CHAPTER 6: So It Goes

4788 Words
Pagkababa ko sa dining area namin ay agad akong umupo upang makapag-agahan na. As usual, marami ang nakahain na pagkain kahit na mag-isa lang akong nag-aagahan dito since wala sila mama at papa.   Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aagahan ko ng saktong dumating sila ate Lala at Santos mula sa pamimili nila ng groceries at prutas na ibinilin ko kanina.   “Sir, iniwan na lang po naming sa may sasakyan yung groceries na ipinabili po Ninyo.” Pagbibigay alam sa akin ni Ate Lala.   “Sige po ate tutal sa hospital naman ang punta namin ni Santos, sya naman ang mag-uuwi ng mga pinamili ninyo.” Tugon ko sa aming katulong.   Matapos marinig ang aking sagot ay nagdireto na si ate Lala sa may hardin upang mag asikaso ng mga pananim ni mama doon samantalang si Santos ay naiwang nakatayo sa may harapan ng mesa kung saan ako kumakain.   Nilingon ko sya ng mapansin kong wala yata syang balak na gumalaw.   “Tatayo ka lang ba dyan?” Tanong ko sa kanya.   “May ipag uutos po ba kayo?” Naiilang na sagot nya sa akin. Tila hindi yata nya naintindihan ang sinabi ko. Akala nya ay may iuutos ako sa kanya.   “Tsk, umupo ka dito at saluhan moa ko. Masyadong marami itong inihain nil ana agahan ko, tulungan mo akong ubusin ito.” Simpleng turan ko naman. Itinuro ko pa ang silya kung saan sya pwedeng umupo.   Halata sa kilos nya na nahihiya sya sa akin ngunit sumunod rin naman sya sa utos ko.   “Nagkakape ka ba? Mag timpla ka ng kape mo kung gusto mo.” Sinusubukan kong mag umpisa ng casual conversation para hindi sya mailing kasi pati ako ay naiilang sa set up naming dalawa. Ang awkward kasi ng ambiance.   Tumango sya sa akin at saka sya nag umpisang magtimpla ng kape. Tahimik lang akong nagmamasid sa bawat kilos nya.   Kahit papaano pala ay gwapo rin itong si Santos. Inumpisahan kong kilatisin ang kanyang mga mata. Mahaba ang mga pilikmata nya at yung mukha nya, walang pimple kahit isa. Nahiya naman ako na may tigyawat ngayon sa noo. Tsk…   Pinag patuloy ko pa ang pagkilatis kay Santos. Napadako ang aking paningin sa kanyang ilong. Matangos ito, which is good feature rin nya. For sure maraming babae ang nabobola nitong mokong na ito.   Maya-maya ay bumaba ang mga mata ko sa labi nya.  Siguro hindi sya nagyo-yosi, mapula kasi ang mga labi nya at mukhang…malambot?   Nang maisip ko ang salitang malambot ay agad na rumehistro sa utak ko ang insidente kung saan ay hinalikan nya ako.   Agad kong naibuga ang kape na iniinom ko. Nasamid ako sa naalala ko, putek yan.   Napatayo si Santos at lumapit sa kinaroroonan ko. Tinapik-tapik nya ang likod ko na may kasamang pag hagod, parang yung ginagawa sakin ni mama noong bata pa ako.   “Ano ba?” angil ko sa kanya sabay tulak sa kanya ng bahagya. Nakakailang kasi, ka-lalaki nyang tao ganito sya umakto sa kapwa nya lalaki. Nakakahiya at baka may makakita pa sa amin na kasambahay naming.   Bumalik sya sa kanyang pwesto at saka ako inabutan ng tubig.   “Sorry sir, gusto nyo po ba ng tubig?” Inabot nya sakin ang bason a may lamang tubig.   “Hindi na, ayos lang” Napa-ehem pa ako at saka inayos ang aking composure, pakiramdam ko kasi ay nag iinit ang mukha ko ngayon.   “Ganyan ka ba talaga? I mean, wag kang mao-offend ha. Pero kasi lalaki ka, lalaki rin ako, pero parang hindi ka naiilang?” Curious na tanong ko. Na-amaze ako sa kanya bigla. Parang ang cool nyang maging kaibigan.   “Sorry sir, nasanay po kasi ako sa mga kapatid ko.” Natawa naman ako ng bahagya sa sinagot nya sa akin.   “Alam mo, nakailang sorry ka na sakin today. Saka sabi ko sayo, wag mo na akong i-sir pa.” Nakangiting sambit ko saka pinag patuloy ang pag inom ng aking kape.   Somehow, okay ang pakiramdam ko ngayon dahil at least, kahit na ilang beses na nagambala ang tulog ko, hindi naman ako mag-isang naga-agahan ngayon. Masaya ako na may kasabay akong kumain ngayon.   “Kumain ka ng marami, sabi ko sayo tutulungan mo akong ubusin lahat ito.” Pagre-remind ko sa kanya ng mapansin kong kakaunti ang sinandok nyang pagkain.   “Eh sir, este…” tila hindi nya alam kung ano ang itatawag nya sa akin.   “Nine na lang itawag mo sa akin.”  Pagbibigay alam ko sa kanya para di na sya malito kung ano ba ang itatawag nya sakin.   “Eh Nine, akala ko po ba tutulungan lang kita na ubusin ito? Bakit po parang ako lang yata ang uubos?” Napairap ako sa narinig ko mula sa kanya. Nawala nga ang sir, may ‘po’ pa rin naman.   “Tsk, pati yung ‘po’ alisin mo na, naiilang ako eh” Nauubusang pasensya na sambit ko.   “Ah okay p..Nine” napakamot pa sya sa ulo nya dahil muntik na naman syang mag ‘po’ sa akin.   “May kuto ka ba? Sige ka kamot dyan” Pang – aasar ko sa kanya.   “Hala, wala ah!” Agad na depensa which amuses me. Bigla kasing nanlaki yung mata nya sa naringin nyam ula sa akin.   “Biro lang, oh sya ito pa ubusin mor in ito.” Sumandok ako ng carbonara na nasa gitna ng mesa at inilagay sa plato nya.   “Lugi ako, tutulungan lang kita pero ang ending ako pala lahat nag uubos nito” Aba, ilang sandal pa lang kaming magkasama at nagkakapag usap, nakakapag biro na sya agad sa akin.   “Ay wow, nagrereklamo ka po bas akin, boss?” Pang – aasar ko rin sa kanya na syang nagging dahilan para matawa sya.   “Para ka palang bata, akala ko lagi ka lang dragon eh” Nagtaka naman ako sa statement nya tungkol sa akin.   “Luh, seryoso ba? Ako? Dragon?” tsk sabi na eh, ako lang yung naniniwalang pleasing ako at friendly, pero ang tingin talaga sa akin ng iba ay ‘dragon’. Iiyak na baa ko nito?   “Oo kaya. Kanina palang, grabe natakot ako talaga ako. Saka yung sa university pa.” Natatawang sagot nya sa tanong ko.   “Ah.. yung kanina kasi bitin ako sa tulog at pahinga, pagod na pagod kaya ako kahapon! Galling kasi yung club naming sa Baseco.” Pagkukwento ko kay Santos. Ewan ko ba, parang ang gaan nya bigla kasama. Pakiramdam ko pwede kong ikwento sa kanya ang kahit na ano, unlike kina Ashley at Francis na minsan may inhibitions pa  rin ako.   “Baseco? Taga-doon kami!” Excited naman na sagot nya.   “Weh? nandoon ako kahapon. Bakit hindi tayo nagkita?” Curious na tanong ko naman.   “Ay hindi ako lumabas ng bahay kahapon, ilang araw na kasi akong may lagnat.” Napalingon ako bigla sa direksyon nya.   “May lagnat ka? So ikaw yung tinutukoy ni Kuya Leo na anak nya na may sakit kaya sya nagmamadaling umuwi?” Tumayo ako saka iniabot ang noo nya upang hipuin at alamin if ngayon ay may lagnat pa rin sya. Kanina kasi napansin kong matamlay sya, akala ko puyat lang kaya ganun. Yun pala nilalagnat sya, tapos kung umasta sya ngayon parang okay na sya?   Nagtataka ang mga mata ni Santos na nakatingin sa akin. “Magaling na ko, saka bilang panganay, kailangan kong kayanin, hindi pupwede yung magpapatalo ako sa lagnat.” Namamanghang sambit nya matapos kong hipuin ang noo nya.   