Kakauwi ko pa lamang ng bahay. Hindi na ako nagpasundo kay Kuya Leo. Sumabay na lamang ako kay Lian since mapapadaan din naman daw sya sa area namin. Maaga kasing nagpaalam si Kuya Leo na uuwi ng bahay dahil may sakit daw ang isa nyang anak. Nag tangka pa akong mag abot ng pera sa kanya bilang tulong ko sana kaso tumanggi naman sya. Ma-prinsipyong tao talaga si Kuya Leo. Napaka-swerte ng mga anak nya na may ama sila na kagaya ni Kuya Leo. Halatang mahal na mahal ni Kuya Leo ang mga anak nya, mula sa pagkukwento pa lamang nya tungkol sa kung gaano sya ka-proud sa mga ito, gaano nya sila ka-mahal at kung gaano sya ka-determinadong mag sikap para maitaguyod nya ang pag aaral ng mga anak nya.
Napakahirap siguro talaga ang maging solo parent kaya saludo ako kay kuya Leo.
Naghahanda na akong matulog dahil napagod talaga ako sa mag hapon ko. Kakatapos ko pa lang mag shower ng biglang tumunog ang cellphone ko.
May tumatawag sa akin... sino kaya?
Agad kong tingnan kung sino ang tumatawag. Numero lamang ito. Hindi na ko nag abala pang sagutin ito dahil hindi ko kilala ang caller.
Magtext muna sya at magpakilala kung talagang importante yung tawag nya.
Nag-end ang tawag at hindi na muling tumunog ang cellphone ko.
Nagkibit balikat lamang ako. Baka wrong number.
Pinagpatuloy ko na ang pagpupunas ng aking buhok at pagkatapos ay sumampa na ako sa kama.
Napapangiti ako habang inaalala ang nangyari sa maghapon ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong kami kanina sa mga taga-Baseco. Fulfilling sa pakiramdam pero physically ay napagod talaga ako. Makirot ang aking mga binti pati na rin ang aking balikat. Maliban kasi sa pag -assist sa mga tao kanina ay tumulong din ako sa pagbubuhat ng mga gamit namin. Pero ayos lang! Mas nangingibabaw yung saya ko kaysa sa pagod ko ngayong gabi.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng maalala ko ang tatlong bata na pumukaw ng damdamin ko. Hinatid namin sila sa kanilang bahay kanina ngunit hindi namin nagawang makilala ang magulang nila, nasa trabaho pa raw ang papa nila at wala na silang ina. Hindi rin namin nakilala kahit ang kuya nila dahil hindi na kami pumasok sa bahay, baka makaabala pa kami. Ang mahalaga naihatid namin sila Binggo ng ligtas at batid kong masaya sila sa nangyari sa araw na ito. Masaya rin ako.
Nakangiting binabalikan ko ang mga nangyari sa maghapon ko at maya-maya pa ay niyakap na ako ng antok at saka tuluyan akong nakatulog ng mahimbing.
...
Ring...ring...ring...
Inaantok na inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table ko dahil walang tigil ito sa pagtunog.
"Kainis naman." Pabulong na reklamo ko.
Sinagot ko ang tawag without even trying to know kung sino ito. Nakapikit pa ang mga mata ko at panay ang aking paghikab. Antok na antok pa ako today.
"Hello?" tanong ko sa tao sa kabilang linya. Tahimik kasi sya at hindi nagsasalita. Wala rin halos maririnig na kahit na anong tunog sa background nya. Sino ba ito?
Nag umpisa na akong mairita.
First of all, wala akong pasok today sa school kaya hindi ako naga- alarm pag gantong araw dahil gusto kong bumawi ng pahinga kaso heto at napakaaga pa ay may gumagambala na sa akin tapos hindi pa nagsasalita? Anong kalokohan ito?
"You know what? If it's just a prank call, sa iba na lang, wag na sa akin." Naiinis kong sabi at doon ko chineck ang numero ng kausap ko.
Unknown number na naman. Leche, sino ba ito? Nauubusang turan ko.
