“Nine... gising na” Naramdaman kong may gumigising sa akin pero antok na antok pa ako kaya tinalukran ko kung sino man yung gumigising sa akin. “Antok ka pa ba?” Tanong nyang muli. Hindi ba obvious? Antok pa talaga ako. Sagot ng isipan ko sa makulit na nanggigising sa akin ngayon. “Kung gusto mo pa matulog, lipat ka sa kama mo. Bakit ba dyan ka sa sahig natulog?” Sambit pa nya pero hindi ko sya pinansin. Antok na antok talaga ak. Parang kahit imulat lang ang mga mata ko ay hindi ko magawa. “Tsk..” Narinig kong sambit nya at kapag kuwan ay naramdaman ko na lamang na may mga bisig ang biglang yumakap sa akin at binuhat ako pagkatapos. Tila nawala ang antok sa sistema ko dahil rito. “Sa...santos!” Nagugulantang na sambit ko at saka ako nagtangkang bababa na sana