Nagbalik ako sa aking kinauupuan.     “Magpahinga ka pa kaya today? Pwede naman akong magpsama kay Kuya Ryan sa ospital para dalawin ang papa mo.” Suhestyon ko sa kanya.   “Hindi pwede, saying din ang kikitain ko sa pagmamaneho ko sayo ngayon. Sa aming mahihirap, hindi uso ang sakit. Hangga’t kaya pa ng katawan, kailangan naming kumayod para mabuhay.” Determinadong sagot naman nya sa akin.   Sasabihin ko sana na aabutan ko n alang sya ng pera kahit wag na nya akong ipagmaneho today kaso for sure tatanggi sya.   Nginitian ko sya sa narinig ko mula sa kanya hanggang sa may pilyo akong naisip upang asarin sya.   “Sus, siguro may girl friend ka na kailangang i-date kaya todo kayod ka? Isusumbong kita kay Kuya Leo!” Pang-aasar ko sa kanya.   “Hahaha wala pa yan sa isipan ko saka naka-reserba na ang puso ko para sa isang tao.” Jusko, di ko alam kung kikiligin ako na may pagka-romatic na side itong si Santos o kikilabutan ako sa ka-cornyhan nya? “Cringey!” Sabay bato ko sa kanya ng tissue na tumama sa may dibdib nya.   “Grabe! Hindi yun cringey ha! Seryoso ako sa kanya at seryoso rin ako sa pag tupad ng pangarap ko para kay papa at sa mga kapatid ko. Sa ngayon, hahangaan ko na muna sya sa malayo dahil hindi ko pa kayang abutin yung mundo nya.” Dahil sa narinig mula sa kanya ay hindi ko na napigilan na matawa ng malakas.   “Hahahaha grabe Santos, hindi ko akalain na may ganitong pagkatao ka pala.” Halos maluha na ako sa kakatawa at pang-aasar ko sa kanya. Mas lalo pa akong natawa ng mag-pout sya, akala mo ay bata na nagpapa-cute bigla.   “On a serious note, maswerte kung sino man yang tinutukoy mo. If seryoso ka talaga sa sinabi mo kanina.” Kibit-balikat  na turan ko sa kanya.   “Mas maswerte ako sa kanya kasi alam kong napakabuti nyang tao kahit na minsan dragon sya. Determinado akong magsikap na maabot sya para mapatunayan kong deserving ako na mahalin nya.” Slow motion na pumalakpak naman ako at tumayo pa na kunwari ay napa outstanding ovation ako sa sinabi nya.   “Hahahaha para ka talagang bata. Ang cute mo.” Nawala s aloob na sambit nya. Napa-ehem tuloy ako sa narinig ko saka muling umupo at nagpatuloy sa kinakain ko.   “Bilisan na nating kumain para madalaw na antin si Kuya Leo.” Speaking of Kuya Leo, nakalimutan ko pa lang tanungin itong lalaki sa harapan ko kung kumusta na ang papa nya. Tsk, ano ba yan Nine.   “Nga pala, ngayon ko lang naalala. Kumusta pala si papa mo?” Paubos na yung kanin na nasa plato ko.   “Kanina ay dumaan ako sa kanya, tulog pa sya kaya hindi ko na muna ginising si papa. Nadali yung paa nya pero sa awa ng Diyos ay hindi sya napuruhan ng todo.” Napansin kong lumamlam ang mga mat ani Santos. Nabura rin ang mga ngiti nyam ula sa asaran naming kanina.   “Di bale gagaling din si Kuya Leo. Ipagdadasal natin yan.” Hindi ako magaling sa pag-comfort but I gave him an assurance.   “Salamat sa tulong mo sa amin lalo na kay papa.” Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Napansin kong paubos na rin ang pagkain na nasa plato nya. “Nga pala, hindi ka ba matatakot sa makikita mo mamaya sa ospital? May bakal ang paa ni papa.” I gave him a confuse look.   “Malamang may bakal ang paa ni Kuya Leo, pero bakit naman ako matatakot? May Halloween party ba sa hospital?”    “Hahaha hindi yun. May mga tao kasi na may phobia sa hospital baka may phobia ka sa ganun.” Ah… yun pala ang ibig nyang sabihin.   “Wala akong phobia sa mga ganyan kaya wag ka ng mag-alala pa dyan at wag mo na rin akong idagdag sa mga iniisip mo, sige ka tatanda ka kaagad nya. Kukulubot yang mukha mo, baka ayawan ka nung labidabs mo.” Pang-aasar ko ulit sa kanya. Hahaha parang sumapi tuloy sa akin si Francis ngayon, nawiwili akong inaasar ko si Santos.   Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na kaming mag-agahan. Agad kaming nagtungo sa may kotse na gagamitin namin ngayon.   “Ayos ka na ba sa pwesto mo?” Nasa may driver’s seat na si Santos ngayon. Nilingon nya ako upang i-check kung okay na ako sa pwesto ko.   “Yes boss!” Sumaludo pa ako sa kanya. Naka-ngiti at iling- iling sya na nagbalik ng tingin sa may harapan at nag umpisa na syang mag maneho.   Nang makarating kami sa hospital ay nabungaran kaagad namin si Kuya Leo na kasalukuyang natutulog. Hindi ko na ipinagising si Kuya Leo kay Santos. Nagtungo na lamang ako sa doktor upang magtanong sa kalagayan nya, para maireport ko rin ito kina mama.    Habang nasa loob kami ng kwarto ni Kuya Leo ay bakasa sa mukha ni Santos ang pag-aalala para sa kanyang ama. Alam na daw ng mga kapatid nya ang nangyari sa kanilang ama ngunit hindi daw pumayag si Kuya Leo na pumunta ng hospital ang mga kapatid nya para dalawin sya ng mga ito.  Ilang oras kaming nanatili sa kwarto ni Kuya Leo, saktong paalis na kami nang magising sya kaya kinausap muna namin sya para makamusta ang nararadaman nya.  Matapos ang pagbisita kay Kuya Leo ay nagpaalam na ako sa kanya upang umuwi ng bahay. Nagpaalam na rin si Santos sa kanyang ama since sya ang bagong driver ko. Hindi naman pupwede na magmaneho ako, how I wish na marunong akong magmaneho diba? Kasalukuyang binabaybay na namin ang daan ng mapansin ko ang grupo ng mga bata na naglalaro sa isang park. Medyo madilim na ang paligid dahil 6:30 P.M. na rin. "Santos, saglit ihinto mo muna ang sasakyan doon sa may parking area." Utos ko kay Santos na agad rin namang tumalima. "Sige po." Magalang na sagot naman nya. Natigilan pa ako kasi parang kanina lang sa bahay ay nawala na yung awkwardness namin sa isa't isa tapos heto at parang hindi na naman sya komportable sa presensya ko. Nakailang sita na ako sa kanya tungkol sa pagtawag nya sa akin ng Sir kanina sa hospital pero mukang hindi sya komportableng Nine lang ang itawag sa akin kapag kasama namin ang papa nya.  Pagkahinto ng sasakyan ay bumaba na ako. Gusto ko munang magpahangin dito sa park. Maglalakad na sana ako ng mapansin kong hindi lumabas ng sasakyan si Santos kaya kinatok ko ang bintana sa side nya para kunin ang atensyon nya. Ibinaba nya ang bintana upang marinig nya ang sasabihin ko. "Hindi ka bababa?" Namamanghang tanong ko sa kanya. Ang weird nya at ang tahimik nya mula nung nanggaling kami sa hospital. Affected pa rin siguro sya at nag-aalala para sa kanyang ama.  "Kailangan ko rin po bang bumaba?" inosenteng tanong naman nya sa akin. Like, seriously? Ang alam ko kapag scholar matalino diba? Eh bakit ang slow yata nitong kasama ko. Hayaan mo na, alam mo namang may pinagdadaanan yung tao. Sagot ng konsensya ko.  "Tsk, malamang po lalo na at kailangan ko rin ng kasama kaya bumaba ka na dyan." Pagakasabi ko nito ay tumalikod na ako at nag umpisang naglakad habang nakapamulsa ang aking mga kamay. Habang naglalakad ay may mga bata akong natatanaw na masasayang naghahabulan at naglalaro. Ang sarap sa tenga na marinig yung tunog ng halakhakan nila. Masaya sila sa simpleng idea na nakakapaglaro sila. Malayo sa ibang batang binigyan na ng mamahaling laruan ng kanilang magulang ay hindi pa rin kayang lubusang maging masaya. Umupo ako sa isang upuan sa may gilid at pinagpatuloy ko ang panonood sa mga batang naglalaro. Lumapit sa akin si Santos na may dalang dirty ice cream. Iniabot nya sa akin yung isa na avocado flavor. "San mo nabili ito?" pag uusisa ko sa kanya. "Ah doon po sir" sabay turo nya sa matandang nagtitinda ng sorbetes. Umupo si Santos sa kabilang dulo ng bench. "Ahm... magpapaalam po sana ako na bago po mag alas otso ay makauwi po sana ako ng bahay? Wala po kasing kasama ang mga kapatid ko sa bahay namin. Tiyak na hinihintay po nila ako." Hindi ko na sinita yung pagpo-po nya sakin though hindi ako komportable dahil halos magkaedaran lang kaming dalawa.  "Sige okay lang. Pagkahatid mo sakin sa bahay ay dumiretso uwi ka na. By the way ilan ba kayong magkakapatid?" Casual na tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing maging kaibigan si Santos, muka namang mabuting tao sya. "Apat po kami. May dalawang lalaki pa po na sumunod sa akin at ang bunso po namin ay babae. Nasa junior high school ang dalawa ko pong kapatid na lalaki at ang bunso po namin ay nasa elementarya naman." Nakangiti sagot sakin ni Santos. Napatitig akong muli sa maamo nyang mukha . Bakit ang ganda pa rin ng ngiti nya? Bakit hindi ko mabakas na nay mabigat syang pinagdadaanan unlike kaninang umaga nung mapansin kong in distress sya base sa itsura nya. "Santos, totoo bang binubully ka nila Bryan?" direktang tanong ko sa kanya. Syempre kailangan kong malaman agad ang sagot. Hindi ko pwedeng basta na lang pabayaan ang sitwasyon kahit pa may problema sila ngayon hindi ko pa rin pupwedeng hayaan na lamang yung issue sa school lalo na at involved kaming dalawa doon. "Nine..." Nabigla ito sa pagtatanong ko sa kanya, halatang hindi nya inaasahan na magtatanong ako sa kanya ng tungkol rito. Bahala sya, basta kailangan kong malaman ang totoo. "You better tell me the truth. Alam mo bang hinahanap ka ni Dean Bravo to discuss this matter? You must speak up para matulungan ka namin. Isipin mo na lang yung ibang students na maaring mabiktima nila Bryan plus yung safety ko na rin dahil ako ang target nila." Pagpapaliwanag ko kay Santos. I hope this time umakto na sya ng tama or else baka masapak ko sya sa inis. Pero joke lang yun, hindi naman ako bayolenteng tao. "Nine, inaamin ko sa iyo na inutusan ako nila  Bryan na gumawa ng paraan para sirain ang reputasyon mo ng sa gayon ay madisqualified ka bilang candidate for suma cumlaude. Yes, third year pa lang tayo at may isang taon pa para isipin kung sino ang magiging suma cumlaude, ngunit iba si Bryan. Gusto nyang masigurado na by this time ay malinaw na wala syang makakakumpetensya tungkol rito. Inaamin ko rin na ginawa ko iyong pag..pagha..paghalik ko sa iyo dahil sa isang kasunduan na titigilan na nila ako kapag napagtagumpayan ko ang kagustuhan nilang masira ang reputasyon mo" Mahabang paliwanag ni Santos na napatungo pa at hindi nya magawang