Mula sa awkward na "dito ka na kumain," naging routine na ito. Araw-araw, sabay silang bumababa, sabay pumipila, sabay nauupo sa parehong mesa sa dulong bahagi ng cafeteria. Kung minsan, may dalang tinapay si Luis. Kung minsan, si Carmen ang nagpapabili ng kape para sa kanya't kay Luis. "Hindi na 'to coincidence, Ma'am," pabirong sabi ni Luis isang tanghali, habang inaabot niya ang spoon and fork kay Carmen. "Everyday na tayo magkasabay." "Baka may pattern lang talaga ang universe," sagot ni Carmen, sabay kindat. Sweet na banter. Natural. Wala silang pakialam sa paligid pero ang paligid, may pakialam sa kanila. "Uy, si Ma'am Carmen at si Kuya Luis na naman oh." "Grabe, 'di ba dati parang 'di sila close? Ngayon parang... close-close na." "Pustahan, may something 'yan. Ang soft ni Luis

