Malakas ang ulan, may kasamang nakakabinging kulog. Sa gitna ng pagbuhos nito, isang batang lalaki na tinatayang nasa walong taong gulang ang dali-daling lumabas mula sa malaking bahay. Basa na agad ang suot niyang puting sando at shorts. Takot na takot siya, hindi alam kung saan pupunta. Naupo siya sa malamig na sahig, nanginginig, at humagulhol. Tinakpan niya ang magkabilang tainga gamit ang mga kamay, wari'y nais takasan ang malalakas na dagundong sa langit. Maya-maya, may mag-ina namang naglalakad sa kalsada. May hawak na payong ang ginang, habang nakasiksik sa tabi niya ang batang babae. "Ma, umiiyak 'yung bata, oh," sabay turo ng bata sa nakaupong batang lalaki. "Oo nga, halika, lapitan natin," sagot ng ina, agad silang lumapit. Pagkalapit nila sa bata, agad siyang kinausap ng gi