tingnan ako, tila ba nahihiya sya at naiilang. Napansin ko lang na parehas pala kaming hindi magawang idirekta ang salitang "halik" . Natatawa ako sa naiisip kong hindi lang ako ang nakakaranas ng awkwardness kapag naaalala yung kissing incident naming dalawa. "Kapag nalaman mo kasi ang totoo ay gagawin daw ni Bryan ang lahat para matanggal ang scholarship ko. Desperado na ako that time kaya pumayag ako. Pasensya na talaga Nine, naipit lang ako at di ako nakapag isip ng tama. Magulo  ang isipan ko dahil suno-sunod rin ang pagbabantang natatanggap ko sa grupo nila Bryan." Humingi muli sa akin ng paumanhin si Santos.  "Sige kung totoo yan, bakit ka ngumiti after mo akong halikan, ha aber?" Nakakunot ang noo ko ng maalala ko na naman. Syempre big deal sakin yun, lalaki ako tapos para akong naungusan ng kapwa ko lalaki. I'm saving my ego, maybe. "Matapos ko kitang halikan, napansin ko ang mukha mo. Nakapikit ka kasi. Ang cute mo noong mga oras na iyon kasi namumula ang mukha mo tapos ang lambot ng labi mo at lasang candy pa." He explained...innocently? Bigla yatang uminit ang paligid ko ng marinig ko ang paliwanag nya tungkol sa insidente na iyon. Takte Nine, bakit para kang kinikilig dyan? Hayst, so totoo pala yung nakita ko that day na reaction nya at hindi ito isang defense mechanism or tricks lang ng utak ko. "Pinagtitripan mo ba ako, Santos?" Kunwari ay nag-aamok ng away na sabi ko kay Santos. Agad syang nataranta sa narinig mula sa akin. "Naku Nine, hindi. Sorry ulit, hindi na iyon mauulit tutal titigil naman na ako sa pag aaral." Tumamlay bigla ang mukha nya. Hindi na ako nagulat sa sinabi nya dahil napapadalas rin ang pag absent nyas a university kaya hindi sya mahagilap nila Dean Bravo. Tumayo ako para itapon ang tissue na ginamit kong pamunas sa ice cream na inubos ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinauupuan ko at seryoso ang mukha kong muling hinarap si Santos. "Hindi ka titigil sa pag aaral mo dahil kung ang inaaalala mo ay sila Bryan, I am giving you now the assurance na pagbalik mo sa school ay expelled na sila sa campus." Confident na sabi ko kay Santos. Sigurado akong by this time, may nahanap ng matibay na evidence sila Dean Bravo to support their findings sa investigation na ginawa nila noong nakaraang mga linggo. "Kung ang inaalala mo naman ay si Kuya Leo at ang mga kapatid mo, well problem solved" Simpleng turan ko naman sa kanya. "Paanong mangyayaring problem solved, bayarin palang sa hospital ay halos ikalula ko na dahil wala naman kaming ipon pambayad doon." Nagtataka ang reaksyon ni Santos at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ko sa kanya. "Well, magtatrabaho ka as my personal driver bilang kapalit ni Kuya Leo plus magtatrabaho ka rin bilang tutor ko. Maliban dyan, kasama sa kontrata ni Kuya Leo sa magulang ko na kapag sya ay nakaranas ng emergency, he will receive a financial aid to help him until he recovers plus the medication that he will be needing." Pagpapaliwanag ko kay Santos since nabanggit iyon sa akin ni mama kanina habang katext ko sya sa sasakyan.  Nakatulala lamang si Santos na nakatingin sa akin. Napansin kong natutunaw na ang ice cream na hawak nya.  