Tristan POV Nakatayo lang si Tristan. Parang binura ng mga salita ni Carmen ang lahat ng lakas niya. Parang siya na lang ang naiwan sa mundo tahimik, walang direksyon. Pinanood niyang lumayo si Carmen. Hindi niya ito kayang habulin. Hindi dahil ayaw niya, pero dahil alam niyang... baka tama ito. Baka kailangan niya talagang hayaang umalis si Carmen kung 'yon ang makakapagpagaling sa sugat na siya rin ang gumawa. Napatingin siya sa pintuan. Doon pa rin si Elaine. Nakatingin. Walang imik. "Umalis ka na," malamig niyang sabi. " Matagal na tayong tapos kaya wala na tayong dapat pag-usapan." Hindi sumagot si Elaine. Ngunit kitang-kita sa mukha nito ang pagkatalo—ang pagkaunawang kahit anong gawin niya, hindi siya ang pipiliin ni Tristan. Nang tuluyan nang makaalis si Elaine, saka lang n

