyon ni Commander kaya ako nagtataka.
-
Kinaumagahan nagising ako sa lamig ng kweba, gusto ko pang matulog ngunit sobrang lamig talaga parang ikakamatay ko kung dito na ako maninirahan habang buhay.
Nadatnan ko si Yna na nagpapakulo ng saging at kamote sa labas. Marahan ko munang inilibot ang aking paningin ngunit hindi ko nakita ang kawal na kasama namin.
"Magandang umaga Zubiii!" masayang bati ni Yna.
"Nga pala yong kawal na kasama natin, saan nagpalipas ng gabi?" tanong ko sa kaniya ngunut nagkibit-balikat lamang ito.
"Ewan, natulog ako kasama mo at hindi ko siya napansin sa umagang ito." deretsong sagot niya at inilinga na din ang sarili.
Kung ganon, nasaan na 'yon?
Wala siya sa kweba buong gabi kaya medyo nagtataka ako kung saan nagpunta ang isang 'yon.
"Nasaan kaya yon?" bahagya pa akong luminga-linga sa paligid pati narin si Yna.
"May napansin akong ingay kanina doon," turo niya sa bahagi ng itaas pa ng bundok at sinulyapan ko kung saan banda iyon. "Nakarinig ako ng ingay kanina sa may banda doon at hindi din ako sigurado kung natungo nga isang 'yon doon." dagdag niya pa at muling ibinaling ang paningin sa pinapakuluang agahan namin.
Nagawa kong akyatin ang bandang tinuro sa akin ni Yna. Kaagad kong inilibot ang paningin sa buong lugar at napaka-daming puno ng pino ang matatayog dito.
Unti-unti pa akong naglakad para hanapin ang masungit na lalaking 'yon, at nang mahagilap ko na siya ay tahimik lamang siyang nakatayo habang tinatanaw ang himpapawid.
Ngayon ko lang napansing ang ganda pala dito, kitang-kita sa kinatatayuan ko ang buong Zitadel at labis akong namangha sa ganda ng tanawin.
Pumwesto ako sa bandang kaliwa niya ngunit nasa likuran parin ako. Nang masulyapan ko siya ay kay lalim ng kaniyang iniisip.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pangangamba at ang marahang niyang buntong-hininga.
Habang tinatanaw ko siya mula sa malayo ay ngayon ko lang napansin ang maayos niyang tindig.
Ang mala-porselana niyang kutis, ang tangos ng kaniyang ilong, ang mala-rosas niyang labi at mayayabong na pilik-mata ay nakakainggit.
Kaya siguro hindi ko halos makumbinsi ang aking sarili na kawal ang isang 'to dahil sa kaniyang tamang pagkilos at ang kaniyang ipinapakitang pag-uugali.
Marami na akong nakasalamuhang mga kawal ngunit ang isang 'to ay hindi ko maisip na isang kawal.
Bigla siyang napatingin sa aking gawi kaya dali-dali akong nagtago sa puno. Labis ang kabang aking naramdaman ng mapansing nakatingin parin siya sa aking gawi.
"Ano bang ginagawa ko? Sinusundan ko ba siya? Hindi ah." pagdedensa ko at sumulyap muli sa kaniya habang nakatalikod na ngayon.
Unti-unti akong naglakad patungo sa kaniya ngunit nang makarining ako ng isang ingay na para bang bitak ay bigla akong natigil sa paghakbang.
Muli kong pinakiramdaman ang buong lugar ngunit naririnig ko parin ang ingay ng isang bitak.
At nang matignan ko ang aking paanan ay bigla akong nagulantang, deretso akong sumulyap sa kay Yoohan na ngayo'y nasa akin na ang atensyon.
Pahapyaw na lamang akong sumiyaw ng tuluyan ng bumitak ang yelong inaapakan ko.
Napatingin ako sa aking paanan at bigla akong natarantang makitang pulos tubig iyon na halos nagyeyelo na.
"Tulong!" sigaw ko at buong lakas na napakapit sa isang malaking ugat.
"Tulong pakiusap!" muling sigaw ko at unti-unti ng dumudulas ang aking mga kamay sa ugat.
Kinakabahan na ako habang pasulyap-sulyap sa aking paanan. At nang mahagilap ko na si Yoohan ay kaagad niya hinawakan ang aking kaliwang braso.
"Bakit ka ba nandito! Anong ginagawa mo at napunta ka sa lugar na ito!" sigaw niya sa akin habang ako ay naiiyak na dahil sa takot.
Napatingin ako sa kaniya habang buong lakas niya akong hinatak.
Napaluha nalang ako sa takot dahil kahit anong pilit niyang hatakin ako ay hindi niya kaya.
Naipit ang aking bestida sa isang bato kaya nahihirapan si Yoohan na tulungan ako.
"Tumigil k-kana...." nauutal kong sambit, galit niya akong tinignan habang hinihingal.
"Huminahon ka, hindi kita iiwan," seryosong saad niya at halos hindi ako makapagsalita sa mga oras na iyon.
May kinapa siya sa kaniyang tagiliran at ibinigay niya sa akin ang matulis na bagay na hawak niya ngayon. Kaagad niya itong binigay sakin at nanginginig kong tinanggap 'yon.
"A-anong gagawin ko dito?"