I snapped my fingers sa harap nya kaso tulala pa rin sya. "Huy!" yugyog ko sa balikat nya kaso wrong move dahil sa pagkabigla nya ay natapon ang ice cream nya na naglanding sa crotch nya. Nataranta tuloy akong kinuha ang panyo ko at ipinunas sa parte kung saan nahulog ang ice cream nya. "Ay hala sorry!" natatarantang sabi ko at patuloy na pinupunasan sya. Gusto ko lang sana syang asarin kaso wrong move pala. "Nine, ako na" Biglaang agaw sa akin ni Santos ng panyo ko, napansin ko rin na medyo napataas ang boses nya. Ay wow, sya pa galit? Kasalanan ko bang nakatanga lang sya habang nagsasalita ako? Nainis ako bigla sa inasal nya. Namumula ang mga mukha nya, siguro naiinis talaga sya dahil sa natapong ice cream. "Going back... so ayun nga, in terms of financial issues ay wala ka ng poproblemahin pa dahil wala naman kayong gagastusin sa pagpapagaling ng iyong ama and at the same time, may extra income ka pa. If about the bullying incident, sinisigurado ko sayong matatanggal sa school sila Bryan. So ano pang pumipigil sayo para magpatuloy sa pag aaral mo?" Pagpapatuloy ko sa naudlot na paliwanag ko kanina habang si Santos ay abalang tinatakpan ang parte kung saan natapon ang ice cream nya. "Bakit ba todo takip ka dyan, ice cream lang ang tumapon sa pantalon mo." Naiinis na sabi ko sa kausap ko na abalang nagtatakip ng panyo sa bahagi ng pantalon nya na natapunan ng ice cream. "Eh kasi..." hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil hinablot ko ang panyo na nakatakip sa crotch nya at doon ko napansin na... na... na nagfa-flag ceremony ang junior nya kaya agad ko ring ibinalik ang panyo nya. "My God, Santos nasa park tayo na puro bata!" I exclaimed exaggeratedly at nagpipigil na m atawa sa natunghayan ko. Nahihiya naman itong yumuko. Aasarin ko pa sana sya kaso baka mag back fire sa akin dahil kaninang umaga ay ako yung may nakakahiyang incident rin na na-witness nila ni Ate Lala. "So ano ang masasabi mo, titigil ka pa rin ba?" pagbabalik ko sa topic namin kanina. Hinayaan ko na lang sya na takpan ang junior nya. Jusko! "Nine, hindi ko naman kayang sikmurain na halos kayo ang nagbigay ng solusyon para sa problemang para lang dapat sa aming pamilya." "Well, news flash. Pamilya na rin ang turing namin kay Kuya Leo. Hindi pa ako buhay ay family driver na namin sya. So basically, ang lahat ng ito ay para kay Kuya Leo. So yang pride mo, isantabi mo yan para sa ama mo. Para matupad mo ang pangarap nya para sayo at sa mga kapatid mo." I told him frankly. "Hindi naman pride yung pinapairal ko, pinalaki kasi kami ni papa na may prinsipyo pero salamat Nine sa kabutihan ng inyong pamilya. Tatanawin ko itong isang malaaking utang na loob. Darating ang panahon na masusuklian ko rin  kayo at ang magulang mo" Puno ng pagpapasalamat na turan ni Santos. "Hindi ako tumatanggap ng sukli. Kung ano man ang ginawa kong kabutihan o kabutihan na ginawa ng magulang ko, lahat yun ay pagkukusa at wala kaming hinihinging kapalit. Kung gusto mong maibalik ang tulong namin, maging mabuting anak ka para kay Kuya Leo at mabuting kuya sa mga kapatid mo at higit sa lahat, gamitin mo ang oportunidad na ito para sa pag abot ng pangarap mo." Seryosong banggit ko naman kay Santos. "Pero... yung halik, pwede bang wala ng ibang makaalam pa nun? Jusko Santos, sa dinamirami ng babaeng pwede kong maging first kiss, bakit sa isang lalaki pa. Baka ma-turn off ang mga chicks ko" Biro ko kay Santos. Masyado na kasing madrama yung usapan namin. Natawa naman si Santos sa sinabi ko sa kanya. Inalis na nya ang panyo na nakatakip sa crotch nya kanina. "Huwag kang mag-alala, walang ibang makakaalam na ako ang first kiss mo" Biro rin nya sa akin. "Tara na, para makauwi ka rin agad sa mga kapatid mo. Next time, dalhin mo sila sa bahay para makilala ko sila." Nakangiting sabi ko. Iniabot ko pa ang kamay ko sa kanya. "Ah Nine malagkit kasi itong panyo mo, ibalik ko na lang po sa iyo pag nalabhan ko na." Kamot-ulong sagot naman ni Santos sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya kasi hindi naman panyo ko yung hinihingi ko. Balak ko sana syang alalayang tumayo kasi baka malagkit yung nasa pantalon nya at mahirapan syang tumayo. "Huh? Sabi ko tara na. Tumayo ka na dyan." Sinabi ko na lamang sabay lagay ng mga kamay ko sa bulsa at nauna na akong naglakad. Oo nga naman, bakit ko ba sya aalalayang tumayo eh hindi naman sya babae. Stupid me. Nilingon ko si Santos na nakasunod na naglalakad sa likuran ko. Nang makarating kami sa parking area ay akmang bubuksan na ni Santos ang pinto ng kotse ng maalala ko si Manong sorbetero na binilhan nya ng ice cream kanina. "Sandali, yung ice cream vendor ba na binilhan mo kanina ay kakilala mo? Para kasing kilala mo sya." Highly observant kasi ako at napansin kong parang matagal na silang magkakilala nito. "Ay oo, sa kanya kami madalas bumibili ng ice cream ng mga kapatid ko kapag ipinapasyal kami ni papa dito." Ah, I see... "Ganito, bumalik ka sa kanya at bilhin mo lahat ng paninda nyang ice cream. Ipalagay mo na lang sa plastic, di naman siguro agad matutunaw sa byahe natin yung ice cream since air-conditioned naman ang sasakyan natin." Nag aalangang tinanggap ni Santos ang iniabot kong cash sa kanya. "Ipamigay mo rin sa mga bata na naglalaro doon yung ibang ice cream." Pahabol na bilin ko sa kanya. Mula sa sasakyan ay tinanaw ko si Santos na ngayon ay kausap na ang sorbetero. Itinuro pa nya ang direksyon ko sa matanda kaya itinaas ko naman ang kamay ko para makita ako ng matanda. Matapos maiabot ang bayad ay saka nya ibingay sa mga batang naglalaro ang mga ice cream stick na nabili nya at saka sya patakbong bumalik patungo ng sasakyan Matapos nyang maipwesto sa driver's side ang plastic na puno ng ice cream ay agad na nyang pinasibad ang sasakyan. .... Ilang oras din ang inabot ng aming byahe. Narito na kami ngayon sa bahay. "Nine, heto na yung ice cream mo." Nakangiwing iniabot sa akin ni Santos ang plastic na may lamang ice cream na kasalukuyang natutunaw na ngayon. "May ref ba kayo sa inyo?" Tanong ko sa kanya. "Meron naman, bakit?" Nagtatakang tanong nya sa akin. "Para sa mga kapatid mo yang ice cream. Patigasin mo na muna sa ref ninyo since natunaw na yan sa byahe." May himig ng panunukso pa ang pagkakabanggit ko sa salitang 'patigasin'. Gusto ko lang syang asarin. Namula ang mukha nito at kapag kuwan ay nagpaalam na rin na uuwi na sa kanila dahil hinihintay pa sya ng mga kapatid nya. "Sige ingat sa pag uwi, see you tomorrow. Huwag mong kalimutan, papasok ka rin bukas sa school." "Yes po boss, salamat ulit. Goodnight po." Sumaludo pa ito sa akin.  At least ngayon nakakapagbiro na sya, siguradong gumaan kahit papano ang nasa loob nya. May sumilay na ngiti sa aking mga labi ng pumasok ng bahay. So it goes...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD