Ilang oras pa at natapos na rin yung shift ni Santos dito sa coffee shop kung saan sya nagpapart time. Nagpaalam sya sa akin na magpapalit lang sya ng damit at makakauwi na rin kami sa condo unit ko. Habang hinihintay sya ay nagi-scroll na lang muna ako sa aking cellphone upang hindi ako mainip masyado. ‘Ingat kayo ni Santos pag uwi’ Basa ko sa chat sa akin ni Ashley. Nauna kasi syang umuwi na dahil may emergency daw sya bigla. Magrereply na sana ako ng bigla syang mag send ng picture kung saan makikita sa larawan si Santos na tila isang modelo. Ang gwapo nya sa suot nyang uniform nya. Tila bagay kay Santos ang pagiging barista nya. Mas nakadagdag kasi sa appeal nya. ‘Inspirasyon mo para hindi ka mabagot dyan, ingat ulit’ “Hahaha adik ka” simpleng reply ko nama