Napamulat ako lalo ng mata ng matitigan ko ang numero. Teka lang, ito yata yung tumatawag sakin kagabi. Sino kaya ito?
Magsasalita pa sana akong muli ng ibinaba ng tao sa kabilang linya yung tawag.
Nakakapagtaka kasi sino kaya iyon at paano nya nakuha ang number ko?
Should I start worrying now?
I mean hindi naman sa napaparanoid ako pero knowing na may kaklase akong may lihim na galit sa akin, dapat na akong mas mag ingat pa, and this unknown number is not very usual.
Baka secret admirer ko? Hahaha as if naman na mayroong magkaka-gusto sa akin.
Tsk, mamaya ko na nga lang iisipin ito, matutulog na lang muna ako ulit.
Nilapag ko ang cellphone ko sa bedside table ko at agad na humiga at nagtalukbong ulit ako ng kumot.
Matutulog ako ulit. I deserve this hahaha.
Magha-hibernate ako today. Bahala yang unknown number na iyan. Nag desisyon akong i-silent ang cellphone ko dahil baka tumunog na naman ang cellphone ko. Ayokong maistorbo today.
Dinalaw muli ako ng antok kapag kuwan pero hindi pa malalim ang tulog ko ay nagising naman ako sa mga katok mula sa pinto ko.
Nafu-frustrate na ako.
"Argh!!! gusto ko lang magpahinga todaaaaaaay!!!" I groan and move pero di pa ko bumabangon. I am waiting na baka sakali tumigil yung kumakatok sa pinto ko at maisip nilang ayokong magpaistorbo, kaso wala, sige pa rin sila katok.
Tsk, dapat pala nag-paskil din ako sa pinto ko ng note na wag nila akong istorbohin today.
Bumangon ako at agad na binuksan ang pinto ko. Hindi ko na inalintana kung may muta ba ko, panis na laway o magulo ang buhok ko sa sobrang pagkairita ko.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay "what?!" agad ang unang salitang lumabas sa bibig ko.
Beast-mode ako dahil sa ilang beses akong nagising at naabala today.
Medyo napataas pa ang boses ko at doon ko napansin ang maid namin na si ate Lala na halata ang pagkabigla sa inasal ko. Very unusual ang inaasal ko ngayon and this is the first time na napagtaasan ko ng boses si Ate Lala.
Ito yung ugali ko na very rare lang na maipakita ko sa ibang tao pero may mga pagkakataon talaga na dragon mode ako lalo na kapag kulang ako sa tulog at pahinga. Hindi na ako nagulat sa reaksyon ni Ate Lala, kahit sino naman ay mapapaatras kapag ang napagtaasan ng boses saka hindi sya sanay na ganito ako makitungo sa kanya dahil hindi ko kasi talaga ugaling manigaw ng kasambahay pero kasi for pete's sake! gusto ko magpahinga today dahil napagod ako kahapon at nastress pa ko ng todo sa problema sa school this past few weeks.
Sinubukan kong pumikit at huminga ng malalim.
Lord hindi ko po kailangan ng jowa o ng kahit ano, basta makatulog lang po ako today. Napadasal na lamang ako upang mapakalma ko ang aking sarili. Siguro kaya rin ganito ang mood ko ay dahil medyo gutom na rin ako.
Nang masigurado kong kontrolado ko na ang emosyon ko ay saka ako nag salitang muli.
"Sorry ate Lala, ano po ba iyon? May emergency po ba?" Nakangiwing sabi ko sa kasambahay namin na napakurap kurap pa bago nagsalitang muli.
"Ah, Sir Nine.. ah..eh.." Tila nag aalangan pa ito sa sasabihin nya at napakamot pa ng ulo nya. I swear, tin-test yata ng tadhana ang pasensya ko today.
"po?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Kinokontrol ko na huwag tuluyang mainis. Kanina yung unknown number, ni hindi nag salita kaya hindi ko nalaman ang reason sa pag tawag nya tapos itong si ate Lala ay uutal-utal naman ngayon.
