Chapter 8

1350 Words

HINDI na nawala ang ngiti sa labi ni Sayon pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap nila ni Noah. Hindi niya inasahang tatawagan siya nito. Ni hindi niya inasahang tatawagan pa siya nito pagkatapos ng gabing mag ‘bonding’ silang dalawa. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng makasama niya ang binata. Ni hindi sila nagkuhanan ng numero kaya hindi na niya inasahang muli itong makikita. Kahit pa pinsan ito ni Jacob. Siguro ay puwede silang magkita kapag may mga okasyon lang dahil may common friend silang dalawa. Pero gulat na gulat siya kanina ng makilala ang boses nito. Nang marinig niya ang boses ng binata ay nahinuha na niyang si Noah ang tumawag sa kanya. Oo at saglit lang niya itong nakasama pero natatandaan na niya ang boses nito. Pero pinili niyang magkunwaring hindi niya ito nakilala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD