KATATAPOS ng isang meeting ni Noah sa isang kaibigan sa isang bahagi ng Mandaluyong ng araw na iyon. He is planning to open a bar with his friend sa pagkakataon iyon sa lungsod ng Cebu. Nagkainteres itong makipagsosyo sa kanya dahil malakas ang bar niya na tumatakbo ngayon – ang Grenade. They were finalizing the project and the location at maganda ang naging takbo ng pag-uusap nila. Maagang natapos ang meeting at parang wala pa siyang balak umuwi. Kasalukuyan na niyang minamaniobra ang kanyang sasakyan palabas ng parking area sa isang magarang coffe shop at iniisip niya kung saan pa siya pupunta. May sarili rin kasing lakad ang kaibigan kaya hindi sila maaring lumabas pagkatapos ng kanilang meet-up. Nasa kalsada na siya ng sumagi sa isip niya ang isang pangalan. Isang tao ang naisip niya