"Sir..." sabay nguso ni ate lala sa ibaba ko. Sinundan ko naman ng tingin yung iningunguso nya.
At tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig at nawala ang antok sa katawang lupa ko.
Naka-boxers lang pala ako. Sa sobrang antok ay nakalimutan kong suotin muna ang robe ko bago nagbukas ng pinto.
And the worst is...
is..
is..
is..
waaaaaaaa!!! nagfa-flag ceremony ang alaga ko.
Nakakahiya kay ate lala!!!!
Nangingiwing nagbalik ang mga mata ko kay ate Lala. Ramdam kong namumula ang mukha ko dahil sa embarrassment pero mas nagsisi ako nung nagbalik ako ng tingin kay ate Lala dahil hindi ko napansin na may kasama pala sya.
Napakunot pa ang noo ko nang sipatin ko ang lalaking nakatayo sa may likuran ni ate Lala.
And guess what kung sino ang kasama nya.
Walang iba kundi si Santos!
Pano nakapasok dito si Santos? Anong ginagawa nya dito? Saka bakit nya kasama si ate Lala? Magkakilala ba silang dalawa?
Ang daming tanong ang sunod-sunod na naglaro sa aking isipan.
Oh my God! Nakakahiya! Anong ginagawa nya rito?
Nagpapanic na tanong ko sa sarili ko.
Nag-aalangan at naiilang din syang nakatingin sa akin pero halata ring nagpipigila sya ng tawa or imagination ko lang yung nakita ko? Tsk, ewan!.. as if namang hindi nya naranasan sa umaga na may mag-flag ceremony? Sarap burahin ng mukha nyang mapang -asar.
"What the fudge Nine! pwede bang gumalaw ka muna para takpan yang nagfa-flag ceremony na alaga mo?! " Paninita ng aking isipan sa akin. Diba, anmg weird ko? Pati sarili ko kinakausap ko talaga.
"Ah, wait lang ate Lala" Paalam ko kay ate Lala sabay nagmamadaling bumalik sa kama ko para kunin yung robe ko na nakapatong sa upuan ko, sa may study table ko. Natalisod pa ako, buti na lang at di ako nadapa ng tuluyan. Hindi ko pa naman naisara yung pinto ko, for sure baka humagalpak na sa pag tawa si Santos if mangyari man iyon.
Awkward na bumalik ako kina ate Lala at Santos na naghihintay sa labas ng pinto ko.
"Ano nga po ulit yun ate Lala?" Pagtatanong ko ulit. Disente naman na siguro ang itsura ko diba? Nag balik ang tingin ko kay Santos na ngayon ay seryoso na ang mukha.
"Ah sir pasensya na po kayo at hindi ko na kayo nahintay na bumangon, naabala ko tuloy ang pagtulog ninyo. May emergency po kasi" Pag uumpisa ni ate Lala.
"Bakit po, ano pong emergency?" medyo nakaramdam pa ko ng kaba. Hindi naman sana ito tungkol kina mama at papa. Nasa overseas kasi sila ngayon para sa international convention na nilahukan nila para sa company namin kasi diba sa mga palabas ganun usually ang nangyayari sa kwento kapag may emergency? Tsk.. paranoid na naman ako.
"Ah sir si Kuya Leo po kasi ay naaksidente. Hindi po sya makakapasok muna ng isang buwan kasi kailangan nyang magpagaling. Naka confine po sya sa hospital ngayon tapos ang sabi po ng doktor, one week syang oobserbahan doon at pagkalabas nya, may posibilidad pong kailanganin pa nyang mag undergo ng therapy. Nabangga po kagabi yung sinasakyan nyang bus pauwi sa kanila." Detalyadong pagkukwento ni ate Lala. Tahimik lang ako, pinoproseso ko kasi yung naririnig kong information. Medyo naghahalo kasi yung emosyon ko at pag aalala which is hindi makakatulong ngayon. Ang mas dapat na unahin kong isipin ay paano matutulungan si Kuya Leo lalo na at solo parent sya at para na ring pamilya ang turing ko sa kanya.