"Gamitin mo 'yan at punitin mo ang parteng naipit sa iyong bestida para mahatak kita," mahinahon niyang sambit habang ako ay aligaga paring tumatango sa kaniya.
Nanginginig akong tumingin sa aking paanan habang hawak hawak ni Yoohan ang aking kaliwang kamay.
Anong klaseng bundok ba ito bakit may lawa. Hindi ko napansing lawa pala ang inaapakan ko.
"Huwag mong tignan ang iyong paanan! Baka maihulog mo ang kutsilyong 'yan at baka pareho tayong mamamatay dito!" pagalit niyang sambit sa akin at parang batang tumatango lamang ako sa kaniya.
Ginawa ko ang kaniyang sinabi. Tinadtad ko ang naipit na parte sa aking bestida at lantad na lantad na ngayon ang aking kanang hita.
Sinulyapan ko si Yoohan habang hirap na hirap ng hawakan ang aking mga braso.
"Tapos na." saad ko at buong lakas niya akong hinatak paitaas.
"Isa, dalawa, tatlo!" pagbilang niyang muli at tuluyan na niya akong nahila.
Deretso kaming bumagsak na dalawa habang ako ay nasa ibabaw niya.
Tahimik akong napapikit parin habang yakap-yakap si Yoohan. At nang lumipas ang ilang segundong ganon ang aming posisyon ay nagulat na lamang akong napagtantong nakaibabaw pala ako sa kaniya.
"Hindi kaba tatayo?"
Halos napaawang ang aking bibig ng tanungin niya ako. Napapikit ako sa hiya at deretso ng tumayo.
Tumayo nadin siya at pinagpag ang sariling damit. Napalunok ako habang pasulyap-sulyap sa kaniyang maisip ang naturang posisyon.
"S-salamat," sinikap kong huwag mautal at bahagya akong yumuko sa kaniya upang ipakita ang aking pasasalamat.
Sa sobrang hiya ko ay dali-dali ko ng tinalikuran at naglakad na papalayo.
Parang kamatis ngayon ang aking pagmumukha dahil sa posisyon naming 'yon. Gusto ko nalang magpakalunod dahil sa pangyayaring 'yon.
"Hindi kaba tatayo?"
"Hindi kaba tatayo?"
"Hindi kaba tatayo?"
Nagpaulit-ulit ang linyang iyon sa aking isipan at halos gusto kong sumigaw dahil sa sobrang hiya.
Hindi ko alam ngunit nainis ako bigla. Naiinis ako sa ugaling mayroon siya. Naiinis ako sa kaba at takot na naidudulot niya sa akin.
Kahit pa niligtas niya ako ay hindi ko padin maiwasang mainis sa kaniya.
"Oh, Zubiii?" bungad sakin ni Yna habang tinitignan ang kabuuan ko, narinig ko ang malakas niyang pagtili habang nakatingin sa akin, "Anong nangyari sa iyo!? Bakit ganyan ang itsura mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin ngunit hindi ako umimik.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Mayroon ba siyang ginawa sa'yo? Binaboy ka ba niya? Anong nangyari diyan damit mo't lantad na lantad ang iyong hita?" malakas na tonong tanong niya sa akin deretso kong natakpan iyon.
Nang mahahilap ko si Yoohan sa likuran ni Yna ay biglang nanindig ang balahibo ko.
Narinig niya kaya lahat ang sinabi ni Yna? Hindi maari...
Muli akong tumingin sa kaniya at malamig niya lang akong tinititigan. Marahan siyang suminghap at mayabang niya kaming nilagpasan.
"Hoy! Ikaw anong ginawa mo---" hindi ko na mapigilan ang aking sariling natakpan na lamang ang kaniyang bibig.
Hindi na lumingon si Yoohan sa amin habang nagpupumiglas parin si Yna sa aking bisig.
Isinilaysay ko ang buong nangyari sa kaniya at pati siya ay nahiya na lamang sa kaniyang inasal.
"Baka narinig niya ang sinabi ko Zubii!" nag-alala sabi niya, kaagad ko siyang iniwan at pumasok na sa kweba at itinuon ang aking oras sa pagbasa ng Doctor's Journal ni Dok Porro.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pagbabasa.
-
Nagising ako sa ingay ng mga lalaking nagtatawanan, naghihiyawan na para bang may kasiyahan.
Tinignan ko ang kabuuan ng aking katawan, hindi na punit-punit ang damit ko at malinis na iyon ngayon.
Lumabas ako sa kweba at nagulat ako sa dami ng lalaking nakadamit pangkawal ngayon dito.
Dumating na ba si Commander?
"Zubii, ayos ka na ba?" nag-alalang tanong ni Yna sa akin.
"Ayos lang, salamat nga pala Yna sa pagbihis mo sakin." nakangiti kong sagot at nginitian niya din ako pabalik.
"Magtatayo daw si Sir Yoohan ng mga pansamantalang kubo dito sa bundok, dito daw mamamalagi ang mga tao sa sentro habang hindi pa natin nasusulosyunan ang epedemyang ito." sabi niya sa akin at tango lamang ang naibigay kong tugon sa kaniya.
Nagagalak ako sa ideya ni Commander, dahil tama siya. Kailangan ng mga tao ang pansamantalang matitirhan ngayon.
Follow me GorgeousCally
Thankyou for voting -,-
Wattpad: GorgeousCally