GUSTONG suntukin ni Noah ang sarili habang papunta sa lugar kung saan didinggin ang kaso ni Clarissa sa dati nitong nobyo. Gaya ng sinabi niya sa dalaga, kahit may ginawa itong hindi maganda sa kanya ay isa pa rin siyang mabuting mamamayan at tinulungan ito sa paghahabla ng kaso kay Edmon. Kaninang umaga lang niya natanggap ang tawag sa kaibigan niyang abogado na sa araw na iyon gaganapin ang hearing pagkatapos nilang sampahan ng kaso ang lalaki sa ginawa nitong pananakit at pagbabanta kay Clarisse at sa buhay ng pamilya nito. Kinausap siya ng kaibigan na mas makabubuting samahan niya ang dating kasintahan dahil siya ang kasama ni Clarissa na nagsampa ng kaso. Kilala rin ng kaibigan niya si Clarissa bilang ex niya at aware ito sa mga nangyari sa kanila pero kagaya niya ay gusto ring tumul