"At heto pong kasama ko ay si Sebastian, anak na panganay po sya ni Kuya Leo. Sya po muna ang papalit sana kay Kuya Leo kung papayag po kayo sir kasi kailangan po nila ng pera para sa gamot ni Kuya Leo at yung panggastos pa nila sa pang araw araw na pangangailangan." Pagpapatuloy pa ni Ate Lala.
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Santos. Sinipat ko sya at hindi nga maitatangging anak sya ni Kuya Leo, kita kasi ang resemblance sa mukha nya at sa tindig nya, pero sa ugali, mukhang hindi nya nakuha sa kanyang ama.
"G..g..good morning po sir Nine" Naiilang na bati sa akin ni Santos. Nahihiyang bumati ito sa akin.
What a small world nga naman talaga. Ni hindi ko man lang napansin na hawig silang dalawa ni Kuya Leo. Napapaismid ako sa naiisip ko ngunit hindi naman na mahalaga ngayon kung anong impression ko kay Santos. Mas mahalaga si Kuya Leo ngayon kasi for sure, kung narito lang sila mama at papa ay gagawa rin sila kaagad ng paraan to help Kuya Leo.
"Wag mo na akong tawaging Sir Nine since magkaedaran lang tayo at same school pa tayo ng pinapasukan, Santos" Hindi ito sumagot, tumango lamang ito ng bahagya at ngumiti ng tipid sa akin.Napansin kong halata sa mga mata nito na puyat ito. Malalim at nangingitim ang mga eye bags nito.
Bigla akong nakaramdam ng awa. Bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam pero ito yung isa sa ugali ko na pinaka-ayoko sa lahat. Yung parang nadudurog ang puso ko kapag may nalalaman akong kapwa ko na dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay lalo na at walang-wala pa sila?
Isa rin sa dahilan bakit hindi ako matuto-tuto na magmaneho kahit umattend na ko ng driving school at sinubukan rin akong turuan ni kuya Leo noon... ito ay dahil kapag nakakakita ako ng pulubi sa daan, lalo na yung matatanda? o di kaya mga naglalako sa daan na mga bata o matatanda na masyado? Hindi ko talaga maiwasang maapektuhan, nawawala ako sa focus which is very dangerous kapag nasa kalsada at nagmamaneho ako. Syempre, mayroon ding malalim na reason bakit hindi ko talaga kayang mag maneho.
"Sige ate Lala okay lang sakin na si Santos na muna ang pumalit kay Kuya Leo bilang driver ko at kung may mga araw o oras na hindi magtutugma ang schedule naming dalawa ay kay Kuya Ryan na lamang ako magpapsundo at magpapahatid." Malinaw na sambit ko kay Ate Lala. Tila nakahinga naman sya ng maluwag sa narinig nya sa akin, for sure nag-aalala rin sya para kay Kuya Leo at sa mga anak nito. Yung mga kasambahay kasi namin dito, halos pamilya na ang turingan lalo na si Kuya Leo na parang tatay na ng lahat.
" Mag aasikaso lang ako tapos bababa ako para kumain at pagkatapos ay magpunta tayo ng hospital para dalawin si Kuya Leo. Since mag aasikaso pa lang ako, bumili na muna kayo ng prutas at alamin mo na rin ate Lala yung mga gamot na kailangan ni Kuya Leo" Kinuha ko sa wallet ko ang isang atm card ko at iniabot ito kay Ate Lala para magamit nya sa pamimili.
"Another thing pa pala ate, isama mo si Santos sa pamimili para makabili na rin kayo ng grocery items para sa knaila ng mga kapatid nya." Pahabol na bilin ko pa. Napansin kong aalma sa sinabi ko si Santos.
Ma-prinsipyong tao rin pala sya kagaya ng kanyang ama.
"That's an order. Pamilya na ang turing namin nila mama kay Kuya Leo and we will do whatever we can to help him. Mamaya, mag uusap rin tayo Santos. Marami tayong dapat pag usapan." Kokontra pa sana si Santos sa utos ko kaya inunahan ko na sya. Binigyang diin ko pa yung last sentence ko at sigurado akong naintindihan nya kung ano yung nais kong tukuyin. Tumango na lamang sya sa akin pagkatapos. Nagpasalamat sa akin si ate Lala at Santos at kapag kuwan ay kapwa na sila umalis upang gawin yung mga ibinilin ko sa kanila.
