“SO… tell me about yourself.” Narinig ni Sayon mula kay Noah. Nagsisimula na silang kumain ng mga sandaling iyon. Pagkatapos nilang dalhin sa kotse nito ang mga pinamili niya ay bumalik sila sa loob ng mall at nagtungo sa isang restaurant para kumain ng maagang hapunan dahil pasado alas sais palang ng hapon. Mula sa plato ay sumulyap siya sa binata. Naningkit ang kanyang mga mata. “Niyaya mo ba akong maghapunan ngayon para sa tanong na ‘yan?” Ngumisi ito. “Sort of. I guess that’s how it starts.” “Starts what?” tumaas ang isang kilay niya. Nagkibit-balikat ito. “Our friendship. You know…” nagpatuloy ito sa pagkain. Sandali niya itong tinitigan pagkuwa’y inalis niya ang tingin dito. Nagpatuloy rin siya sa paghiwa ng steak na inorder niya na naudlot ng magtanong ang binata. “Gusto mo t

