Mula noong araw na iyon, nagsimula ang kakaibang pagkakaibigan nina Tristan at Carmen. Sa tuwing umiiyak si Tristan dahil sa gulo sa bahay, lagi siyang nakikita ni Carmen sa labas, at palagi siyang nilalapitan. "'Wag ka na umiyak, oh. Sama ka sa'kin. Laro tayo." At kahit hindi sumasagot si Tristan, sumusunod siya. Flash ng alaala: — Magkasama silang naglalaro ng habulan sa bakuran. Si Tristan, bagama't tahimik, may tipid na ngiti habang hinahabol siya ni Carmen. — Nagbahagi si Carmen ng kendi. "Sa'yo 'to, huwag kang mahihiya." At kahit unang beses, tinanggap ni Tristan. — Noong nag-away ulit ang mga magulang niya at tumakbo siya palayo, si Carmen ang unang sumalo sa luha niya. "Andito lang ako." Doon unti-unting bumuka ang mundo ni Tristan. Hindi man siya nagsasalita, sa presensya

