Three Days Later – Night Shift First time ni Carmen ma-assign sa night shift. Hindi na rin siya masyadong kinakabahan, pero ramdam pa rin niya ang bigat ng pagod. Tahimik ang lobby, karamihan ng guests ay nasa kani-kanilang kwarto, at ang tunog ng aircon at elevator ang bumubuo ng background noise. Habang naka-upo siya sa likod ng front desk, nagbabasa siya ng printed manual tungkol sa hotel's late check-in policy. Biglang tumunog ang landline. "Front desk, good evening," bati niya. "Hi, room 702 po 'to. Parang nagfi-flicker po 'yung ilaw sa banyo." "Noted po. I'll call our maintenance." Pagkababa ng phone, agad niyang tinawagan ang engineering. Ilang minuto lang, may lumabas mula sa service hallway—si Luis. Naka-jacket siya ngayon, may bitbit na tool bag, at bahagyang pawisan. Hala