Isinara kong muli ang pinto ng kwarto ko at tila ba naubusan ako ng lakas.
Nawala na sa isip ko yung idea ng nakakahiyang bungad ko sa kanilang dalawa kanina.
Mas nangingibabaw sa akin ngayon yung nangyari kay Kuya Leo. May sakit ang anak nya kaya sya nagmamadali kahapon na umuwi, tapos heto naman ang nangyari sa kanya ngayon.
Nanghihina na nagdiretso ako ng cr para maligo na. Habang umaagos ang maligamgam na tubig mula sa shower, ay doon ko pinakawalan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang umagos. Weird diba? Hindi ko kadugo si Kuya Leo pero umiiyak ako dahil sa nangyari sa kanya. Ka-lalaki kong tao, sa panlabas ay matibay ako pero kapag nag-iisa na lang ako, mahina talaga ako. Napapaisip nga ako madalas kung normal ba itong nae-expreience ko bilang isang lalaki. I mean, ang emotional ko masyado, is this normal o baka kailangan ko ng magpakonsulta sa espesyalista? Minsan naiisip kong mag tanong kina Francis at Ashley tungkol dito, na baka sila naeexperience din ito kaso napapangunahan ako ng hiya. Jusko, baka pag nalaman nila na may gantong moments ako, baka pagtawanan nila ako. Lalo na si Francis, ang lakas pa namang mang asar nun. Tsk, hindi bale na!
Napatingin ako sa may salamin na nasa harapan ko. Tinitigan ko ang mga mata ko pati na rin ang mga luha na walang pihil sa pag agos. Grabe, ang panget ko pa lang umiyak. Napapailing na nag hilamos ako ng aking mukha.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Tila ba ang daming masasakit na bagay na nakakubli rito at ngayon ay pinapakawalan ko ang mga ito sa pamamagitan ng pag iyak. Hinayaan ko ang sarili ko na mailabas ang lahat ng sakit na naipon sa puso ko. Wala na akong pakealam kung mamaya pag labas ko ng kwarto ay mapansin nila ate Lala o ni Santos ang pamumugto ng aking mga mata.
Sa totoo lang, naaawa ako sa nangyari kay Kuya Leo at hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita ang kalagayan nya sa hospital.
Ilang minuto rin akong nagbabad sa loob ng shower at ng matapos na ako ay saka ako nag desisyon mag-asikaso na ng aking sarili.
Chineck ko ang aking cellphone, maraming messages akong natanggap, lahat mulas a group chat naming tatlo nila Ashley at Francis. Binuksan ko ito upang basahin. Akala ko ay importante ang nilalaman nito ngunit puro kalokohan lang pala ni Francis. Kung ano-anong pinag-sesend sa gc namin. Mayroon pang picture nya na nakahiga sa kama nya at naka-wacky post sabay message nya ng good morning people. Nahaha react ako sa mensahe nya dahil nag send pa sya ng message na maswerte kayo, poging mukha ko ang bumungad sa umaga ninyo! Si Ashley naman ay nag send ng gif na nasusuka bilang pang-asar kay Francis.
Kahit papaano ay nakakalimutan ko yung kaninang bigat na nasa dibdib ko. Nakangiti na ako ngayon. Kahit na aso at pusa ang mga kibigan ko, maswerte ako sa kanila.
Napatingin ako sa may oras sa cellphone ko, kailangan ko ng kumilos para makapag agahan. Inilagay ko ang cellphone ko sa aking bulsa at saka nag desisyong bumaba na.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa araw na ito, medyo nao-overwhelm kasi ako sa mga snuod-dunod na nagyayari.
I have to inform my parents about it too lalo na at mahalaga rin sa kanila si Kuya Leo. After all, our family is blessed to have him na loyal at maaasahan sa serbisyo.