ABALA si Noah sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa na nasa kanyang harapan. Oras iyon ng trabaho at siya ay nasa loob ng kanyang opisina na nasa itaas ng pag-aari niyang bar. Kagaya ng normal sa opisinang trabaho ay sa araw siya nagtatrabaho. Sole owner siya ng bar na iyon na itinayo niya may limang taon na ang nakakaraan. Iyon ay nang matanggap niya ang trust fund na pinamana sa kanya ng kanyang lola sa ina pagsapit niya sa edad na bente singko. Dahil naging parte ng buhay niya ang nightlife ay naisip niyang iyon ang pasuking business ng magkaroon siya ng malaking puhunan. Bukod sa nakuhang trust fund ay doon niya inilagak ang lahat ng ipon niya mula sa pagtatrabaho sa sariling kumpanya ng kanyang pamilya. Chain of restaurants ang pag-aari ng kanyang pamilya at masasabi niyang m

