ANG planong pag-uusap ni Noah at Sayon ay hindi nangyari. Tinawagan pa rin siya ng binata pagkatapos ng hindi nila magandang pagkikita ng dumating ito mula sa Cebu. Ayon sa binata ay naging abala ito sa mga naiwan nitong trabaho ng manatili ito sa Cebu at kailangan nitong tapusin ang lahat ng naiwan. Dumagdag doon ang pagmomonitor nito sa ipinapatayong bar sa lugar ding iyon. Siya naman ay hindi na masyadong abala at ilang reports lang ang ginagawa niya sa kanyang lupain sa probinsiya. Ang madalas niyang pakikipag-usap kay Noah ay nabawasan dahil sa mga aktibidades nito. Kung hindi lang niya alam ang tungkol sa ipinapatayo nitong bagong negosyo ay iisipin niyang nagdadahilan nalang ang binata para dumalang ang pagkikita nila. Kung makitid lang ang isip niya at paranoid ay iisipin niyang

