Tatlong linggo na mula nang matanggap ni Luis ang liham ni Tristan. Araw-araw niya itong binabasa. Paulit-ulit. Halos kabisado na niya ang bawat salita. At sa bawat pagbasa, may bahagi sa puso niyang unti-unting lumalambot. Wala na ang dating Luis na laging galit. Wala na rin ang boses sa isip niya na nagsasabing "wala ka nang pag-asa." Dahil sa sulat ng kapatid niya, natutunan niyang: may puwang pa siya sa mundong 'to. Loob ng kulungan – Tanghali "Nay... nay... tulungan mo po ako magbasa nito," bulong ng batang presong tinawag na Totoy. Wala pa itong disi-otso. Nahuli dahil sa droga. Walang bumibisita. Walang pamilya. Lumapit si Luis. "Huwag mong tawagin na nanay yang bangag mong celmate. Gusto mong matuto? Ako na lang. Basa tayo araw-araw." Lumipas ang mga linggo... Si Luis

