Chapter 12

2081 Words

TAHIMIK na umiiyak si Sayon sa loob ng kanyang kuwarto. Nakaupo siya at nakasandal sa headboard ng kanyang higaan habang nakatiklop ang mga paa. Sa mall na sila naghiwalay ni Aira pagkatapos ng kanilang tanghalian kanina. Kailangan pa nitong bumalik sa shop nito. Siya naman ay dumiretsong umuwi. Nawala na rin kasi ang mood niyang mag-ikot-ikot. Ilang beses pa nitong sinigurado sa kanya na ayos lang siya dahil ayaw siya nitong iwan pero sa huli ay pumayag rin itong umuwi siyang mag-isa. Bagamat sinabi niya sa kaibigang ayos lang siya ay hindi iyon totoo. Ayaw lang niyang abalahin ang oras nito. Tuluyang nasira ang araw niya dahil sa pagsulpot ni Dana kanina sa restaurant. Kahit nawalan siya ng gana ay ibinunton niya sa pagkain ang sama ng loob. Mabuti nga kahit papaano ay nakakain pa siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD